Chapter 16

902 23 0
                                    

"Wow! Ang sarap naman po nito tita" sabi ko sa mama ni David.

Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil may project kaming gagawin, by partner kasi ang project na to kaya kaming dalawa ni David ang mag ka sama, si sam naman ay naka partner si Miz kaya nandoon sila sa bahay nila Miz. Bukas na kasi ang pasahan nito kaya kailangang tapusin na ngayon, nag sabi lang ako kay kuya na may project akong gagawin kasama si david para hindi sya mag alala.

Pinag handa kami ng mama nya ng leche flan para daw may merienda kami.

"Nako ikaw talaga, lagi naman masarap ang niluluto ko" nakangising sabi ng mama nya.

"Oo nga po eh, kaya paborito ko na lahat ng luto nyo tita" pam bobola ko, pero totoo naman lagi na nga akong pupunta dito para kumain minsan ay sinasama ko si Sam pero madalas ay sa canteen sya kumakain kasama si Miz dahil tinatamad daw syang mag lakad.

"O sya sige, maiwan ko na kayo at ng matapos nyo na yang project nyo" sabi ni tita bago tumayo ay nag tungo sa kusina.

Maganda din ang bahay nila David, hindi man ganon kalakihan pero maganda ito sa loob. Malaki din ang kusina dahil sabi ni David ay gusto daw talaga ni Tita na ang kusina ang pinakamalaki sa buong bahay.

"Gupitin mo ito" utos sakin ni david

Hinablot ko naman sa kamay nya ang papel at gunting.

"Easy, baka malukot" naka ngiting aso sya ngayon sakin. Kanina pa ako naiinis sa kanya dahil kanina pa nya ako inuutusan, ginagawa nya lang akong taga gupit at taga abot.

"Tseeee" pagalit na sabi ko sa kanya

"Gupitin mo mag isa mo" binaba ko nang padabog ang gunting at printed paper sa sahig saka naupo ako sa sof. Bahala sya gumawa mag isa nya, Nakakainis!

Natatawa lang sya na lalong nakaka pag pa inis sakin, kaya kinuha ko nalang ang phone ko para ma tingin tingin.

Nag tingin lang ako ng mga damit sa online shop dahil two days nalang ay Intramurals na, may gown na ako na isusuot may sports attire na din kami, ang napag desisyunan namin ay motorcyclist ang magiging attire.

Nakakita ako ng isang casual dress na pwede kong isusuot after nang uniform attire. Apat na beses kaming mag papalit dahil may uniform attire, casual attire, sports wear at evening gown.

"May damit kana sa evening night?" Pag agaw ko sa atensyon nya

"Wala pa" simpleng sagot nito

"Huh, Panong wala pa? Dapat meron na. 2 days from now na ang intrams" sunod sunod na sabi ko

"Eh wala pa nga eh"

"Gosh!" Irita kong sabi

"Easy, okay. Nag hahanap pa ako nang pwedeng arkilahan" pag papaliwanag nito.

Nag tingin din ako sa online shop nang tuxedo na babagay sa kanya pero hindi ko din ito natipuhan dahil hindi nag tutugma ang kulay ng gown ko at mga tuxedo sa online, isa pa ay mahirap bumili ng mga ganitong damit sa online dahil baka mamaya ay hindi naman pala fit sa kanya.

Naalala ko na marami nga palang tuxedo at mga Americana si kuya, naisip kong manghiram sa kanya para hindi na kailangan bumili tutal isang gabi lang naman isusuot.

"May idea ako" sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin at inihinto ang ginagawa.

"Sumama ka sakin bukas" Aya ko pa

"Saan?"

"Sa bahay, manghihiram tayo kay kuya ng damit" Mag kasing tangkad naman sila ni kuya at hindi naman malaki ang katawan ni kuya kaya siguro ay mag kasukat lang sila.

