Chapter 20

825 21 1
                                    

Nandito kami ngayon sa backstage ng stage, kasama ko si Sam dito dahil sya ang make up artist ko ngayon nandito din si Miz para may mag assist sakin sa mga susuotin ko. 6:30pm palang pero kailangan na namin mag prepare kahit 7:30 palang.

Nag umpisa na si Sam na ayusan ako, nag decide ako na i kulot nalang ang buhok ko dahil bagay naman yon sakin.

"Ang ganda ng skin tone mo ah" puri sakin ni Sam

"I know right"

"Feel ko bagay sayo ang shade na to" sabay pakita sakin ng palet na hawak nya

"May tiwala naman ako sayo kaya go lang"

Ligth makeup nga lang ang ginawa nya sakin dahil ayoko din ng masyadong putok na putok ang makeup, yung akala mo naka ilang patong ng foundation.

Sinabi ni kuya na hindi nga daw sya makakapunta dahil may buisness meeting sya ngayong gabi, naiintindihan ko naman sya dahil hindi naman ito ang unang beses na hindi sya nakaka attend ng mga ganap ko sa school.

Malambot at magaan ang mga kamay ni Sam dahil hindi sya masakit mag brush hindi katulad ng iba na mabibigat ang mga kamay.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at napa wow nalang ako sa resulta, simpleng simple lang ito na lalong nag papa labas ng skin tone ko.

"You're done" sabi ni Sam

Oh pak! Ganda, Sino ka dyan?

"Perfect"

Nakabihis na din ako ng uniform, uniform attire kasi ang una naming i rarampa.

Habang inaayos ko ang mga gusot sa braso ko ay napansin ko ang matatalim na tingin ng nasa tabi ko.

Ang babaeng maldita na humitak ng damit ko kahapon.

Trixie? That's her name, What a stupid name.

"Tinitingin tingin mo" supladang sabi nito sakin

"Ikaw ang unang tumingin" bawi ko

"Nakakairita kasi ang presensya mo"

"Sus! Admit it. Nagagandahan ka lang sakin" pang aasar ko pa, as i expected inirapan nya lang ako.

Talagang bumibinggo na sakin tong mga mean girls na to ah, apura irap. May saltik ba sila sa mata.

"Yuck!" Tanging sabi nito

"Yan ba?" Tanong naman sakin ni Sam

"Oo"

"Hoy! Babaeng mukang hito" hiyaw ni Sam, gusto ko sana syang pigilan dahil baka mag ka gulo pa sila pero naisip ko ay deserve naman ng Trixie nayon na mayikman ang matabil na dila ni Sam.

"Excuse me!" Masungit na sagot ng babae

"Edi dumaan ka" pilosopong banat naman ni Sam

"What's your problem? And who are you?" Supladong sabi ni Trixie

"Well! I'm her freind" sabay turo sakin  "Eh ikaw sino ka ba?"

"Ohhhh! I see, kaya pala pareho kayong cheap and boring" sabi nito na lalong naka pag pa inis kay Sam

"Aba! Aba! Jane pigilan moko, bibigwasan ko to" hawak ni  Sam ang braso ko at akmang susugurin ang babae

"Girl pigilan mo kako ako" baling nya sakin ng mapansing hindi ko sya pinipigilan

"Go on" simpleng sagot ko

"Huh! Nevermind, base on R.A. 8485 the animal welfare act. Bawal manakit ng mga HAYUP"

Umirap ang babaeng hito dahil hindi siguro naintindihan ang sinabi ni Sam, kahit nga ako ay hindi ko alam yung R.A..R.A nayon.

"Girls,  get ready mag start na" Sigaw ng coach namin

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now