Chapter 12.

596 28 1
                                    

Evia’s POV.

Nakatulala ako sa sofa habang hinihintay na bumaba ang dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinalikan ako ng lalaking iyon at ang mas malala pa ay tumugon ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaganoon. At mas lalong hindi ko alam kung bakit gusto ko ang kaniyang ginawa. Hindi ko man lang ito naitulak kahit kinakabahan ako. Nababaliw na ba ako?

Sa tanang buhay ko ay hindi ko kailanman naranasang humalik, ngayon lamang. Kaya sobrang gulat at hindi ako pakapaniwala dahil hindi ko pinangarap iyon. Dahil para sa akin ay ang mga bagay na iyon ay para sa mga matatanda, magkasintahan, at mag-asawa lamang. At wala ako sa tatlong iyon.

Alam ko ang bagay na ito dahil kahit hindi ako nakakalabas sa amin at nakita ang mundo ay may nobela pa naman akong nababasa. Dahil doon, nadagdagan ang aking kaalaman ukol sa mga kilos nila at kung paano pakakapagsalita ng gaya nila. May nalaman din akong bagay-bagay tungkol sa magkasintahan at ano ang ginagawa nila. At oo, hindi ako ganoong ka-inosente sa mundo. Minsan kahit alam ko ay tumatahimik na lamang ako para hindi sa akin mabaling ang atensyon ng lahat.

Ngayon, akala ng lahat at ng mga kaibigan ko ay inosente ako sa mundong ito. Na wala akong alam sa mga bagay-bagay. Ngunit ang mga kaibigan ko, alam nila na nakapagsalita ako sa wikang ginagamit nila. Pero alam kong hindi nila alam na may alam din ako sa ibang bagay. Ngunit hindi ibig sabihin no’n alam ko na lahat, may mga bagay ring hindi ko alam dahil limitado ang librong nasa aking silid noon. Kaya minsan ay nagtatanong ako kung ano ito at kung ano iyon.

May narinig akong mga yapak mula sa taas. Ibig sabihin no’n ay bababa na ang dalawa.

Umupo ako ng matuwid at saka inayos ang pagkakahawak sa itim na sobre na ibinigay ni Lucas sa akin kagabi. Natatakot akong buksan ito kaya tinawag ko na lamang sila upang ipakita ito at maipaliwanag sa akin kung ano ang laman nito.

Nakita ko silang pababa ng hagdanan habang papikit-pikit pa, halatang inaantok. Alas otso pa kasi ng umaga kaya ganiyan. Hindi kasi ako mapakali sa sobre na ito kaya tinawag ko na sila.

Naglakad sila papunta sa akin nang makita ako. Ngumiti ako ngunit sila ay nakakunot-noong nakatingin sa aking hawak. Nang makalapit ay naupo sila sa aking magkabilang gilid.

“What’s that?” kunot-noong tanong sa akin ni Maureen.

Sinulyapan ko ang aking hawak. “Hindi ko alam kung ano ito. Ibinigay lamang ito ni Lucas sa akin pagkatapos—” huminto ako nang mapatantong sasabihin ko na ang nangyari kahapon.

“Ano?” sabay nilang tanong, hinihintay akong magpatuloy.

Lumunok ako saka tumingin na lamang sa aking hawak. “B-Basta iyon.” Napapikit ako nang mautal. Tumikhim ako. “Natatakot lamang ako sa laman nito kaya tinawag ko kayo,” pagpatuloy ko habang hindi pa rin makatingin sa kanila.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now