Chapter 21.

554 32 0
                                    

Evia’s POV.


Isinandal ako ni Lucas sa kaniyang dibdib nang makarating kami sa loob ng Headmistress’ Office. Habol ang aking hininga at pumikit. Ramdam ko ang paghaplos ni Lucas sa aking balikat at paghalik sa aking ulo. Ramdam kong nakatingin sila sa amin ngunit hindi iyon pinansin. Kailangan ko munang magpahinga sanglit.

Pagkatapos ng paglusob na iyon ay agad kaming pinatawag ni Headmistress Chantria rito. Ihahatid pa sana nila ako sa mansyon upang magpahinga ngunit tumanggi ako. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan nila at saka paniguradong may maiiwan doon sa mansyon upang bantayan ako kung sakaling maiiwan ako roon. At saka ayokong mahuli sa pag-uusapan nila at mandamay pa ng isa sa aking mga ka-groupo. Importante ito kaya dapat lang nandito ako. I just need a little rest. Kaya ko pa namang magsalita.

“Are you sure you don't want to rest in the mansion? Nanghihina ka pa,” alalang tanong ang bampirang nagkandong sa akin, si Lucas.

Umiling ako. “I’m okay. Kaya ko pa naman. I’ll just stay like this and listen,” bulong ko. Nagbuntong-hininga siya senyales na wala siyang magagawa. Hinigpitan niya lamang ang pagkakakapit sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko nakaya iyon. Sa laki ba naman ng paaralang ito, hindi kaya ng isang ordinaryong bampira ang maglagay ng pananggalang. Kaya nagtataka talaga kung bakit ko iyon nagagawa. Himala na ring hindi ako hinimatay.

This past months, I discovered that I was holding one of the white books' gift. I have the ability to make shield. Not just a normal Salvi shield. Even if I don’t use that ability, it kept me from danger. Hindi ako mababasa at hindi ako maninipula ng mga Perilya. Kaya grabeng advantage ang mayroon ako. Siguro kaya ako napili bilang huling Xedian dahil alam nilang may kakayahan akong kakaiba keysa sa ibang ordinaryong bampira. In short, I am not just an ordinary vampire. I am more like them.

Simula noong na-discover ko iyong abilidad na iyon ay nagsanay ako. Sinanay ko ang sarili ko dahil malakas ang kuha niya sa aking lakas. I learned how to use it in the proper way. Ngunit dahil nga maikling panahon lamang iyon, hindi ko ini-expect na magagawa kong gumawa ng ganoon kalaking pananggalanv. Ngunit masaya ako. Hindi dahil sa nagawa ko, kung hindi dahul na-protektahan ko ang buong paaralan. Nakakataba ng puso.

“Are you sure, Evia? You can go home if you can’t take it anymore,” saad din ni Headmistress, halatang nag-alala dahil sa tuno ng kaniyang boses.

Umiling ako habang nakapikit pa rin. “O-Okay lang ako, Headmistress. Dito lang ako at makikinig sa inyo,” sagot ko.

Nagbuntong-hininga siya. “Okay…” narinig kong tumunog ang kaniyang upuan. “I called you all here because of what happened.” Walang nagsalita kaya nagbuntong-hininga siyang muli. “Ask me.”

“What happened, Mom? Bakit nakapasok ang mga nilalang na iyon? For a hundred years, ngayon lamang ito nangyari. Why?” sunod-sunod na tanong ni Solvena. Parang hindi na siya mapakali dahil sa tuno ng kaniyang boses.

“It’s because the barrier was broken. Hindi ko alam kung bakit at paano. It just cracked like someone broke it. At dahil doon nawala ang pananggalang natin mula sa mababangis na hayop. The monsters attacked us without hesitation and because of hunger. Matagal nang nakapalibot ang pananggalang iyon rito and after a hundreds of years, it broked. Nakakapagtaka man ay alam kong may pakana nito ang gumawa sa kadilimang nakapalibot dito. They have the control over us.” dahan-dahang minulat ko ang aking mata ng marinig iyon.

“Sino, Headmistress?” seryosong tanong ni Neo.

Tumingin siya sa kawalan. “Hindi pa ako sigurado kung sino ngunit alam kong sobrang makapangyarihan ito. Hindi niya ito magagawa kung wala siyang malakas na kapangyarihan,” sagot niya.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now