Season 2- ❤ v

3.3K 56 14
                                    

Thank you kung nandyan pa kayo xD Sensya na at ngayon lang naka-UD,sobrang busy lang talaga.Uhmm,pansin niyo yung bagong cover? Yan ang gagamitin na design para sa book na irerelease soon (Gaano katagal ang soon? xD) Hihihihi love you all! #TeamHearty

Ronnel’s POV

May parte sa akin na gusto ng tumigil,pero para kay Serenity kaya kailangan kong magpatuloy. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya ay matagal ko na siyang hinayaan sa mga plano niya,matagal narin pala iyon pero wala na talagang urungan.Tuluyan ko ng nakalimutan ang nangyari noon dahil sa pagsali ko sa Devilly 6.Dahil sa isang bagay na nalaman ko kaya bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko.Ngayong alam ko na ang dahilan kung bakit sila nawala at kung sino ang nasa likod ng pagkamatay nila ay kailangan ko silang maipaghiganti.Matagal na akong nananahimik at ito na siguro ang tamang oras para magawa lahat ng mga kailangan kong ginawa noon palang.

Nandito parin ako sa subdivision kung saan ko hinatid si Chrissy.Medyo malapit ako sa bahay nila pero hindi ako ganon kahalata.Nakaramdam ako kanina ng kaunting gaan ng loob dahil siguro sa nakapag kwento ako tungkol sa nakaraan ko na ayaw kong balikan.

Hindi nagtagal ay nakita ko ng paparating ang sasakyan ni Xander.Isang itim na Toyota Camry ang sinasakyan niya ngayon.Matapos siyang bumusina ng dalawang beses ay lumabas si Aling Martha,ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata.Nakilala ko siya noong pumunta ang Devilly 6 sa bahay ni Xander.Ilang sandali lang ang dumaan at nakapasok na sa loob si Xander.Naghintay ako ng kaunti para hindi ako masyadong halata na nakamasid.Kailangan ko lang makahanap ng tamang tiyempo para malagay itong box na naglalaman ng surpresa para sa kanilang dalawa.

Bumaba ako ng kotse at tumingin sa paligid,walang tao.Lumapit ako sa may gate at nilapag ito sa may tapat.Nag door bell ako ng dalawang beses atsaka tumakbo pabalik ng kotse para makapagtago.Mula sa sasakyan ko ay kitang-kita ko ang pagkuha ni Aling Martha sa kahon na nilagay ko at nagpalinga-linga sa paligid.Nang makita ko na siyang pumasok ay pinaandar ko na ang kotse at umalis na doon.Siguradong magugustuhan niyo yan Xander,mag-hintay ka lang at marami pa akong ipapadala.

Kasalukuyan kong nagda-drive pauwi nang mag-ring ang cellphone ko.Gaya ng inaasahan,si Serenity.Sinuot ko ang headphone para sagutin ang tawag niya.

“Hey” bati ko dito.

[“So how was it?”]

“Tapos na,pauwi na ako.”

[“Okay good,take care.I’ll just call you later kapag natapos ko na itong pinapagawa mo.”]

“Sure thing,I’ll hang up now.”

Pagkatapos non ay tinanggal ko na ang headphone at binalik sa pagda-drive ang atensyon ko. Nag-isip pa ako ng mga pwedeng gawin para pahirapan sina Xander,gusto kong iparamdam sa kanila ang sakit na naramdaman ko noon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon,bigla kong napreno ang kotse nang matanaw ko ang isang pamilyar na mukha.Isang babae na nakatayo sa labas ng mall,kahit malayo ay alam na alam ko na siya iyon.Si Kris Diane,ang nagbigay noon sa akin ng dahilan para magbago.Siya ang naging sandalan ko noong wala akong makapitan.Hindi ako nagdalawang isip na bumaba at puntahan siya,wala naman kasi itong kasama.Pero napansin ko ang tiyan nito,medyo malaki at bilog.Naka-maternal dress rin pala ito.

“R-ronnel?” hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako sa ganitong lugar.Hindi kasi ako madalas mapagawi dito.

“Kumusta kana Dai? “ yun yung tawag ko sa kanya noon pa man.At ako lang ang tumawag sa kanya ng ganoon.

“Ito mabuti naman,soon to be mommy narin.” Kung hindi ako nagkakamali ng interpretasyon sa ekspresyon ng mukha niya,may bahid ng kalungkutan ito.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now