Chapter 3.

706 33 0
                                    

Evia’s POV.

Kahit nandito kami sa labas ng gate ng bayan, nakikita pa rin namin ang kasiyahang nagaganap sa loob. Ang tarangkahan ay hindi talaga nakatakip sa buong bayan, kung baga ay parang railings lamang, kaya nakikita rito sa labas ang mga nangyayari sa loob. Nabasa ko rin ito sa isa sa mga librong binabasa ko gabi-gabi. Ang bayan ng Yrelia ay bukas para sa lahat.

Sila ang uri ng bampira na mabait sa lahat na kahit ang mga lobo ay pinapapasok nila dahil sa hindi nila ito itinuturing na mga kalaban. Kahit pa ibang mga nilalang ay ganoon din ang turing nila hanggat hindi ito nanggugulo o gagawa ng gulo sa loob ng bayan. Ngunit kapag sakaling ikaw ay may masamang balak sa bayang ito, sa pagkakaalam ko’y agad nila itong ipapadakip at papaslangin. Sapagkat ang hangad nila ay ang katahimik at ikakabuti ng kanilang bayan. Kaya sobrang namamangha ako sa uri ng kanilang patakaran dito.

Ang bayang ito’y merong napakasaganang gulay at prutas. Dito kinukuha ang mga pagkain ng iba pang bayan at sa mga palasyo, kaya isa ito sa napakaunlad na bayan dito sa mundo. At isa ito sa kinahahangaang bayan ng mga namumuno sa tatlong palasyo dahil ang bayang ito’y hindi kailan man nakaranas ng napakalaking gulo na ikakadamay o ikakasakit nang lahat na naninirahan dito. Kaya ako ay lubos namamanghang muli dahil totoo nga ang sinasabi ng mga libro tungkol sa bayang nasa aking harapan ngayon.

Alam kong hindi ako delikado sa lugar na ito kung sakaling hindi nila malaman na isa akong hybrid vampire. Pwede ko namang sabihin na isa lamang akong mababang uri ng Salvi at nandito lamang ako para makipagsaya. Tama. Iyan na lamang ang aking sasabihin.

Hindi ba sinabi ng aking Ina na delikado ako? Ang akin lamang ay wala man lang akong nabasa na bawal pala ang isang hybrid na uri ng bampira. Ilang libro na ang aking nababasa ngunit wala naman akong nabasang ganoon. Tinanong ko kila Ina iyon ngunit ang tanging sagot nila ay may napakarami pang mga libro na nasa labas ng kakahuyan at hindi lang daw iyong nasa akin. Kaya naniniwala ako na delikado talaga ang pagkatao ko, kahit na nangangarap pa rin ako na sana, sana tanggapin ako ng nakakarami kahit imposible.

Hindi ko sila totoong Ina, alam ko iyon. Hindi ko alam kung sino ang aking totoong Ina at Ama at kung nabubuhay pa ba sila. Gusto ko silang tanungin ng napakarami dahil hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ako iniwan ng gano’n-gano’n lamang. Gusto ko silang makilala dahil kahit hindi ko man aaminin ay nasasabik akong magkaroon ng totoong pamilya. Iyong may makakasama ako araw-araw. Ngunit alam kong imposible rin iyon.

“Hoy, Evia!” nabalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw ni Paul.

Napakurap-kurap ako at saka napatingin sa kaniya. “H-Huh?” Napasapo siya sa kaniyang noo na ikinakunot ng aking noo. “Bakit?” takang tanong ko.

Tumingin siya sa akin muli saka tinanggal ang kamay sa kaniyang noo. “Kanina ka pa nakatulala riyan, naiwan na tayo nila Kuya Rhaol,” sagot niya.

Nanlaki ang aking mga mata saka napatingin may tarangkahan. Nakabukas na ito at ang ibang mga bisita na nasa labas kanina’y pumapasok na. Nakita kong pumasok na sila Kuya Rhaol doon.

“Ano ang iyong tinutunganga riyan? Pumasok na tayo!” napatingin ako sa nagsalita. Si Rere iyon. Nakataas ang kaniyang kilay at matalim ang tingin sa akin. “Palibhasa inaakit si Paul kaya nagpapahuli. Sabihin nalang kaya niyang wala siyang alam dito dahil mukha naman siyang nawawala sa landas,” narinig kong bulong niya. Alam ko ring narinig iyon ni Paul kaya masama niya itong tiningnan.

Ngayon ko lamang napatantong si Rere at si Paul na lamang pala ang naiwan. Bigla akong nakaramdaman ng hiya dahil hinihintay pala nila ako. Bakit ka ba kasi nakatulala, Evia?

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now