Chapter 31

718 17 0
                                    

******

Nag bayad muna kami bago pumasok sa loob ng videoke room sa timezone.

Sakto at apat na tao lang ang maximum na kayang i accommodate nito.

Nasa tabi ko si David at nasa kabilang side naman sila Sam at Miz.

Kinuha ni Sam ang music book saka nag hanap ng kanta.

Nang makahanap sya ay kinuha nya ang remote saka nag imput ng mga numbers.

Nang ayos na ay in-on ni Miz ang mike dahil sya ang mas malapit sa screen ng tv.

Napatingin lang ako dahil sa kanta na naka show sa monitor.

'Labis na Nasaktan'

Omg! Alam kong broken hearted sya pero ang baduy naman ng kanta nya.

Hindi ko tuloy napigilang i judge ang music taste ni Sam.

Buti nalang maganda ka.

Nag simula na ang kanta.

***

"Unting pumapatak. Ng ‘di alam, ang luha" kanta nya sa unang linya.

"Ayaw ko’ng ganito. Mahal dinggin mo..." tuloy nya sa kanta.

"Nahihirapan ang puso ko, Sinundan ka ng kung saan...." unti unting nabibiyak ang boses nya.

Gusto ko syang lapitan pero hinayaan ko lang sya para mailabas nya ang sakit na nararamdaman nya.

"At nagmamakaawa..." kanta nya nang bigla nang tumulo ang luha nya.

Nakatingin lang si David sa kanya iniisip kung ano ang nangyayari.

Hindi sya nag tangkang mag tanong pa dahil kung sakali ay hindi ko din alam kung pano sasaguti  yon.

"Tinalikuran mo ako ng papalayong, Sumisigaw ang puso.......labis na nasaktan ako....sa mga ala ala" tuluyan ng bumuhos ang luha nya.

"Kahit habulin ka....Kahit ba pilitin ka" doon sya huminto dahil pimipiyok na sya dahil sa sobrang pagiyak.

At doon ko na sya nilapitan para patahanin.

"Mag c-cr lang ako" paalam nya bago tumayo

"Samahan na kita" sabi ko

"Huwag na....please" sagot nya kaya hindi na ako nag pumilit pa.

Iiyak sya sa cr. Alam ko yon. Doon nya ilalabas ang lahat ng sakit.

Naawa ako sa kanya.

Napakabait nyang tao pero nagawa parin syang lokohin ng lalaki.

Kung tutuusin nga ay nasa kanya na ang katangian ng isang ideal girlfriend.

That Kaiser, akala ko matino sya.

Pag nagkita kami ay humanda sya talaga sa akin.

"Okay! It's my time to shine" agaw ni David sa eksena.

"Huh?" Tanong ko

"Mamaya na ulit ang iyakan, kiligan muna" sabi nya habang naka titig sa akin.

Nakatitig na naman sya.

Tinuro nya yung monitor sa tv screen at nakita kong may nakalagay na song.

Naka pag imput na pala sya kanina, hindi ko napansin na nag hahanap pala sya ng kanta.

'The way you look at me' basa ko sa screen.

"Labas muna ako....puntahan ko lang si Sam" paalam ni Miz at may malokong ngiti pa.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now