Chapter 12

1K 20 2
                                    

Sobrang saya ko ng araw na iyon dahil nag kaayos na kami ni kuya, ito nga lang ang pinakamatagal na away namin dahil umabot ito ng kinabukasan.

Maaga akong gumising para mag handa sa pag pasok, nag bihis ako ng tshirt at pants dahil may practice naman kami mamaya. Ngayon na ang start ng practice para sa intrams, hindi pa nga ako nakaka pili ng sportswear na isusuot dapat kasi ay pareho kami ni david para magandang tingnan.

Pag ka pasok ko ay andoon na si david at sam lagi silang maaga pumapasok, sana all maayos ang body clock ako kasi ay need pa ng alarm para magising. Binati ko silang dalawa, bumati din pabalik sakin si sam pero ang lalaking nasa harap ko ay hindi ako pinansin. Akala ko ba okay na kami, ano na naman toh.

Kinalabit ko sya mula sa likod dahilan para tumalikod sya at humarap sa akin.

"Problema mo?" Tanong ko "akala ko ba okay na tayo?"

Tinaasan nya lang ako ng kilay. "I told you, i wont forgive you that fast" ngumiti sya ng nakaka loko.

"Huh, anong trip mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya, ang aga aga eh nakaka bad trip naman toh. Alam kong pinag titripan nya lang ako.

Kasalukuyan kaming nasa covered court ng school namin para sa practice, dito din kasi gaganapin ang Mr. And Ms. Intrams 2024. Mainit dito dahil covered court nga at wala masyadong elektrikfan na naka set up.

Una naming pinractice ay ang maikling prod number, hindi naman ako ganon ka samang sumayaw kaya pwede na. Hindi din naman mahirap ang step dahil simple lang ito at maikli lang nasa isang minuto ito. Pag katapos ay inayos ang posisyon namin sa pag lakad dahil bago ang introduction ay lalakad kami muna kami ng naka pila by section. After non ay ang introduction na, nasa backstage kami dahil isa isa kaming lalabas, kasama na namin ang boys pag labas kaya mag katabi kami ni David ngayon. Naiinis parin ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang trip nya ngayon. Nang kami na ang lalabas ay hinawakan nya bigla ang kamay ko ay saka kami nag lakad pa labas, nagulat ako sa ginawa nya pero wala na ako nagawa dahil nasa harap na kami ng mic ng mag proseso sa utak ko ang nangyari.

'David Arinuevo, 17, 11- Hope' pag papakilala nya. Kita ko naman ang tilian ng nga nanonood dahil sa boses nyang mapapa hinto ka talaga sa ginagawa mo. Nala ngiti din sya na lalong nag papa ganda ng mata nya. Natauhan ako bigla ng sinundot nya ako sa tagiliran dahil naka tulala na naman ako sa kanya. Buti nalang ay wlaanh masyadong tao don dahil may mga klase pa ang iba dahil kung hindi ay mag wawalk out talaga ako sa kahihiyan.

"Xavriel Jane de Lapaz,17 representing 11-Hope" pag papakilala  ko at agad hinigit ang kamay ni David paalis ng stage.

"Bakit ka kasi tumutulala sa akin? Pinapahalata mo naman masyado na crush mo ko" nagulat ako sa sinabi nya. Alam nya na crush ko sya, pero pano? Hindi ko naman ito pinapa halata sa kanya.

"Kidding" bawi nya bigla

"Tara na, may next practice pa tayo ng matapos na. Para maka bawi na na sakin" sabi nya kaya nag taka ako bigla.

"Paano?"  Tanong ko

"Secret wlang clue, malalaman mo mamaya" 

Nag pa tuloy lang ang aming practice, puro lakad at lakad lang naman ang pinapractice. Hirap na hirap nga akong mag lakad dahil 6 inch ang heels na suot ko, pinahiram ito sa akin ni Sam, sabi ko nga ay yung mababa lang pero sabi nya ay hindi daw maganda pag maikli ang heels kays eto ang sakit sakit na ng paa ko.

Nang matapos ang practice ay agad akong naupo dahil pagod na pagod ako, ilang beses lang kami naupo. Tumabi sa akin si david at uminom ng tubig.

"Tired?"tanong nya

"Oo, super,nakaka pagod pala. Kanina pa nga masakit ang paa ko sa heels na toh" pag rereklamo ko. Tumayo sya at lumuhod sa harap ko tapos ay tinanggal nya ang strap ng heels na suot ko.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon