Chapter 4.

641 30 0
                                    

Evia’s POV.

Nagising ako dahil sa isang katok. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga habang nakapikit.

Bakit ang aga naman yatang kinakatok nila Ina ang pintuan? Pwede naman yatang aalis na sila at iwan na lamang akong natutulog dito. Palagi naman nilang ginagawa iyon, hindi na bago sa akin.

Iritado kong kinamot ang aking ulo saka padabog na bumaba sa kama. Nagtataka man sa lambot ng aking kama ngunit minulat ko ang aking mata ng kaunti saka naglakad papunta sa pintuan. Nagtataka man sa daanan papunta roon ay hindi ko na pinansin at nagpatuloy lamang. Nang makarating sa mismong pintuan ay kumunot ang noo ko nang iba ang pintuan ng aking silid. Kahit nagtataka man muli ay pinihit ko iyon para mabuksan.

Napakurap-kurap ako nang makita ang nakangiting si Paul at si Rere na nakahalukipkip sa kaniyang likuran. Kumunot ang noo ko. Sandali… nasaan ako?

 

 

“Good morning, Evia,” nakangiting bati ni Paul sa akin. Mabilis kong nilibot ng tingin ang kabuoan ng silid na ito at gano’n na lamang ang panlaki ng aking mga mata nang mapatantong nandito pa pala ako sa loob ng bayan ng mga Yrelia at dito ako natulog sa isang hotel. Hindi pa pala ako nakauwi kagabi. “Anong nangyari, Evia? Bakit parang gulat ka?” napalingon ako sa kanila ng magsalita siyang muli.

Tumayo ako ng tuwid. “W-Wala naman, ang akala ko kasi ay nakauwi na ako kagabi, hindi pa pala,” pahina nang pahina ang aking boses.

Nagtataka niya akong tiningnan. “Bakit? Hindi ka ba nakapagpaalam kaya nag-aalala ka kung bakit hindi ka nakauwi?” tanong niya na ikinalunok ko.

Totoo ang kaniyang sinabi. Nag-aalala ako dahil baka sobrang nag-aalala na ang aking mga Ina sa akin. Hindi ako nakapagpaalam dahil tumakas lamang ako, nagbabakasaling makauwi ako kagabi. Alam kong kapag nakauwi ako sa aming tahanan ay paniguradong hindi na ako makakalabas pa ng bahay. Ngunit ayos na lamang iyon, basta naranasan ko ang hindi ko nararanasan noon pa. Alam kong galit na galit na ang mga iyon, at iyon ang ikinabahala ko. Hindi ko pa kailan man nagawa ang aking kagustuhan, ngayon lamang.

Hindi man nila alam na gusto kong lumabas dito ngunit alam kong naghihinala na sila. Sa uri ng tingin na ibinibigay nila tuwing makakauwi ako sa aming tahanan ay alam na alam ko na. Alam kong iniisip nila ay nakalabas ako ng kakahuyan kahit hindi nila ito sinasabi.

Ngumiti ako sa kaniya. “Nagpaalam ako.” Nagsinungaling ako. “Nagpaalam ako kay Ina, ngunit sabi ko ay gabi ako uuwi. Hindi ko naman akalain na umaga na pala ako uuwi. Panigurado ay papagalitan ako,” pagpatuloy.

Hindi ako nagsisinungaling, ngunit kailangan kong gawin iyon kahit pa mabigat sa aking kalooban. Wala akong pagpilian pa dahil kapag sinabi ko ang totoo ay magugulat sila at mag-aalala sa akin. Possible ring papagalitan nila ako dahil sa aking kagagawan. Hindi ako isang rebeldeng anak, kung hindi ay gusto ko lamang makaranas ng bago sa aking buhay.

“Ganoon ba? Pasensya ka na, Evia–“

“Ayos lang. Uuwi na naman tayo ngayon, ‘di ba? Sandali mag-aayos lamang ako–“ napahinto ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng aking braso. Pupunta sana ako sa banyo sa silid ito. Tumingin ako sa kaniya ng nakakunot-noo. “Bakit?”

Nagbuntong-hininga siya. “Iyon dapat ang aking sasabihin, Evia.” Lumunok siya. “Mamayang tanghali pa tayo uuwi sabi ni Kuya Rhaol kasi may parada raw ngayong umaga at hindi pa tapos ang celebration ng fiesta,” saad niya dahilan para mapakurap-kurap ulit ako.

“P-Pero… sabi mo uuwi na tayo ngayong umaga?” mahinang sagot ko.

“Kaya nga, pero anong magagawa mo kung mamayang tanghali pa tayo uuwi? Hindi ka ba nakakaintindi? O sadyang pabebe ka lang? My gosh, pinapahaba pa ang usapan.” Napalingon kami kay Rere. Nakahalukipkip pa rin siya habang umiirap. Hindi ko na lamang siyang sinagot.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now