Chapter 15.

619 32 2
                                    

Evia’s POV.

“Ito ang balabal mo. Wear that after you change your clothes. We don't have uniforms, so you can wear whatever you want.” Nakangiting ibinigay ni Neo sa akin ang balabal na kagaya ng kulay ng aking mata. Kulay ng isang Salvi.

Nagtataka ko iyong tinanggap at tumingin sa kaniya. “Bakit ganito ang kulay? Bakit kulay dilaw ang sa iyo? Hindi ba’t ang kulay ng balabal natin dito ay itim?” tanong ko.

Mahina siyang tumawa. “Silly. You do realize that we are the Xedian, right?” napatango-tango ako nang may napatanto sa kaniyang sinambit. “Of course we have this color coding. Us Xedians has our own assigned colors based on our ability or kinds. Since you are the only one that have the blood of Salvi among us, your cloak must be red-orange to represent your kind. So in short, we are different from others,” mahabang paliwanag niya na mabilis ko namang naintindihan.

“Ganoon pala iyon?” tila pumasok na sa aking kukuti na hindi na ako pangkaraniwang estudyante lamang sa akademyang ito.

Ngumiti siya saka ginulo ang aking buhok. “Yes. And also, we are not just the Xedian, we are also the SSG of the school. We run and discipline the whole school. Since si Headmistress na lamang ang nagpapatakbo ng paaralan na ‘to, our job is to help her. We need to be the role model of this school, not just as Xedian but also as leaders of each kind.” Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. “Yes. Leaders. Hindi lang si Lucas ang Leader ng lahat, pati na rin tayo sa ating kalahi. Naintindihan mo na ba?” napatango-tango ako habang nakangiti. Ngumiti rin siya pabalik. “Anyways, I’ll go ahead. Hihintayin ka lang namin sa baba. Just take your time,” paalam niya.

Tumango ako. “Sige po. Salamat.” ngumiti lamang siya at lumabas sa aking silid.

Pabagsak akong naupo sa kama habang tinitigan ang balabal na hawak. Tulala at hindi pa rin matanggap na isa na rin ako sa kanila.

Hindi ko akalaing magiging isa ako sa pinakamapangyarihang bampira rito. Hindi ko ginustong mapunta sa kalagayang ito dahil alam kong maraming mas katanggap-tanggap sa posisyong ito, ngunit bakit ako? Ang gusto ko lamang ay makapag-aral sa kahit saang paaralan at magkaranas lamang ng normal na nararanasan ng ibang katulad ko. Gusto ko lamang ng normal na buhay ngunit parang hindi sumasang-ayon sa akin ang panahon. At buong akala ko’y wala akong magiging kaaway rito, ngunit nagkakamali.

Kahit na nasa position ako ngayon, may ibang hindi tanggap na ako ang nagiging huling Xedian. Alam kong sa kanilang isip ay isa lamang aking mahinang nilalang at tanggap ko iyon. Hindi ko rin maintindihan ang desisyon ng Xedian kung bakit pa ako ang pinili. Pwede namang iba na mas malakas pa sa akin. Na kayang protektahan ang lahat at mayroong determinasyon. Hindi gaya ko na bago pa lamang at wala pang napapatunayan sa lahat. Kaya nasisigurado akong maraming may galit sa akin.

Hindi ko alam kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan at lumaban dahil hindi man lang ako tinuruan ng aking mga ina noon na lumaban. Tinuring nila akong princesa at ayaw pa nilang mahirapan. Yan ang palaging sinasabi nila Ina sa panahong gusto kong matutong lumaban. Ang sabi nila ay ang kapangyarihan ko lang ang magp-protekta sa akin kaya tinuruan nila ako ng mga madaling paraan para gamitin ang aking kapangyarihan. Tinuruan nila akong paano tumira at kontrolin ng kakaunti ang abilidad ko bilang Salvi. Nagtataka man ako kung bakit nila alam ay sinawalang bahala ko lamang iyon.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now