Chapter 20.

567 28 0
                                    

Evia's POV.

Kumunot ang aking noo nang nandito na naman ako sa loob ng kadiliman gaya ng aking napanaginipan noong isang araw. Bakit na naman ako nandito? Ano na naman ba anv makikita kong magpapagulo sa aking isipan?

Kakaiba ito, hindi gaya noong nakaraang araw. May nararamdaman akong mabigat na presensya ngunit kung ililibot ko naman ang aking tingin ay walang akong makita. Putong kadilimang lamang na lubos kong ipinagtataka.

"Sinong nandiyan?" tanong ko na ikinaalingaw-ngaw sa paligid. Dahil sa sobrang tahimik. Para akong nasa isang silid.

Nagsimula akong maglakad ngunit parang hindi man lang ako nakaalis sa aking pwesto dahil iyon lamang ang aking nakikita. Maski ang daanan ay kadiliman. Hindi ako siguradong malayo na ako o nandoon pa rin ako sa aking pwesto kahit na gumagalaw ang aking mga paa. Talagang nakakainit ng ulo.

Huminto ako nang mas maramdamang malapit ang presensyang aking naramdaman. Pilit kong aninagin ngunit wala talaga akong makita. Para lang akong nawalan ng paningin at nakakairita iyon.

"Sino ang nandiyan?!" pag-uulit ko sa aking tanong ngunit sa oras na ito ay mas malakas na. Baka kasi hindi narinig kanina dahil mahina.

Walang sumagot kaya akmang maglalakad muli nang may magsalita.

"Evia..."

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang boses na iyon. "I-Ina?" kung hindi ako nagkakamali ay si Ina Rue. Bakit sila nandito?

Napaatras ako nang parang liwanag silang sumulpot sa aking harapan. Oo, silang tatlo. Ang tatlo kong Inang nagsinungaling at itinago ako sa mundo ng labing siyam na taon.

"Evia..." sambit ni Ina Shala habang nakangiti.

"I-Ina... A-Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

Gusto ko silang yakapin dahil miss na miss ko na sila. Ngunit ayoko, baka kunin nila akong muli at itago o hindi kaya ikulong. Hindi ko man alam kung bakit nila ako tinatago ngunit alam kong may malalim silang rason. Sana nga lang ay mabuti. Dahil kapag masama ay paniguradong hindi ko sila mapapatawad.

"Nandito kami para kamustahin ka namin, Anak. Kamusta ka na?" sagot ni Ina Fe.

Lumunok ako. "A-Ayos lang po ako, Ina. Masaya po ako. K-Kayo po?"

Nawala ang kanilang ngiti sa labi. "Hindi. Hindi kami masaya dahil hindi ka namin kasama," sagot ni Ina Rue.

"Halika. Sumama ka na sa amin," nakangiting muli si Ina Shala habang nakalahad sa akin ang kanang kamay. Napaatras ako at nakatitig sa kaniyang kamay.

"Hindi mo ba kami na-miss, Evia?" kunot-noong tanong ni Ina Fe nang makita ang aking reaksyon.

Dahan-dahan akong umiling at lumunok muli. "Miss ko ho kayo ngunit ayoko pong sumama... nag-aaral pa po ako." Nakita kong tumalim ang tingin nila sa akin. "May nalaman din ako tungkol-"

"Ayaw mong sumama?" napaatras ako nang mahimigan ang galit na tuno ni Ina Rue.

"I-Ina..."

"Ayaw mo bang sumama?!" halos mapatalon ako nang tumaas ang kaniyang boses.

"O-Opo..."

"Pwes!"

Mas lalo akong napaatras nang magbago ang kanilang anyo at naging nakita ko sa larawan. Nakakatakot silang tingnan at tila papatayin ka nila ng wala sa oras.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now