Chapter 7.

573 29 0
                                    

Evia’s POV.

Pinaglaruan ko ang aking kamay habang nakayuko. Nakaupo ako ngayon sa mataas na upuan, sofa raw ang tawag. Habang sila ay nakatayo sa aking harapan, kanina pa nakatigtig sa akin. Tila ba ay sinusuri nila ang buong pagkatao ko.

Kanina ay sumigaw nga iyong babaeng bumukas. Napatakbo ang babaeng na nasa loob at gulat din akong tiningnan na tila ba ay may nakakagulat sa akin. Habang ako ay gulat ding nakatingin sa kanila. Sino ba namang hindi magugulat sa mga inakto nila? Pasigaw pa na tumanong ang babae sa akin.

Nang matauhan ako ay sinabi ko sa kanila na rito ako mamamalagi ay nagulat pa lalo sila. Sumigaw rin sila na ikinagulat ko ulit. Noong una pa nga ay ayaw nila akong papasukin dahil sa hindi malamang dahilan. Pero kalaunan ay pinapasok din naman nila ako. Ngunit ang nakakagulat lamang ay pumasok ang dalawa sa may kusina at nang magbalik ay may dala-dala na silang kutsilya na ikinagulat ko naman. Natakot ako roon, hindi ko akalain na kukuha sila ng kutsilyo.

Pinaupo nila ako rito at tumayo sa aking harapan. Nakatigtig sila sa akin kanina pa na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Dahil sa pagkakailang ay yumuko lamang ako. Ayoko ring tingnan ang kanilang mata, para kasing mababasa nila ang aking mga iniisip, kahit wala naman talaga akong iniisip na masama. Natatakot ako sa uri ng tingin nila. Para bang isang maling galaw ko lamang ay mamamatay ako. Huwag naman sana.

“So…” napaangat ang tingin ko sa kanila. “Ikaw ang bago naming roommate, am I right?” tanong ng babaeng nagbukas ng pintuan kanina.

Nakapamaywang siya habang ang isa ay nakahalukipkip. Pareho silang seryosong nakatingin sa akin. Natatakot ako sa uri ng kanilang tingin.

Mabilis akong tumango. “O-Opo,” nanginginig kong sagot. Sino ang hindi manginginig kung itinuro sa iyo ang kutsilyong hawak niya. Sobrang matalim iyon, kakabili lamang yata iyon at hindi pa nagagamit. Bahagya akong napalunok habang nakatingin doon.

“Hoy, Maureen! Tinatakot mo siya. Ibaba mo nga ang kutsilyo na ‘yan!” hinampas siya ng babaeng katabi niya na ikinadaing niya

“Aray! Ito na! Pwede namang hindi ako hampasin, ‘di ba?” masama niyang tinapuan ito ng tingin saka ibinaba ang kamay, ngunit hawak pa rin niya ito. Napahinga ako ng maluwag dahil doon.

Ngumiti ng alinlangan ang babae saka itinaas ang dalawang daliri. “Peace.”

Umirap siya saka tumingin muli sa akin na ikinaupo ko ng maayos. “Sino ang nagpadala sa’yo rito?” sunod-sunod niyang tanong.

Lumunok muna ako. “S-Si Headmistress Chantria,” sagot ko.

Lumiit ang kaniyang mata. “Ilang taon na siya?”

“Apat na daang taon.”

Lumiit lalo ang kaniyang mata. “Her full name?”

“Chantria Everleigh—Ramirez,” Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganiyan, ngunit sumagot pa rin ako.

Ngunit sa uri ng tingin niya ay hindi siya naniniwala sa akin. Hindi ba ako kapani-paniwala.

“Uh… Maureen?” tumingin siya sa kasama niyang kinalabit siya.

“What?”

“I think she's telling the truth. Do you remember that this dorm has three rooms? Tapos kanina ay may mga estudyanteng humahakot ng kagamitan papunta sa ikatlong room. And, I heard from one them that there was a new student in this academy. Sa tingin ko ay siya iyon,” sagot ng babae habang ang kaniyang tingin ay nasa akin.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now