Chapter 14.

576 31 0
                                    

Evia’s POV.

“Ang ganda mo, Evia.”

Nanatili akong nakatitig sa aking repleksyon. Hindi ko mawari kung ako ba ito o ibang bampira. Hindi mawala-wala ang aking titig sa salamin at napatanong na lamang, ako ba ito? Ngayon ko lamang nakita ang aking sariling ganito. Gusto kong paniwalaang ako nga ito ngunit kakaiba na ang aking mukha. Hindi sa nabago talaga ang hugis o ano, ngunit dahil sa mga kulay na nilagay ni Solvena sa akin. Pati na rin ang aking kasuotan at ayos ng buhok ay ibang-iba sa aking sinusuot araw-araw.

Nang malaman kong may pagsisiyahan pala para i-welcome raw ako ay hindi ko alam ang gagawin. Nanatili akong gulat, nalilito, at kinabahang napako sa aking kinauupuan. Tinawag pa ako ni Neo para raw makapaghanda ngunit hindi ako gumalaw at tinitigan lamang silang dalawa ni Oxy. Tinanong pa niya ako kung bakit pa ako nakaupo at hindi tumatayo, lumunok lamang ako at umiling. Umupo siya sa tabi ko at mahinahon akong tinanong kaya sinabi ko sa kaniya na kinakabahan ako’t hindi ko alam ang gagawin. Plano ko pa sanang ayaw sumali at hindi pumunta ngunit biglang sumulpot si Solvena aking harapan habang nakangiti.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako papunta sa kung saan. Nagtanong pa ako s akaniya kung saan kami patutungo ngunit sinabi niyang basta. Nang lingunin ko sila Neo ay tila sang-ayon sila sa paghila ni Solvena sa akin dahil hindi man lang nila kami pinigilan. Tumango pa si Neo na tila sinasabing sumama ako. So ayon na nga, sumama na ako.

Akala ko kung saan kami patutungo ngunit dinala niya lamang pala ako sa kaniyang silid. Sinabi niya sa akin na aayusan niya raw ako para sa selebrasyon. Balak ko pa sanang tumanggi at sabihing ayokong pumunta ngunit bigla niya ako pinaupo sa harapan ng salamin. Mayroong napakaraming kagamitang hindi pamilyar sa akin doon. At doon nagsimula ang pag-aayos niya sa akin.

Iyong mga kagamitan pala ay para sa aking mukha. Hindi ko alam kung paano niya ginawa ngunit ang resulta ay sobrang ganda. Nag-iba bigla ang aking mukha. Pati ang aking buhok ay kaniyang pinakailaman hanggang sa matapos. Nakatali ito na parang bilog sa likuran at may mga hibla ng buhok na iniwan niya sa harapan. Pinakulot pa niya ito gamit ang kagamitang mainit at inipit sa buhok ko. Pagkatapos ay pinasuot niya ako ng gown. Napakalaking bestida ito na kulay pink na walang kapitan sa balikat at sa braso. Tawag daw nito ay tube gown. At kulay puting sapatos na mataas. Hindi ko mawari na ganitong uri pala ang sasalihang selebrasyon na dapat kailangan mag-ayos ng ganito. Sa tingin ko ay ball ang tawag sa mangyayari. Sa tingin ko rin ay makakaranas na ako gaya ng binabasa ko sa mga libro.

At nang matapos siya ay mabilis niya akong pinaharap sa salamin kaya halos hindi na ako makagalaw dahil aking nakikita.  Ang ganda ko. Para akong dyosa. Ako ba talaga ito?

Bigla kong nakitang tumabi si Solvena sa akin. Nakakulay Pula siyang gown na hanggang tuhod lamang na may kaunting kapit na tela kaniyang braso. Para siyang fairy sa kaniyang suot. Nakaayos na rin siya kagaya ko at mas lalong tumingkad ang ganda niya. Para siyang anghel talaga mula sa ibabaw.

“A-Ang ganda mo, Solvena,” hindi ko mapigilang puri sa kaniya.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now