Chapter 2

2.4K 31 0
                                    

Kinabukasan nagising ako ng 6am dahil sa alarm, nag hilamos agad ako at kumain, as usual kape at tinapay lang ang kinain ko ewan ko ba bakit wala akong gana kumain kapag umaga, siguro nasanay na lang ako sa ganito.

Pag baba ko ay na abutan ko pa si kuya sa sala mukang hindi sya papasok sa trabaho ah dahil naka pang araw araw lang sya, dumiretso agad ako sa kanya para batiin.

"Good morning,kuya"sabi ko at agad yumakap sa kanya.

"Good morning my little naughty sister " Sabay irap sa akin

"How's school? Nahirapan ka ba mag adjust? May kaibigan ka na ba don? O baka naman may nang aasar sayo don?" Sunod sunod na tanong nya sa akin, hindi ko din naman sya masisisi dahil madalas ay sa phone lang kami mag ka usap at hindi kami nag aabot dito sa bahay sa tuwing uuwi kasi sya ay tulog na ako at tuwing umaga naman ay hindi ko na sya naabutan dahil maaga takaga sya pumapasok. Kaya alam kong nag aalala lang sya sa akin.

"Easy kuya, isa isa lang mahina ang kalaban" Sabi ko sabay bitaw sa pag kaka yakap ko sa kanya.

"Okay naman, medyo kinakabahan parin ako. Wala pa akong kaibigan medyo nahihiya pa kasi ako" Pag amin ko sa kanya dahil yon naman talaga ang na fe feel ko.

"Good to know, Malaking tulong din ito sa iyo dahil matututo ka maki salamuha sa ibang mga tao" Sabi nya sabay ng pag himas ng buhok ko.

"Hatid na kita baka ma late ka pa" Tumayo na sya at kinuha ang susi ng kotse. Lumabas na rin ako dahil ma lalalate na nga ako.

Agad naman akong naka rating sa school dahil hindi ko na kailangan mag antay pa ng jeep. Agad akong umupo sa upuan ko, napangiti ako ng maalala yung nangyari kahapon.

"Uy Jane rigth, naka pag ready ka ba sa introduction mamaya" tanong ng katabi ko, hindi ko pa sya kilala dahil ito ang una naming pag uusap.

"Uhhh,oo" simpleng sagot ko sa kanya.

Bigla tuloy akong kinabahan dahil naalala ko na naman na kailangan konf tumayo sa harap ang mag salita. Hindi ba pwedeng sa chat nalang may gc naman kami HUHUHU.

"Ako nga pala si Samantha Diego you can call me Sam" Sabay lahad ng kamay nya agad ko naman itong inabot at nag pakilala.

"Im Xavriel Jane De Lapaz, Jane ang tinatawag nila sa akin" Inabot ko ang kamay nya. "Nice to meet you"

Habang nag reready ako ay biglang may umupo sa harap ko, nagulat ako dahil naka ngiti sya sakin at kumaway, kumaway naman ako pabalik at ngumiti. Ang ganda talaga ng mga mata nya.

"Hi"tanging sabi ko sa kanya.

Gusto ko pa sana syang kausapin pero agad namang pumasok si Ms.Santos, biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Paano kung mag ka mali ako, paano kung mautal ako at mabulol. Naputol lahat ng iniisip ko ng biglang mag salita ung pogi na nasa harapan ko.

"Kinakabahan ka?" Tanong nya sa akin.

"Medyo, hindi lang ako sanay" Nahihiya kong sabi

"Okay lang yan, mag papakilala ka lang naman" Pag pupush nya sa akin.

"Salamat" Hindi na namin pinahaba ang usapan namin dahil nag simula nang bumunot si Ms.Santos ng index card, eto talaga ang kinaiinisan ko sa lahat ng school supplies eh index card.

Isa isa ng tinawag ang mga kaklase ko unti unti ko naman silang nakikilala hanggang sa tumayo na ung lalaking nasa harap ko. Nag focus lang ako sa kanya dahil gusto ko syang makilala hindi ko pa kasi alam ang pangalan nya, kahit ang pag lalakad nya ay ang lakas ng dating kung tutuusin ay simple lang naman sya manamit pero dalang dala nya ito.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now