"Huh, ayoko nga" tutol nya

"Anong ayoko? Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo" maotoridad kong sabi

"Ano ka desisyon. Ayoko nga, baka mamaya magalit pa sakin kuya mo"

"Hindi yan, mabait naman si kuya. Hindi sya nangangain kaya wag ka mag alala" paninigurado ko sa kanya

"Saka isa pa tatlong taon lang ang tanda nya satin"

"Sumama ka na David" singit ni tita mula sa kusina, malakas ata ang pag uusap namin kaya narinig ni tita.

"Mabait itong si Jane kaya panigurado mabait din ang kuya nyan" nginitian ako ni tita mula sa malayo.

Hayst! Salamat sa tulong tita. Ang tigas ng ulo ng anak nyo.

"Saka diba may pinag iipunan ka, oh para di mo na magalaw ang ipon mo para pambili ng damit"

"Magkano din ang mga ganoong klase ng damit, baka nasa libo pa" dagdag pa nito

"Ohh, see. Mama mo na nag sasabi, kaya wala ka ma magagawa"

Talagang wala na syang nagawa dahil sa huli ay napapayag din namin sya, kapag talaga mama na nya ang nag sasabi ay sumusunod na kaagad sya.

Masunuring bata naman pala ito! Under to sakin pag mag asawa na kami. Huyyyy tanga, assuming ka na naman.

Tumulong na din ako sa ginagawa namin para maaga kaming matapos, bukas ko na nga binabalak na pumunta sa bahay para manghiram kay kuya.

Nang matapos kami ay 3pm na ng hapon kaya agad na akong nag ayos ng gamit at nag paalam na aalis na.

"Sige po tita,maraming salamat po sa pag papatuloy"

"Wala iyon iha" sagot ng mama  nya

"Sa susunod bumisita ka ulit dito" dagdag pa nito

"Hindi naman kailangan, lagi naman kami nasa tindahan" singit naman ni david, ayaw ata akong papuntahin dito ng loko.

"Abay syempre iba parin kapag nandito sa bahay natin, mas maasikaso ko kayo.

"Tita, mukang ayaw ata ng anak nyo na andito ako ah"

"Naku, wag ka maniwala dyan. Baka pag alis mo nga ay nakangiting aso na iyan" pang aasar ni tita sa anak

"Ma!" Tawag nito sa mama nya

"Bakit? Totoo naman ah. Di hamak naman na kaygandang bata nitong si Jane, hindi ka na lugi"

"Yuck" sagot naman nito

"Aba! Ang kapal naman ng muka mo. Hoy! Mr. David Arinuevo hindi ka na lugi sa akin noh, ayaw mo non mas lalong gaganda lahi nyo" sabay hawi ng buhok ko.

"Bagay talaga kayong dalawa" pang aasar pa ni tita.

"Bakit hindi nyo i level up ang relationship nyo"

Nakakagulat talaga mag salita ang mama ni David, walang preno at talagang matitigilan ka sa mga tanong nya. Ship nya kaming dalawa ng anak nya simula pa noong nag punta ako sa kainan nila. Pero infairness hindi ito naging dahilan para makaramdam kami ng awkwardness sa isat isa dahil alam naming pareho na biro lang ang mga iyon, minsan nga ay naiisip ko kung alam ba ni tita na may feelings ako para sa anak nya dahil kung maka push sya sakin kay David ay kulang nalang ipakasal nya kaming dalawa.

Pero sana nga. CHAR!

"Kung andito lang ang papa ni David, ay panigurado magugustuhan ka din non" Oo nga pala, hindi ko nakikita ang papa nya wala din syang nasabi sakin tungkol doon.

"Nasan ho ba ang asawa nyo? Bakit parang wala po ata sya dito?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Nako iha, hindi mo na sya naabutan. Kinuha na sya samin noong 11 anyos palang itong si David" pag kukuwento ng mama nya

"Heart Attack ang kinamatay nya" singit naman ni david pero hindi parin nag babago ang emosyon ng mukha nya.

"May kapatid itong si David, si Micheal kaya lang nasa maynila ito ngayon"


Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now