Chapter 6

1.2K 24 0
                                    

Sabado ngayon kaya walang pasok, naisipan ko na mag punta sa mall para makapag pasyal. Kumain ako ng umagahan dahil tanghali na rin akong nagising, naligo agad ako at nag bihis ng simpleng tshirt na naka tuck in sa ripped jeans. Simple lang ako manamit dahil hindi ako mahilig sa mga crop top at mga revealing clothes dahil ayaw ni kuya ng mga ganon hindi ko din naman gusto ang nga ganong uri ng damit dahil hindi ako komportable na suutin iyon sa publiko.

Pag ka tapos ko mag bihis ay agad na akong bumaba, wala na doon si kuya dahil kahit weekends ay nasa trabaho parin sya. Minsan ay sinasabi ko kay kuya na kahit isang linggo ay mag bakasyon naman sya at huwag puro trabaho ang atupagin nya. Sinasabi lang nya sa akin na hindi sya sanay nang nasa bahay lang at walang ginagawa,kaya hayaan ko nalang daw sya at huwag ng mag alala dahil gusto din naman nya ang ginagawa nya. Pero kahit papano ay nag aalala pa rin ako sa kanya, hindi biro ang mag pa takbo ng isang negosyo.

Nag aabang lang ako ng jeep sa may labasan, malapit na mag lunch ng nakasakay ako. Puno ang jeep na nasakyan ko kaya halos kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo, dapat ay kalahati lang din ang bayaran ko,CHAR. Saktong lunch time ng makarating ako sa malapit na mall kaya nag hanap muna ako ng pwedeng makainan. Naka kita ako ng nag titinda ng shawarma kaya nagutom ako bigla. Matagal na rin akong hindi nakaka kain ng shawarma kaya agad akong lumapit sa may stall.

"Isang beef shawarma nga po" Sabi ko sa tindera.

"50 pesos, ganda" Huy si ate naman, kahit hindi mo na i inform alam na alam ko na yon.

"Alam ko naman po ate" sabay hawi ng mahaba kong buhok. Natawa nalang si ate sa pinag gagagawa ko. Nang maibigay na sa akin ni ate ay agad akong nag bayad at nag keep the change pa nga ako dahil sinabihan nya akong maganda, luhh uto uto. Umupo ako sa malapit na bench at saka don na ako kumain, masarap talaga ang beef. Nang matapos ay nag lakad lakad muna ako para mag pa baba ng kinain.

Wala naman ako balak bihin dito dahil hindi naman ako mahilig bumili ng mga material na bagay, mostly pag kain talaga ang gusto kong bilhin. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad.

Papunta ako sa isang store ng mga dress ng makita ko si Sam, may kasama syang isang lalaki hindi naman ito isa  sa mga kaklase namin. Nilapitan ko agad sila para mag hello.

"Sam" tawag ko sabay kumaway pa.

"Huy, Jane. Ikaw pala" Masayang bati nya.

"Date?" Tanong ko sa kanya, habang tinutukoy ang lalaki sa tabi nya. Naka ngiti naman ito at mukha namang mabait at maginoo.

"Boyfreind ko" pag amin nya, medyo nahihiya pa sya sa pag sasalita.

"Ohhhhh" mapang asar ang tingin na binato ko sa kanya.

"Umhh, This is Jane, my freind" pag papakilala nya sa akin agad kong nilahad ang kamay ko. "Hi, im Jane, nice to meet you" pag papakilala ko sa sarili ko.

"Kaiser, Kaiser Matias" kinuha nya ang kamay ko para makipag kamay. "Nice to meet you,Jane" masayang bati nya sa akin.

"Ikaw? Mag isa ka lang?" Baling sa akin ni Sam.

"Oo, namamasyal lang. Nakaka bored sa babay eh" sagot ko.

"Sumama ka nalang sa amin" pag aaya nya sa akin.

"Luh, so ano ako third wheel, salamat nalang" Sabay kaming natawa.

"Sige na pag patuloy nyo na ang DATE nyo"
"Enjoy!!"

Pag ka alis nilang dalawa ay pinag masdan ko lang sila habang nag lalakad pa alis. They look genuinely happy,halatang mahal nila ang isat isa, sa physical touch palang ay mahahalata mo na.

Umupo nalang muna ako sa isa sa mga bench na nasa gilid para mag pahinga. Napaisip tuloy ako, ano kaya feeling ng ganon noh, yung may taong sasamahan ka sa trip mo sa buhay, ano kaya ang feeling ng may ka relasyon. Hindi naman ako nag mamadali dahil alam kong may tamang tao sa tamang panahon pero what if lang naman eh. Masarap kaya sa feeling yung may taong kakantahan ka,tulad ni David.

Teka, paano naman pumasok si David sa isip ko. Naalala ko na naman ang kagabi, aaminin ko kinilig ako sa kanya dahil hinatid nya ako, pero ayoko mag assume. Baka kasi ganoon lang talaga ang love language nya sa lahat.

Nakangiti lang ako habang iniisip ang lalaking nakaka pag pa tibok ng puso ko. Ayoko man aminin pero...

Crush ko na sya.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now