Season 2- ❤ i

5K 104 15
                                    

Ikaw na nagbabasa nito,oo ikaw nga! :) Ngumiti ka para lalo kang gumanda/gumwapo.Enjoy reading :) 

Chrissy’s POV

Ito na talaga ang araw na hinihintay namin.Ang araw ng aming kasal ni Xander.Dahil sa wakas,magiging isa na kami,sa kabila ng mga pinagdaanan namin at sa mga nangyari.Si Xander ay nasa kanila kasama ang mga Devilly 6 para maghanda,kami naman sa bahay ay busy din.Dumating na rin ang mag-aayos sa akin,yung kaibigan ni Mama na nag-ayos sa akin noong Socialization.Hindi daw siya makapaniwala na ikakasal na ako.I’m already 23 and 25 na si Xander,nasa tamang edad narin kami para magpakasal.It’s been 6 years noong nangyari ang bangungot na iyon.Pero dahil sa pangyayaring iyon,nagbago ang lahat at kinailangan naming mag-umpisa ulit.Si Xander pala ay isang Certified Public Accountant na nagtatrabaho sa isang Auditing Company samantalang ako ay isang Boss sa business na itinayo namin ni Xander.Isa itong clothing line na sikat ngayon sa Pilipinas. “Pench” ang pinangalan namin dito.Talagang kasal nalang ang kulang sa amin.Kaya ito na!

Suot ko ang isang wedding dress na pinagawa pa ni Mama sa France.Simple pero eleganteng tignan,mas mangingibabaw daw ang ganda ko sa suot ko.Yung tela na ginamit talagang maganda,bawat beads na nakalagay dito parang maingat na tinahi.Kapag si Mama talaga ang pumili,wala na akong masabi.

Paalis na kami ng bahay at papunta na sa simbahan.Alam kong naghihintay ni Xander doon.Si Papa ang nagdadrive ng kotse habang si Mama naman ay katabi ko sa likod.Walang imik ang parents ko dahil alam kong may halong saya at lungkot ang nararamdaman nila.Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa San Lorenzo Parish Church,maraming sasakyan ang nakapark sa labas at may mga taong naghihintay talaga sa pagdating ko.Habang nasa kotse ay nakita ko pa si Homer na pumasok sa loob at sabihan ang mga nandoon na narito na ako.Bago bumaba ay niyakap ako ni Mama.

“I’m happy for you Anak.” Sabi ni Papa sa akin at naunang bumaba para pag-buksan kami ng pinto ni Mama.

Inalalayan nila ako sa pagbaba ng kotse at sinalubong naman ako ni Jelie kasama si Justin.Siya ang maid of honor ko at ang best man naman ay si Justin.Una palang ay si Jelie na ang first choice ko bilang maid of honor,siyempre sino pa ba ang kukunin ko pero si Xander ang pinaka nahirapan sa pagpili ng best man dahil baka magtampo daw ang ibang miyembro ng Devilly 6.

“Sis,ang ganda mo talaga.” Salubong ni Jelie sa akin.

“Kanina pa hindi mapakali si Boss sa loob,kabado masyado.” Singit naman ni Justin sabay tawa.

Mukhang mas kinakabahan pa ata siya kesa sa akin.Aminado naman ako na kinakabahan din ako,sino ba naman ang hindi.Pero wala ng urungan ito.

Nag-ayos na ang lahat at pumunta na sa mga pwesto nila.Isa-isa ko silang pinanuod na pumasok sa loob kasabay ng pag-kanta ni Aljo.Siya kasi ang wedding singer namin.Mas nalinawan na ako sa kanta ng marating ko na ang harap ng malaking pinto na nakasara. “Ikaw ang Sagot” by Tom Rodriguez ang unang kanta namin.Tiyak na kapag bumukas ito,makikita ko na ang taong pag-aalayan ko ng buong buhay ko.Huminga muna ako ng malalim at hinanda ko na ang aking sarili.Nasa likod ko naman si Jelie para sa pag-aayos ng gown ko.And of course,my king,my dad is standing beside me.

What day is it?

And in what month?

This clock never seemed so alive

I can't keep up and I can't back down

I've been losing so much time.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now