Chapter 8.

548 23 0
                                    

Evia’s POV.

Nang makapasok ako sa loob ng hapag-kainan ay nandoon na ang dalawa, nag-aayos ng kakainin namin. Mabilis silang napalingon sa akin nang mapansin nila ako. Nakita ko kung paano sila ngumiti sa akin ng may pag-alinlangan.

“O-Oh, Evia. Nandiyan ka na pala. Halika ka na rito’t k-kumain,” nautal na saad ni Quiara at pilit na tabunan iyon ng matamis na ngiti na alam ko namang pilit.

Hindi ako sumagot at tahimik na naglakad papunta sa upuan. Nakita ko pang nataranta ang dalawa. Mabilis na pumunta si Quiara sa upuang uupuan ko sana at pinaghila ako. Tahimik lamang akong umupo roon hanggang sa pakaupo na rin sila sa aking harapan. Kita kong sobrang naiilang sila na nandito ako at alam ko kung bakit.

Akmang magsasalita si Maureen ng maunahan ko siya.

“Ipaliwanag niyo sa akin ang nangyari kagabi? Naguguluhan na ako?” seryoso kong tanong sa kanila. Napatikhim sila at napaiwas ng tingin. Kumunot ang aking noo dahil doon. Ayaw ba nilang malaman ko ang nangyayari? Pinaparamdam ba nila sa akin na hindi ko dapat malaman ang mga nangyari rito? Ganoon na ba nila ako kaayaw para hindi sagutin ang aking simpleng katanungan? “Ano na?” saad ko nang hindi sila sumagot.

Tumikhim si Maureen na ikinatingin ko sa kaniya. “Pwede bang mamaya na natin pag-usapan ‘yan? The food is ready and it’s hot. Hindi na ‘to masarap kapag malamig na,” sagot niya, ngunit alam ko ang totoo. Iniiwasan niya ang aking mga katanungan dahil sa hindi malamang dahilan.

Bakit kaya ayaw nilang sagutin ang aking mga katanungan? Dapat ba talagang wala akong alam dito? Hindi naman yata tama iyon.

Tahimik akong tumango at nagsimulang kumuha ng pagkain. Tahimik akong kumain at nakatuon lamang ang aking tingin sa aking pagkain kahit na nararamdaman ko ang kanilang tingin. Hindi ko lamang silang pinansin hanggang napagdesisyonan nilang kumain na rin.

Ang nangyari kagabi ay hindi ako pinaisip ng matino. Nakatatak pa rin sa aking utak ang mga nangyari. Ang pagkamatay ng lalaking iyon at sa hindi ko mapangalanang nilalang na mismong pumatay sa lalaki.

Hindi ko alam kung bakit may ganoon dito, ngunit hindi naman iyon nakakapagtaka dahil sobrang delikado ang lugar na ito base sa aking naranasan. May rason ang mga bampira kung bakit natatakot sila tuwing hating gabi, alam ko. Ngunit naguguluhan ako kung bakit takot sila sa mga nilalang na iyon, eh, may kapangyarihan naman sila. May kapangyarihan sila para talunin ang mga iyon ngunit nakakapagtakang hindi nila iyon magawang kalabanin.

Nang gabing iyon, nagtanong ako kila Maureen kung anong nilalang iyong nakita ko at kung ano ang nangyayari. Halo-halo ang aking nararamdaman no’n: pagkalito, gulat, at takot. Unang beses kong nakakita ng kauri kong namatay at sa ganoong paraan pa. Parang kinuha ng mga iyon ang lakas niya at ang kapangyarihang meron siya.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now