Chapter 30.

485 21 0
                                    

Evianna’s POV.

Halos hindi ako makagalaw habang nakatulala sa signal na iyon. Yes, it was a signal. A signal that there was a war. The war is starting and it made me worried. Hindi pa nakahanda ang lahat ng mga kawal namin. We didn’t even do practices. Hindi pa kami nakakapaghanda dahil sa nangyari kahapon. Sana naman talaga ay nakapaghanda sila noong umalis kami. I am sure that they are alert too, I hope.

Kung alam pa lang namin na ngayon sila susugod ay paniguradong nakahanda na kami, ngunit hindi. Wala kaming alam. Hindi nagpaalam ang kalaban kung kailan mangyayari. Hindi ko naman din akalaing na ang bilis pala nila. Ang akala ko it will take days and weeks. Talagang sinasadya nila iyon dahil wala kaming laban! Hindi kami nakagawa ng plano! This is the worst!

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Elisha. Nakita kong sugatan siya at napaatras. Mabuti na lamang ay naka-protekta sa kaniya si Lucas. Sobrang dami ng kalaban at tila’y hindi iyon nauubos gaya noon sa akademya.

Mabilis kong nilabas ang aking espada saka mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Elisha at sinaksak ang mangkukulam na papunta sa kaniya. Hindi iyon nakita ni Ethan dahil sa daming kalaban na kaharap niya.

Nilingon ko si Elisha na gulat na nakatingin sa akin. “A-Ate…” naluluhang tawag niya sa akin. She is still my sister. Ganito siya kapag nililigtas ko siya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago gumawa ng pananggalang para sa aming dalawa. “Fix and heal yourself! Hindi ka pwedeng manghina dahil kakasimula pa lang! May nasasakupan ka pang po-protektahan, Elisha!” hindi ko mapigilang bulyaw sa kaniya. I don’t want her to be weak. Lumalakas siya kaya ipakita niya ang totoong siya. She was one of the powerful vampires in our century, she must need to stand up! “Be yourself now!”

Tila natauhan siya at mabilis na tumayo. Nakita kong dahan-dahang naghilom ang kaniyang sugat at ang pagbago ng kulay ng kaniyang mga mata, kulay dilaw. Nagbago ang kaniyang kasuotan. It became shorter. She was wearing a yellow mini skirt, white long shocks, yellow boots, yellow tube na may nga bakal sa kaniyang mga braso bilang armor. May hawak na siyang dalawang arnis. Her short straight hair has a yellow color on the end. May kulay dilaw rin siyang headband na gawa sa bakal.

Mangha ko siyang tingnan. Shit…

“Thank you saving me, Ate. I was just shocked earlier. Hindi ko akalain na ngayon pala ay ang araw na makikipaglaban muli ako ng totoong kalaban,” paghingi niya ng paumanhin. Hindi ko akalain na biglang nagbago ang kaniyang tindig at pakikitungo. She indeed the mayor of Salvi and Yrelia.

“Change outfit yarn? Ganiyan ba talaga ang mga namumuno?” biro ko sa kaniya na ikinatawa niya.

She hugged me. “You will always be there when I needed help, Ate. Thank you.” I heard her sobbed.

I tapped her back. “Huwag kang umiyak riyan. Even if I am older than you for a few seconds, we are still twins. Mas maganda nga lang ako kaya tumahan ka na riyan,” kunwaring paninermon ko na ikinatawa niya at humiwalay sa aking yakap.

“You are really my savior,” naluluhang sambit niya. It made me smile.

“I will always there for you.” I kissed her forehead before turning back to look at those witches. “Now, let’s fight and win the war. Let’s protect those who needed us,” seryosong sambit ko.

“I’m ready!” saad niya na ikinataas ng gilid ng aking labi.

Mabilis kong pinakawalan ang aking pananggalang. Agad ko na sinalubong ang mangkukulam at sinaksak iyon sa dibdib. I back flipped when I felt somethings coming towards my direction. Tinukod ko ang aking kamay sa lupa at mabilis na tumakbo papunta sa may gawa noon at ginilitan ng ulo. Tumayo ako ng tuwid at dinilaan ang dulong ng kamay na may dugo.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now