❤ xvii

4.1K 75 6
                                    

-Leo’s POV (member ng Devilly 6)

Ilang araw na rin ang nakalipas nung makauwi na si Boss.Balita ko ay nakakapasok na siya ng school.

Pero ngayong nagdaan na araw,parang mas nagiging weird ang mga kilos ni Ronnel.Madalas siyang umaalis at hinahanap na siya ng teacher namin.Naka-homeschool kaming lima at si Boss lang ang pumapasok sa school sa amin.Less hassle kasi ang ganito,pare-pareho pa kami ng teacher.Yung iba ng nagtataka dahil nasa kolehiyo na kami pero pinayagan kaming mag-homeschool.Dahil na rin siguro sa impluwensya ng pamilya namin at grupo.

Ngayon pala ay nasa mall kami ng fiancee ko,si Trisha.We’re too young to get engage and lalo naman to get married.Pero wala ganoon talaga,we love each other so much.Kaya kahit bata pa kami sa paningin ng iba,nag propose na ako sa kanya.Yun ang hindi ko makakalimutan,full of effort lahat ng ginawa ko para lang mapapayag ko siya.

 

Flashback

 

Hanggang ngayon ay gising pa ako dahil ngayon ko gagawin ang plano ko.Nasa harap ako ng bahay nila.Alam na ng parent niya ang gagawin ko,same as with my parents.Kilala niyo ba ang Parokya ni Edgar? Ang kumanta ng “Harana”.Inarkila ko sila para magkanta para kay Trish.Paborito niya kasi ang bandang iyon.

Kasama ang mga miyembro ng Devilly 6 sa kalokohan kong pinasukan.Todo suporta naman sila kahit halatang napilitan lang si Ronnel at Boss.

Nilagay na namin ang mini stage sa harap.Kailangan dahan-dahan ang bawat galaw para hindi magising si Trish.Baka akalain rin ng iba na magnanakaw kami.Sino ba naman ang hindi mabibigla kapag nakita kami sa ganitong oras? 10:03 na kaya!

Naglagay rin kami ng mga konting dekorasyon,gawa ito ng girlfriend ni Justin na si Jelie.Lahat ng instrumento ay isa-isa ng inaayos sa mga lugar nila.Ingat na ingat talaga kami sa mga kilos namin.Pahirapan pa ang paglalagay ng mga mala-banderitas na dekorasyon may hugis puso.Ang tataas ng mga poste kaya nahihirapan kaming isabit iyon.

 

Makalipas ang mahigit na 2 oras ay natapos na namin lahat.12:00am nandito na ang banda.

 

Maya-maya pa ay dumating na ang Parokya ni Edgar,nakapwesto na sila at nag-thumbs up pa sa akin.Tumingin ako sa relo na suot ko12:11 na,4 minutes nalang mag uumpisa na kami,dahil balak ko na 12:15 ang start.Hinanda ko na sa tabi ang tarpaulin na sinlaki ng dalawang malaking whiteboard na may nakalagay na “Will you marry me,Cupcake?” hahawakan iyon ng Devilly 6 na para bang background sila at luluhod na ako nun para sa pinaka-proposal.Ang pagbibigay ko sa magiging engagement ring.

 

Bumilis ang tibok ng puso ko,ito na yon. Lahat kami ay nakatingin sa bintana ng kwarto niya,nasa may second floor ito,3 storey house kasi ang bahay nila.Sumilip si Tita sa bintana at nagbigay na ng go signal,ang ibig sabihin pababa na siya.Siya kasi ang gigising kay Trisha.

 

Nag-count down ako gamit ang hand sign 3,2,1

 

Uso pa ba ang harana?
marahil ikaw ay nagtataka
sino ba 'tong mukhang gago?
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba

 

Ako ang nagkakanta at si Chito ay pang-second voice lang.Ito kasi ang pinagusapan.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now