Prologue

6.7K 96 6
                                    

Papunta ako ngayon sa school na pinapasukan ko dahil may school conference akong dadaluhan mamayang 8am.Mabagal lang ang pag papatakbo ko dahil hindi naman ako nag mamadali, 6am palang naman ng umaga at hindi naman masyadong traffic dito hindi katulad sa pilipinas.

Pagkatapos kong maka graduate ay nag patulong ako sa kaibigan ni Kuya para maka pag trabaho ako at mag turo dito sa Thailand, mas pinili ko na nga ang magtrabaho rito dahil dream country ko ito at mas mataas ang sahod. I'm just being practical in life, kung saan ang mataas ang sahod ay doon ako, 5 years na nga rin akong teacher dito.

Dahil english ang major ko ay english subject ang itinuturo ko, sa una ay talaga namang naiiyak na lang ako pero habang tumatagal ako ay nagiging normal na lang ang lahat...mababait ang mga estudyante dito sa Thailand, talagang hindi mo maiiwasang maikumpara ang mga estudyante sa Pinas.

Naka stop ang traffic light kaya naka hinto ako ngayon, nag check lang ako ng phone ko dahil nag message si Sam.

Yes, we always keep on touch sa isat isa, hindi ko hinayaang mawalan kami ng connection dahil naging part din sya ng highschool life ko. Nangangamusta nga lang ito sa akin at may chinichika tungkol sa crush nya, wala pa kasi syang boyfreind simula ng nag break sila ni Kaiser dahil nga nalaman nya na may ibang babae ito, ilang buwan din syang iyak ng iyak at halos patayin ang atay nya sa kakainom.

Kaya ay nagsisimula syang maghanap ng bago, pero kpag meron syang nakaka date ay madalas pinapahinto na din nya dahil wala daw syang na fefeel sa mga ito, pero ang totoo ay hindi pa sya nakaka move on, kahit hindi nya sabihin sa akin ay alam kong may feelings pa rin sya para kay Kaiser...dahil sya pa rin ang locksreen nito ay ang monthsary pa rin nila ang password nya sa phone.

Nagulat ako ng may mga bumusina sa likod ko at nakita ko ang mga kotse na pinapailaw ang mga front ligth ng sasakyan nila para sumenyas na mag drive na ako, agad kong tiningnan ang traffic light at ng makitang naka green na ito ay agad kong pinaandar ang kotse ko.

Pag dating ko sa school ay agad kong pinarada ng kotse ko, pangalawang taon ko rito sa Thailand ng makabili ako ng sariling sasakyan...mahirap din kasi ang mag commute lang araw-araw kaya pinagipunan kong makabili ng sasakyan.

Halos lahat ng estudyante ay bumabati sa akin habang patungo ako sa conference room, may importante daw announcement kaya kailangan ay naroon ang lahat.

"Goodmorning" bati ko sa mga co teachers ko nang marating ko ang conference room, marami na rin silang naroon kaya ay umupo na ako sa bakanteng upuan.

"Goodmorning Jane, did you already hear the news?" Tanong ng co teacher ko nang makaupo ako sa tabi nya. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya dahil wala akong nababalitaang kahit anong balita mula kanina.

"What news, ma'am?" Tanong ko pabalik dahil wala akong alam sa balitang sinasabi niya.

"Our new, clinic doctor" sagot nito

"New clinic Doctor? But where is Doc. Thawong?" Nag tatakang tanong ko dahil si Doc. Thawong ang registered doctor na naka assigned sa clinic at isang Health teacher.

"He assigned to another school" simpleng sagot ni Ms. Soknon isang Math teacher, mabait sya sa lahat noong unang dating ko dito ay sya ang nag assist sakin at sumama sakin para hindi daw ako ma out of place.

"Attention everyone...before we start our meeting, i want to introduce you to someone who are now part of our school family" rinig kong sabi ng pinaka head namin dito, lahat kami ay napabaling sa kanya at naghihintay ng susunod nyang sasabihin.

"As you heard, Mr. Thawong are on other school now. So we have our new clinic incharge" dagdag nya pa

"And guess what he's from your country, Philippines" tukoy nya sa akin.

Kinabahan ako agad ng tukuyin nya ako...biglang may mga ideyang pumasok sa utak ko na pilit kong tinatangal,agad akong kinabahan dahil naalala ko ang isang tao na naiisip ko kapag naririnig ko ang Doctor, ang taong iniwan ko sa Pilipinas, ang taong minahal ko ng sobra.

Pero hindi maari, imposible namang susundan nya ako dito. Matagal na panahon na yon kaya baka may asawa't anak na sya, agad kong inalis sa isip ko lahat ng iyon dahil patuloy parin akong umaasa.

Bago tuluyang bumukas ang pinto ng conference room ay pinagdadasal ko na sana ay hindi ang iniisip ko ang iluwa nito...pero halos manigas ako sa kinauupuan ko ng masilayan kong muli ang taong iniiwasan ko ng ilang taon.

May kung anong pumintig sa puso ko ng makita kong muli sya...it's been 5 ýears, so many changes...with his features and looks. Mas lalo syang naging gwapo, well build na rin ang katawan nya, maw lalo syang tumangkad.

Pero seryoso lang ito at walang kahit anong reaksyon ang nanggagaling sa kanya.

"I want to introduce to all of you, our new Doctor in charge, Dr. David Arinuevo" pakilala ng head namin.

Nang magtama ang mga tingin naming dalawa ay may kung ano akong kakaibang naramdaman, naka titig ito sa akin pero wala akong nakitang gulat sa kanya...tila ba ay inaasahan na nya ang pagkikita naming dalawa.

"Hello, Im Dr. David. Im looking forward to work with you all" baritonong saad nito...even his voice ay ang laki na ng pagbabago, mas lalong naging attractive ang boses nya.

Wait! Jane stop! You already move on, and this is just a work...nothing personal.

"Hello,welcome to our school" sabay sabay na bati ng mga kasama ko, kinalabit pa ako ng katabi ko dahil hindi raw ako nagsalita.

"Uhm—" nauutal na saad ko, pero agad ko ring inayos ang sarili dahil baka akalain nyang na b-bother ako sa presenya nya.. in fact talaga namang ang intimidating at ang akward ng sitwasyon namin dahil after 5 years ay ngayon lang kami ulit nag kita.

Tinanggal ko kasi ang connection sa kanya, kahit sa mga social media ko ay tinanggal ko sya sa mutuals ko...not to be bitter pero wala na aking nakikitang dahilan pa para i keep ang connections nyo ng ex mo.

"Nice to meet you" hindi ako makatingin ng maayos sa kanya, dahil ramdam ko ang matatalim na titig nya sa akin.

"Don't feel akward Ms. Dela Paz" natatawang ani nito, taka naman ang iba kong kasama dahil parang mag kakilala raw kami.

"I'm happy to finally see you after 5 years, Jane"

********
Edited

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now