Chapter 23.

509 28 0
                                    

Solvena's POV.

Pagkalabas na pagkalabas ni Evia ay susundan ko pa sana nang pigilan ako nang ko. Sinamaan ko ng tingin si Neo na siyang pumigil sa akin. Nagpumiglas ako ngunit umiling lamang siya sa akin.

"Let go," madiin ang aking pagkakasabi ngunit hindi pa rin niya ako binibitawan.

"Let her be, Solvena," madiin din ang kaniyang pagkakasabi.

My forehead creased and faced him "Let her be?" naiyukom ko ang aking kamao. "Why? Sa tingin mo rin na kalaban si Evia?" hindi siya nakasagot. Tumingin ako sa mga kasama ko. "Kayo rin ba?" hindi sila nakasagot at yumuko lamang. I laughed sarcatically. "Wow. Talaga namang napaka-bobo niyo!" nakita ko kung paano napaangat ang kanilang tingin sa akin habang malalaki ang mga mata dahil sa gulat. "Wala naman siyang ginawang masama para ituring siyang kalaban. She's been nice to all of us. Hindi niya tayo sinaktan! And yet just one Revelation about her, you immediately judged? May utak ba kayo?!"

I have never been insulted someone in my entire life that's why they are shocked. I was being to nice and careful to my words because I don't one anyone to get hurt because of me. Now that I had enough. Ayokong ginaganon ang kaibigan ko. I really like Evia. Nakita kong mabuti siyang mangkukulam o mangkukulam nga ba siya? Dahil sa kaniyang anyo at aura ay impossibleng isa siya sa kanila.

"Have you lost your mind, Solvena?" napatingin ako kay Oxy na pinipigilan pa rin nila Travis at Priox. "She is the daughter of the three witches! Ang rason kung bakit tayo nakukulong at naghihirap dito. Hindi natin alam kung pinadala siya rito ng mga iyon upang mas pahirapan at patayin tayo!"

"Eh, tangina mo kung ganoon?!" natigil siya sa sinabi ko. "Kung ganoon nga rason, bakit hindi niya ginawa noon? Bakit hindi niya tayo pinaslang at niligtas itong putanginang akademya na ito kung papahirapan niya?" hindi siya nakasagot. "Palibhasa, ang bilis mong manghusga kahit hindi naman talaga iyon ang totoo."

Ang ayoko talaga ay iyong mabilis hinuhusgahan ang isang nilalang dahil sa nalaman. I really want to know the other side or the truth. The true reason why she's here. Kung bakit siya napunta rito at kung ano ang plano niya. You can't judge someone without knowing their point of you. You might regret after if you wouldn't.

Sasagot pa sana si Oxy nang maunahan siya ni headmistress.

"Enough." Lahat ami napatingin sa kaniya. "Let her take some time to cope up." Umupo siya sa kaniyang upuan saka hinilot ang kaniyang sintudo. "She's not our enemy. She's the only way for us to get free." Nagulat kami lahat. "Ampon siya ng tatlong mangkukulam na iyon. They raised her in the forest. Hindi niya alam na mangkukulam ang kaniyang mga Ina at sila ang nagpahirap sa atin. So don't judge her. She is the true mate of Lucas. Protect her at all cost. Her mothers will use her against us. She is stronger than before. She is the future queen of a certain kingdom." Halos hindi ako makagalaw sa lahat ng sinabi niya. Tila ayaw pumasok sa aking isipan ang aking narinig. Paano-

Nagulat kaming lahat nang biglang may sumabog mula sa lahat. Nagkatinginan kami nang biglang tumunog ang alarm. Ibig sabihin no'n ay may paglusob.

"Ano ang nangyayari?!" sigaw ni Rench nang biglang lumindol. Mabuti na lamang ay naalalayan ako ni Neo.

Tumayo si Headmistress. "Go outside now! May paglusob. Protect the academy, protect the vampires, and protect her!"

***

Evia's POV.

Nagmamadali akong lumabas sa library na iyon, ngunit sa kalagitnaan pa naman ako ng hallway, papunta sa gate, ay napahinto. Kunot ang noo akong napatingin sa kalangitan dahil sobrang dilim niyon. Sobrang lamig ng hangin na tila'y uulan ng napakalakas. Inaalon ang aking buhok dahil sa lakas nito. Bakit ang dilim? Umaga pa naman. Ano ang nangyayari?

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now