Chapter 34

721 14 0
                                    

****
Nag lalakad lang kami ni David papunta sa labas ng school.

Ihahatid nya ulit ako.

Tahimik lang ako dahil nag ooverthink talaga ako dahil sa kanina.

"Tahimik mo ah" sabi ni David

"Huh"

"Bakit ang tahimik mo kako" ulit nya

"Ah wala lang, pagod lang siguro ako" sagot ko

"Ikaw kasi, bakit ka naman tumakbo sa kabilang building" sabi nya

"Saka anong ginagawa mo don? Eh building yon ng nga lower year " dagdag nya

"Wala lang....exercise lang" pag sisinungaling ko

Natawa lang sya sa sinabi ko.

Huh?

"Bakit?"

"Wala .... hindi ka lang kapanipaniwala, nag exercise sa loob ng school campus" natatawang sabi nya

"Ano nga kasi?" Pamimilit nya

"Wala nga" sagot ko

*******

Hindi na sya nag salita dahil siguro nahalata na nya na ayaw ko namang mag sabi.

"Sige" simpleng sabi nya

Nakasakay naman kami agad sa jeep dahil konti lang naman ang mga sumasakay ngayon.

Pansin ni David ang pananahimik ko kaya kinakalabit nya ang paa ko gamit ang paa nya.

"What?" Bulong ko sa kanya

"May problema ka.....ang tahimik mo eh" sabi nya

"Wala akong problema" sagot ko

Hindi na sya nag salita dahil siguro nahalata na nya na ayaw ko namang mag sabi.

"Sige" simpleng sabi nya

Nakasakay naman kami agad sa jeep dahil konti lang naman ang mga sumasakay ngayon.

Pansin ni David ang pananahimik ko kaya kinakalabit nya ang paa ko gamit ang paa nya.

"What?" Bulong ko sa kanya

"May problema ka.....ang tahimik mo eh" sabi nya

"Wala akong problema" sagot ko

"Alam kong meron" sabi ulit ni David

"Kilala na kita.....alam ko kung may pinoproblema ka o wala" bulong nya ulit sa akin.

"Mamaya pag baba" sabi ko dahil marami ang tao dito sa loob ng jeep at nakakahiya kung dito pa kami mag uusap.

"Okay"

*********

Maya maya lang ay nakababa na din kami dahil hindi naman gaano ka traffic.

Huminto muna kami sa may store para bumili ng meryenda.

"San ka nag punta kanina?" Tanong ko

"Ahhhh......kaya ka ba humihingal dahil hinahanap mo ko" sabi nya

Hindi na ako naka sagot sa kanya.

"Ohhhhh.....sorry kung hindi ako nakabalik kanina agad"

"Nag alala ka pa tuloy" dagdag nya

"Ayos lang" sagot ko habang humihigop ng sofdrink

"Don't worry next time mag sasabi ako kung saan ako pupunta para hindi ka nag aalala" binigyan nya lang ako ng assuring smile

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now