❤ x

4.6K 93 9
                                    

-Chrissy’s POV

Napalitan ng inis ang excitement ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Xander.At ngayon ko lang naisip na siya yung lalaking nag-bigay ng panyo sa akin nung nasa playground ako.X.R ang tanga ko! Bakit hindi ko agad naisip na initials niya yun!

Socia na mamaya kaya dapat hindi ako magkaroon ng Bad Vibes.Ano ngayon kung sila ang makakasama namin sa Socia.Wala na akong pakyalam sa kanya at mukhang ganun din siya sa akin.Kaya dapat magpaganda ako ng bongga para kay Kural.Syempre biro lang iyon.

Hinanda ko na ang dress na binili namin ni Kath at ang mga accessories na gagamitin ko.Maliligo na ako dahil parating na daw ang mga mag-aayos sa akin.Mga bakla sila na friend ni Mommy,kumare ang turing niya sa kanila.Sabi niya rin,isa sila sa mga pinakamagaling na make-up artist sa Paris kaya siguro ayun ora mismo ay tinawag niya sila at pinauwi sa Pilipinas.

  

Good Vibes come in!

May pakumpas-kumpas pa ako ng kamay.Para namang may masisinghot akong good vibes.Basta kailangan ko ngayong maging happy at worry free.Pagkatapos maligo ay nagbihis muna ako ng pambahay na damit dahil uunahin daw ang make up kesa sa pagsusuot ng dress baka daw kasi madumihan.

~knock~knock~

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito.

Si Mama pala.

“Anak,tara na sa baba.Nandyan na sila,dalhin mo na rin yang dress mo at dun mo na isuot.”

“Sige po Ma.” Kinuha ko ang dress  na nakalapag sa kama at ang mga accessories na gagamitin ko.

Habang pababa kami ay tinanong ko si Mama.

“Ma,where’s daddy?Bakit wala pa po siya?” sabi kasi niya gusto niya akong makita bago ako mag-attend.Kikilatisin daw muna si Kural para makasigurado raw siya na makakarating kami ng maayos.Nasabi ko na rin kasi sa kanila na siya ang susundo sa akin.

“Ah may tatapusin lang siya sa office at uuwi rin siya agad.Hindi naman niya hahayaan na hindi niya makita ang prinsesa niya bago ito umalis.” Si Mama talaga oh.

I just smiled at her at yun umupo na ako sa upuan sa may tapat ng salamin.Nakalatag na sa mesa ang mga make-up na gagamitin nila sa akin at mga kung ano-ano pa.

“Oh mga kumare,alam kong maganda na ang anak ko kaya kayo ng bahala kung pano niyo pa siya pagagandahin” nakaramdam ako ng konting hiya.

“Yes Madam,ako pong bahala sa make up at si Pepi naman ang bahala sa hair laloo niya.Simple lang naman ang gagawin niya sa kanya kasi kahit walang make-up ay bonggacious na ang look niya.”

Nagtawanan sila at ako ngumiti lang.Nakiki-ride nalang ako sa mga sinasabi nila.

Pinapikit niya ako at naramdaman kong pinapahiran niya na ako ng foundation.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now