Chapter 5.

614 30 0
                                    

Someone’s POV.

Inilibot ko ang aking paningin sa aking opisina. I was checking if it was already clean. Kagagaling ko lang sa Xedian de Corona, ang mansion na kung saan namamalagi ang kasalukuyang membro ng Xedian. Kinamusta ko lamang sila roon dahil nandoon din naman ang aking anak at si Lucas.

Sa totoo lang ay si Lucas talaga ang sadya ko. I was checking him always for he was still in pain. Dahil maraming ulit na siyang nagtangkang kitilin ang kaniyang sariling buhay, buti na lamang ay binabantayan siya ng kaniyang mga kasama roon. Lucas was cold to everyone, unlike before. Knox told me that he was the carefree and a happy guy. Basagulero rin ito at matigas ang ulo. Ngunit kahit ganoon ay mabuti siyang bata at pinapasaya ang kaniyang Ate. He was an overprotective and caring brother that Lavander had. But not until his mate died, para na rin siyang namatay. Nabubuhay nga siya pero wala naman sa katinuan.

Ayaw na niyang lumabas at makipaghalubilo sa mga bampirang nandito. Halos hindi na siya kumakain sa isang daan at labing-siyam na taon. Mabuti na lamang ay napapakain at napapainom siya minsan ng aking anak. But still, he looked like a dead vampire who was inside in a living body.

Ang kaniyang mga mata ay walang buhay na ikinatakot ko. Na tila ba ay sakaling magtagal pa siyang maging gano’n ay pwede niya kaming kalabanin kung sakali. Ganiyan din ang mga bampirang naging kalaban. Diyan nagsisimula ang lahi ng mga Dervey noon, sa matinding sakit.

I pity that kid. Malaki ang impact sa kaniya ang nangyari. And I think he would not be easily recover. Lumipas ang mahigit isang daang taon ngunit hindi pa siya nakakabangon. Mas lalo lamang siyang nalugmok. Gusto ko man siyag tulungan ngunit hindi niya ako hinahayaan. Umiiwas siya sa akin at nasasaktan ako roon. Never in my life that my niece or nephew acted towards me like that, only him.

Ito ang kauna-unahang bampirang kadugo ko na namatayan ng mate. Our bloodline has the strongest vampire in this world, we cannot be easily killed. Kasama na roon ang mga kapareha nila. They are stronger than the normal vampires. Ngunit, nagtataka ako kung bakit namatay agad si Evianna ng gano'n-gano’n lang. Sa tama ng kaniyang katawan ay may possibilidad na mabuhay siya, ngunit hindi. She died just like that. It was not normal for a mate of one of the strongest vampire in the two world.

Nagbuntong-hininga ako saka naglakad papunta sa aking swivel chair at umupo. Kinuha ko ang pulang folder sa gilid at saka binuklat iyon. I was about to read the report that the Xedian made when suddenly, I felt something that made me stop. I felt a new presence outside the academy.

I closed my eyes and feel that person's presence. Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan upang makita kung sino ang nandoon. Puro kadiliman ang nakikita ko sa loob ng kagubatan. Ngunit huminto ang mata ko sa isang babaeng nakahandusay sa puso ng kagubatan, walang malay. Nakadapa siya kaya hindi ko nakita ang kaniyang mukha. Sino ito? Possible kayang…

Pilit kong tingnan ang kaniyang mukha at nang makita ay mabilis kong naimulay ang aking mata at mahigpit na napakapit sa gilid ng lamesa dahil sa gulat. Ramdam kong nanginginig ang aking labi at katawan, hindi dahil sa takot, kung hindi sa saya at galak.

“I-It’s her… She’s finally here…” nakangiting bulong ko sa sarili. Naramdaman kong tumulo ang luha sa aking kanang mata.

Hindi ako nagkakamali sa hinala ko. Ang lakas ng presensyang dinadala niya, impossibleng hindi ko siya makikilala. At siya lamang ang makakapasok dito muli sa labas, wala ng iba.

Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking nanginginig na kamay. No! Don't cry yet. There’s no time, kailangan mong tawagin sila agad.  Now!

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now