Season 2- ❤ iii

3.2K 75 11
                                    

 The long wait is over! Here's the update :)

Chrissy’s POV

Tutal wala na rin akong magagawa kung hindi ang mag-stay sa bahay, magpapahinga muna ako sa trabaho.Nasa kwarto lang ako,nakahiga at nagbabasa ng libro.Parang naka-relate ako sa isang eksena.Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noon.Nung oras na muntik akong namatay ng dahil sa kanya.

Flashback

 

Naglalakad na kami palabas ng lingunin ko si Krusaint .May hawak na itong baril at nakatutok kay Xander.

 

Bumitaw ako sa kamay ni Xander at niyakap siya mula sa likod.

 

BENG!

 

Naramdaman ko ang pagbaon ng isang maliit na bagay sa likod ko.Parang nagmanhid ang buong katawan ko at bigla nalang tumumba.

 

Sa pagkakahiga ko sa sahig ay nakita ko si Xander na may hawak naring baril at sunud-sunod na pinaputok iyon kay Krusaint.

 

Lumuhod ito para buhatin ako.Habang buhat niya ako ay hinawakan ko ang pisngi niya.

 

“Xander tama ka,ikaw parin ang mahal ko.Sorry sa lahat,gusto ko sanang mag-umpisa tayo pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa.” Wala akong naririnig na sagot niya pero ang luha na niya ang nagpapaliwang ng gusto kong sagot.Walang tigil ito at halatang nagpipigil pa.Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko hanggang sa wala na akong makita at maramdaman.

End of flashback

 

Noong oras na iyon,akala ko katapusan ko na talaga.Hindi ko inaasahan na makakaligtas pa ako sa insidenteng kagagawan pa ni Krusaint.Siya ang dahilan kung bakit muntikan ko ng malimutan si Xander.Pero siya rin ang nagtulak sa amin para magkalapit ulit kami.Pero ang pinaka hindi ko malimutan ay ang araw ng libing ni Krusaint.Doon ako mas lalong natakot at kinabahan alam kong may mga mangyayari pa na kailangan kong paghandaan.

Flashback

Kitang-kita ko na ang karatula na nasa taas ng malaking gate na ito,”St.Peter Cemetery”.Tumingin ako sa paligid,naka-itim silang lahat samantalang kami lang ni Xander at ang mga Devilly 6 ang naka-puti.Nakita ko din ang mga tinuring na mga magulang ni Krusaint sa may harapan,alam ko ng mahal na mahal nila ito.Pero ang alam nilang dahilan kung bakit namatay si Krusaint ay may nagtangkang magnakaw sa bahay nila ngunit naglaban siya kaya ito namatay.At simula noon ay hindi na nakita ang sino man sa mga miyembro ng AXIS,kasama na si Mary Joyce.

 

Nang makarating na kami sa paghihimlayan ni Krusaint ay pumwesto kami sa may gilid ni Xander.Binuksan ng kaunti ang kabaong nito dahil ito na ang huling beses na makikita naming siya.Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya,iniisip ko n asana ay gumising nalang siya at malimutan ang lahat.Hindi na baleng,hindi na niya ako matandaan basta ba nakikita ko siyang maayos.

Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinunasan.Pinaka-ayaw kaya ng Kural na ito na umiiyak ako.Pero alam ko kahit sinabi niyang pinaglaruan niya lang ako ay minahal niya ako ng totoo.

Ilang sandali lamang ay sinara na nila ang kabaong ni Krusaint.Nakita ko si Tita na muntikan pang mawalan ng malay habang binababa ang anak niya.Nakuha rin ng atensyon ko ang isang babae na nasa kalayuan na nakatingin ng masama sa akin.Nag-hagisan na ng bulakbulak at ako ang pinaka huling naghulog ng isang puting rosas.

