Chapter 10.

587 31 0
                                    

Evia’s POV.

Magkakaharap silang lahat. Lahat sila ay nakasuot ng itim na balabal, ngunit iba-iba ang logo. Matatalim ang tingin nila sa isa’t isa. Dahil doon naisip kong magkaaaway ang dalawang panig. Halata naman sa kanilang mga tinginan.

Sa bawat panig ay may nangunguna, hinuha ko’y kanilang pinuno. Parehong may kulay puti ang kanilang balabal kaya sigurado akong malalakas sila. May nakita rin akong kulay orange. Ngayon lamang ako nakakita ng ganoong kulay ng logo sa balabal, ngunit alam ko kung ano ang section na iyon.

Sabi ni Maureen, ito ay ang mga Lave. Sila ang ikalawang pinakamahina sa mga section. Sila ay matatalino ngunit hindi gaanong kontrolado ang kanilang mga kapangyarihan. Sabi sa akin ni Quiara na dapat daw ay hindi ako lumalapit-lapit sa kanila. Kaya raw nilang magpaikot ng isang bampira ng gano’n-gano’n lang.

Walang nagsasalita sa kanila pero nakikita kong alerto sila sa ano man ang mangyari. Sobrang tahimik na tila ba ay may dumaan na isang anghel. Ang mga bampirang nasa kanilang likuran ay panay tingin sa magkabilang panig na halatang binabantayan ang isa’t isa.

Nahagip sa aking paningin ang mga bampirang sumisilip sa kani-kanilang gusali. May iba pang nagtatago sa isang poste na tila ba ay takot na makita ng dalawang groupo. Nakita ko ring takot na nakatingin ang mga bampira na nasa mga gusali.

Kununot ang noo ko roon. Anong ginagawa nila riyan? Hindi ba’t may klase? Bakit nagtatago ang iba? Huwag nilang sabihin na takot sila sa mga bampirang iyan? At bakit naman sila natatakot?

“Kung sinuswerte ka nga naman, nagkatagpo ang landas natin.”

Mabilis akong napabalik ng tingin sa dalawang groupo. Nakangisi ang lalaking kulay asul ang buhok, ang pinuno ng sa kaliwang bahagi. Hinuha ko ay siya ang nagsalita. Habang ang lalaki sa kabila na may itim na buhok ay seryosong nakatingin sa kaniya.

“Malas,” tanging sambit ng lalaki. Ang akala ko ay magagalit siya, ngunit tumawa siya ng napakalakas, umilingaw-ngaw sa paligid.

Nahagip ko pa ang mga estudyanteng nanginginig. Ang iba naman ay mas lalong nagtago. Takot na takot sila na ikinataka ko lalo. Sino ang mga ito?

“Malas? You flattered me. Buti naman ay nagkatagpo tayo. Akala ko hindi ka magpapakita kasi takot ka at ang mga alagad mo samin,” tila nang-aasar ang lalaking may kulay asul ang buhok.

Ang akala ko ay magagalit ang sa kabila, ngunit nanatiling seryoso ang lalaking may itim na buhok at malamig na nakatitig sa kaniya. “Quite acting, Fool. I’m not playing with you.”

Mas lalo siyang natawa, hawak-hawak pa ang kaniyang tiyan na tila ba ay may nakakatawa talaga sa sinasabi ng lalaki. Nanatiling seryoso ito at hinintay siyang matapos na tumawa.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now