END

958 24 5
                                    

Sam's POV

Dalawang putok ng baril ang narinig namin mula sa labas ng abandunadong bahay.

Kasama ko ang mga pulis.

Kinakabahan ako dahil sa mga putok ng baril na yon, sumugod agad ang mga pulis at pinalibutan ang buong bahay.

Sana ligtas sila.

Please,Lumabas kayong buhay.

"Ma'am dito lang po kayo" pigil sa akin ng pulis dahil gusto kong pumasok sa loob dahil hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"Pero sir, gusto ko pumasok. Nandoon ung mga kaibigan ko" pag pupumilit ko

"Pero ma'am...." hindi na nya natuloy ang sasabihin dahil bigla akong kumawala sa pag kakahawak nya sakin saka tumakbo palapit sa bahay.

"Ma'am " tawag pa nya sakin pero hindi na ako lumingon pa.

Malapit na ako sa pinto ng may pumutok na namamg baril.

Kaya agad agad akong pumasok sa loob.

Pag pasok ko ay tumambad sa akin ang isang bangkay ng pulis.

May naririnig akong ingay sa bandang dulo kaya unti unti akong nag lakad para malaman kung ano ang nangyayari.

Dinala ako nito sa isang kwarto.

Mabigat ang pakiramdam ko habang palapit ng palapit sa kwartong yon.

Halos mapa higa ako sa sahig ng may maaninag akong mga naka higa, hindi ko alam kung buhay o patay o kung sila ba yon.

Please, be alive.

For me.

Pero mukhang hindi ako pinakinggan ng mundo.

Halos mawalan ako ng hininga ng makita ang nasa loob ng kwarto.

Mga bangkay.

Mga bangkay nila Jane at ang Kuya nya ay wala ding buhay.

Pati si David.

Ay wala na

Napaluhod nalang ako sa nadatnan, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Hindi pwede

Hindi pa pwede.

Mas lalo akong umiyak ng makita ang posisyon ni Jane....naka patong sya kay David na tila pinrotektahan nya ang taong mahal na mahal nya.

Duguan silang lahat, hindi ko maatim ang pag masdan silang ganon.

Para akong binibiyak

Sobrang sakit

Sabi nyo babalik kayo ng buhay.

Nangako kayo sakin.

Bat di nyo tinupad

Tumayo ako para lumabas dahil hindi ko kinakaya na magtagal pa.

Pag tayo ko ay nakita ko si Miz, nakahiga sya sa sahig duguan at walang buhay.

"Nag pakamatay sya ma'am...pag pasok namin dito ay bigla nalang syang nag baril ng sarili " sabi ng pulis na nandoon.

Napaka sama mo

Hindi ka dapat nag pakamatay ng ganon kabilis

Dapat ka pang mag hirap at mag dusa sa mga kasamaan mo

Bago lumabas ay tiningnan ko muli ang mga bangkay nila.

Mas lalo akong naiyak, nanghihina ang tuhod ko habang nag lalakad palabas ng bahay.

May mga nakasalubong pa akong mga pulis at may dala silang stretcher.

Huminto ako para tingnan silang buhatin isa isa ang bangkay ng mga kaibigan ko at ng taong minsan kong tinuring na kaibigan.

Isa isa silang dumaan sa akin, bawat pag daan ng mga katawan nila sa harap ko ay ang pag ala ala ko ng masasayang araw na mag kakasama kami.

Hindi ko na kinaya pang mag lakad dahil sa sobrang panghihina kaya napa upo nalang ako sa sahig.

Doon ko nalang binuhos lahat ng emosyon ko.

Iniyak ko ng iniyak lahat

Wala na sila.

Ang hirap paniwalaan at ang hirap tanggapin.

Sana panaginip lang lahat ng ito

At kung isang panaginip man ito

Pakiusap

Sana gisingin nyo na ako.

—END—

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now