 

End of flashback

Kaya ako minsan ng walang ginagawa,anu-ano ang mga pumapasok sa isip ko.Tumayo ako para kumuha ng maiinom,bigla akong napalingon sa bintana dahil sa lalaking nakatayo sa labas na sakay ng isang motorsiklo na nakatingin sa direksyon.Bigla nalang itong humarurot paalis nang makita akong tumingin sa kanya.Binaliwala ko muna iyon dahil ayokong mai-stress.

Pagka-baba ko ay nakita ko si Manang na papasok ng bahay.May dala itong kahon na parang isang delivery.Bago ako pumunta ng kusina ay linapitan ako ni Aling Martha,para sa akin daw yung kahon at may nagpapabigay.

Pagbukas ko ay napatili ako sa nakita kong laman nito,pati si Aling Martha ay muntikan mahimatay.Isang manikang bata na walang ulo at puno ng dugo.Agad na sinara ni Manang ang kahon at tinapon ito sa labas.Binalikan niya ako at pinainom ng tubig.Ang bilis ng pintig ng puso ko,alam kong may mangyayari pa na kailangan kong paghandaan.Umpisa na naman ng kaguluhan sa pamilya ko.

Tinawagan ko si Xander dahil hindi ako mapakali,paano nalang kung balikan ako ng lalaking iyon.Agad naman sinagot ni Xander ang tawag ko at kinwento ko sa kanya ang nangyari.

Makalipas ang sampung minuto ay dumating na si Xander.Sinalubong ko siya ng yakap dahil sa takot.

“Don’t worry,nandito na ako” pagtahan niya sa akin.

“Paano kung patayin niya ako? Paano kung maulit na naman ang kaguluhan dati?” hindi ko mapigilan ang sarili ko.

“Basta kasama mo ako walang mangyayari sayo,okay? Hindi ko hahayaan na may makapanakit sayo.”  

KINABUKASAN

Nasa opisina ako ni Xander at hindi niya ako pinapunta sa sarili kong trabaho.May nag-aasikaso na raw doon kaya dito na muna ako sa kanya para mas mabantayan niya ako.Pero kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng kanina pa pabalik-balik sa opisina ni Xander.Hindi naman yata ako na-inform na nasa bar ako.Kulang ba lahat sa tela ang mga damit niya? Sobrang iksi at labas na yata ang kaluluwa niya.Tumitingin pa siya ng nakakaloko sa direksyon ko,para bang pinapahiwatig niya na mas maganda siya sa akin.

Maya-maya pa ay dumating na si Xander,galing ito sa isang meeting.Napansin niya na ang sama ng tingin ko sa babaeng iyon.Hindi naman kasi siya secretary dito pero halos siya lang ang nakikita kong pabalik-balik sa opisina.

Lumapit sa akin ang asawa ko at hinalikan ako sa noo.Alam niyang naiinis ako sa nakikita ko.Pero biglang lumabas yung babaeng hipon na yun.

“Hon papangit ka niyan,sige ka.Hayaan mo lang siya dahil may balak ako sa kanya.” Bulong niya sa akin.Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang may balak ito sa kanya? Wag mong sabihin na type siya ni Xander.Tumayo ako at pinaghahampas siya.Ang lakas ng loob niya na harap-harapan sabihin sa akin iyon.

“Walang hiya ka Xander Reyes! Wala pa nga tayong isang taon na kasal pero naghahanap ka na ng iba!” tuluy-tuloy parin ang paghampas ko sa kanya.

“S-sandale Hon,ano bang pinag-sasabi mo? Wala akong babae! Ikaw lang ang babae sa buhay ko!” todo hilag parin siya sa mga hampas ko.

“Sabi mo kasi may balak ka sa kanya!” tinigilan ko na siya at umupo nalang habang nakasimangot.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin,ganito kasi yan” Ipinaliwanag niya sa akin lahat at ang tungkol nga sa balak niya.Kaya pala nang makita ko siya ay kumukulo ang dugo ko.So siya pala yung sumira sa party noon.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now