Chapter 19.

563 35 1
                                    

Evia’s POV.

Nagising ako nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan sa aking tiyan at malambot na bagay na dumadampi sa aking labi. Dahan-dahang kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin si Lucas na panay halik sa aking labi na tila ba’y ayaw na nitong tumigil. Ramdam ko ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking walang saplot na beywang.

Nang makita niya akong gising na ay ngumiti siya sa akin saka dinampian muli ang aking labi. “Good morning, Babe,” nakangiting bati niya sa akin.

Napakurap-kurap ko siyang tinitigan. Tila ang saya niya. Ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng ganito o sabihin na lamang natin na ngumiti. Kakaibang ngiti ang pinapakita niya sa akin. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. Palagi na lamang kasi siyang nakasimangot na tila'y hindi marunong ngumiti. Akala ko nga ay hindi siya ngumingiti, eh. Ngunit ngayon, ngumiti siya. Nakaramdam ako ng pagkagalak dahil ako ang dahilan ng mga ngiting iyon.

Ang ganda ng kaniyang ngiti at nakakasilaw. Talagang kung sino man ang makakakita nito ay paniguradong mahuhulog kaagad sa kaniya. Nakakaakit at nagliliwanag siya. Hindi siya nakakatakot tingnan na mas lalo kong ikinahahanga. Siya ba talaga ito?

“Babe? Why are you looking at me like that?” kunot-noong tanong niya, nawala ang kaniyang ngiti.

Kumurap-kurap muli ako at pagkatapos ay ngumiti. “Ang ganda ng iyong ngiti, Lucas. Bagay sa iyo. Hindi ka na mukhang nakakatakot,” sagot ko saka hinawakan ang kaniyang kanang pisnge gamit ang aking kaliwang palad.

Pumikit siya saglit upang damdamin ang aking palad. “So you are telling me that I looked like a monster?” tinitigan niya ang aking mata na ikinalunok ko. Parang hinihigop ako nito.

Agad akong umiling habang hinimas-himas ang kaniyang pisnge. “H-Hindi!” tumikhim ako. “Ang ibig kong sabihin ay mukha kang nangangagat kaya siguro natatakot ang ibang mga mag-aaral sa iyo,” paliwanag ko.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. “Why? Nangangagat naman talaga ako. Nakagat na nga kita kagabi, ‘di ba?” Nabawi ko agad ang aking kamay mula sa kaniyang pisnge nang dahil sa sinabi niya.

Ramdam kong uminit ang aking buong mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Ang pangyayari kung saan kinagat niya ako. Kung paano siya gumalaw sa aking ibabaw at paano ako hawakan. Kung paano niya halikan ang lahat ng parte ng aking katawan at pati na ang aking labi.

Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya nang makaramdam ng hiya. Pilit ko siyang tinutulak ngunit mas malakas siya sa akin kaya hindi siya natinag.

“Hey. Why are you pushing me?” natatawang tanong niya. Hinawakan niya ang aking mukha at pilit na iniharap sa akin ngunit nagmamatigas ako. Nakakahiya! “Look at me, Babe.”

Umiling ako. “Ayoko.”

“Please, Babe?” pagpupumilit niya saka hinaplos ang aking panga.

Maliit na mata ko siyang tiningnan. “B-Bakit?” Hiyang-hiya na ako!

“Are you shy?” tila inaasar niya ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Halata ba?”

Tumawa siya ng malakas na ikinahiya ko lalo. “Masungit as always, Babe.” hinalikan niya ako sa labi saka tinitigan ang aking mga mata. “Akin ka na, ‘diba?” tanong niya. Tumango ako. “Sagutin mo ako, Babe. Akin ka na, ‘diba?” pag-uulit niya sa kaniyang tanong.

“O-Oo. Sa‘yo lamang ako,” sagot ko, nahihiya pa rin.

Lumawak ang kaniyang ngiti. “That’s better.” Hinalikan niya ako at akmang palalimin nang may kumatok sa pintuan. Sabay kaming napatingin doon pagkatapos ay nagkatinginan. Sino kaya iyon?

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now