Chapter 29

668 15 1
                                    

*

"Tuloy tayo sa bukas" sabi ni David

Nandito kami ngayon sa 7/11 dahil inaya ko sya mag punta dito para mahimasmasan sya dahil sa pagiyak nya kanina.

"Bukas na ba yon" agad akong napatingin sa phone ko nang makitang Friday na pala ngayon.

Balak ko pa naman pumasok bukas.

"Oo, bukas na yon" pag papa alala nya

"Sige" simpleng sagot ko bago humigop ng juice na nasa pack

"Susunduin ulit kita" pag papa alam nya

Tumingin lang ako sa kanya at parang alam nya kung ano ang nasa isip ko dahil nangiti sya.

"At hindi na kita iiwan....ulit" nakangiting sabi nya

"Yung sinabi ko nga pala kanina, huwag mo na masyadong isipin yon" nahihiyang sabi nya

Alam ko! Pero hindi ko ipag sasawalang bahala yon.

Dahil alam kong seryoso sya ng sinabi nya yon.

Ramdam ko.

Alam ko.

"Sige" tanging sinabi ko nalang para hindi na sya mahiya pa.

"But i meant it...seryoso ako sa sinabi ko. Huwag mo nalang masyadong isipin" nagulat ako dahil sa pag amin nya.

For the first time.

Ngumiti lang ako sa kanya pero ang totoo ay gusto kong mag wala ng mag wala.

Tinapos lang namin ang pagkain saka nag desisyong ihatid na nya ako sa bahay.

Nag lalakad kami pauwe habang tahimik lang.

Damang dama ko ang lamig ng hangin.

Bilog na bilog ang buwan.

Nagulat ako ng mawala sya sa tabi ko pero agad din naman syang pumunta sa kabila katabi ng kalsada.

Tahimik lang sya kaya hindi na ako nag umpisa ng usapin.

Nang makarating kami ay agad syang nag paalam na aalis na.

"Sige baka abutin ka pa ng sobrang gabi"

"Pumasok ka na din" sabi nya

Pumasok na ako sa loob at umakyat ulit ng dahan dahan sa taas para mag pahinga.

Sumilip ako sa may bintana para tingnan kung naka alis na nga sya.

Nakaalis na sya dahi wala na sya doon.

Isasarado ko na sana ang bintana nang makita ko ang isang babaeng nasa gilid ng bakod namin.

Ilang minuto din syang naroon bago nag tumakbo paalis.

Naka suot sya ng itim na hoodie at cap naka mask din sya at shades.

Sya yung babae sa park.

Ano ginagawa nya dito? Anong kailangan nya sa akin.

Sinarado ko na ang binatana saka nag punta sa banyo para mag linis ng katawan.

Pag labas ko ay mahihiga na sana ako nang biglang may nag message sa akin.

Akala ko ay si David lang pero may Unknown Number na naman.

Unknown Number:

'Makulit ka bata, sinabi ko na sayo mag iingat ka'

Yon lang ang laman ng message nya.

Inisip ko kung sya ang babaeng nasa park at nasa harap ng bahay namin, dahil sya lang naman ang may motibong mag sabi sa akin non.

*****

THIRD PERSON POV

Makulit ang batang to.

Pinapanood ko lang silang mag yakapan sa harap ng gate ng bahay.

How sweet!

Pero hindi pwede.

Hindi ka mahal ng lalaking yan

Importante ka lang sa kanya kaya sya ganyan kumilos

Sinundan ko lang sila hanggang makarating sila sa isang store. Nakaupo sila sa bench at nag uusap.

Halata sa mata ni Jane ang pag nanais, kitang kita sa mga mata nya ang pag mamahal.

Ganon din ang kay David, halata ang pag ka gusto nya dito.

Pero pinipigilan nya.

Dahil alam nyang....hindi nya kayang saluhin ang pag ibig na handang ibigay ni Jane.

Matagal ko ng pinag mamasdan ang dalawang ito, lahat ng kilos nila ay alam ko.

Mapapahamak sila.

Mapapahamak lang sila sa pagibig na meron sila.

__________

Pag alis ni David ay lumapit ako sa harap ng gate ng bahay, pinag masdan ko ito. Magiging masaya pa kaya ang bahay na to kapag isa na sa mag kapatid ang nawala.

Alam kong nakatingin sa akin si Jane, dahil malakas ang pakiramdam ko.

Hinayaan ko lang sya para matakot sya.

Dapat kang matakot.

Pero hindi sa akin...hindi ako ang kaaway mo.

May iba pa

May ibang nag hihintay na saktan ka.

Tumakbo na ako palayo sa bahay, malapit na ako sa sakayan ng jeep ng biglang may humila sa aking babae.

Hinila nya ako sa isang puno at sinandal doon.

Sinasakal nya ako.

Hindi ako makahinga

"Huwag mong sisirain ang plano ko" sabi nito

"Kung ayaw mong madamay, Samantha Diego" dagdag nya pati pagbanggit sa pangalan ko.

Yung boses na yon.

Pamilyar

Parang kilala ko ang boses na yon

Pero hindi ko malaman kung saan ko ito narinig

Saka nya biglang binitawan ang leeg ko, nag hahabol ako ng hininga dahil don.

Tumingin ako sa kanya pero hindi ko sya mamukaan.

Naka suot lang sya ng mask

END OF THIRD PERSON POV


Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now