Chapter 37

778 23 1
                                    


David POV

**********

Kita ko ang takot sa mga mata nya.

Hindi ko maatim na makita syang ganon, puro sugat at pasa ang katawan at mukha nya.

Anong ginawa nila sa kanya.

Hinding hindi ko sila mapapatawad

Kahit ang sarili ko dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya.

Bumaling ang tingin ko sa Kuya nya, hindi nakatakas sa paningin ko ang pag tulo ng luha sa mga mata nya.

Si Jane nalang ang mayroon sya, at hindi nya hahayaang mawala pa sya sa kanya.

Bigla akong nag sisi dahil kung hindi ko sana pinasok ang buhay ni Jane ay sana ay hindi nangyayari sa kanya ang mga ito.

Kasalanan ko lahat ng to

Nabigla ako ng biglang itaas nya ang hawak nyang baril galing sa bantay kanina.

"Pakawalan mo ang kapatid ko" madiin na sabi nya

Tumawa lang si Miz at inirapan sya

"Napanood ko na to.....sa tingin mo ba ay makukuha mo ako sa mga ganyan ganyan mo" sabi ni Miz

"Please Miz, wag mo ng idamay si Jane. Wala syang kinalaman dito" pag mamakaawa ko

"Awwww, nakaka touch ka naman David" sabi nya

"Pero ayoko....inagaw nya lahat sakin at sa kapatid ko, pati ikaw ay inagaw nya sakin" sigaw ni Miz

Hindi ako naging sayo Miz, kahit kailan ay hindi ako magiging sayo.

"Pakiusap Miz, gagawin ko lahat ng gusto mo, pangako susunod na ako sayo pakawalan mo lang si Jane" pag papanggap ko dahil nag babakasakali na kakagat sya.

"Pangako" sagot nya

"Oo pangako, hinding hindi na ako susuway sa utos mo" dagdag ko

"Ohhhhhh.....pero kasi David may problema eh" sabi nya

"Anong problema" sabi ko saka unti unting lumalapit sa kanya

"Ang problema ay hindi ako tanga" bigla nyang tinutok ang baril sa akin

Umiiyak si Jane, hindi sya makasigaw dahil sa mga naka takip sa bibig nya.

"Ibaba mo yan" utos ng Kuya nya

Napadapa ako dahil sa biglang putok ng baril.

Akala ko ay sila yon pero ng makita ko ang dugo sa kamay ng Kuya ni Jane ay agad akong napalingon sa bintana.

May isang lalaki na may hawak ng baril

Binaril nya ang kamay ng Kuya ni Jane.

"Shhhhhhhh, behave ka lang" awat ni Miz kay Jane dahil nag wawala na ito

Agad ko syang dinaluhan para matingnan ang kalagayan nya.

"Kuhanin mo ung baril" sabi nya sa akin

Nakita ko ang baril na tumalsik sa gilid ng upuan.

Tatakbo na sana ako para kunin yon pero tinutukan na ako ng bantay kanina ng hawak nyang baril.

"Bata.... akala mo siguro maiisahan mo kami" sabi nito mula sa likod

Tinaas ko ang dalawang kong kamay dahil wala naman akong magawa dahil malayo pa sa akin ang baril na dapat ay kukunin ko.

"Wag mo ng ituloy ang balak mo" dagdag nya

"Harap" utos nito saka diniin sa ulo ko ang dulo ng baril

Unti unti akong umikot paharap, kita ko ang Kuya ni Jane na nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit, si Jane naman ay pabalik balik ang tingin sa amin habang walang humpay ang pag tulo ng mga luha.

Matatapos din lahat ng to.

Halos ma paupo ako sa sahig ng makarinig na naman ako ng isang putok ng baril.

Si Miz, binaril nya ang Kuya ni Jane.

Hindi ko kinayang tingnan ang nangyari.

"Nako! Sabi ko naman kasi sayo eh, mahiga ka nalang dyan. Ayan tuloy!" Sabi ni Miz saka hinipan ang dulo ng baril na ginamit nya.

Walang syang malay, hindi ko alam kung buhay pa ba sya o.....hindi na.

Gusto ko syang takbuhin pero may naka tutok na baril sa ulo ko.

"See that Bestie, ganyan ang mangyayari sa inyong lahat mamaya" sabi ni Miz saka tumawa.

"Miz maawa ka sa min" sabi ko

"Naawa naman ako sayo.....kaya ikaw ang isusunod ko"

Pag kasabi nya non ay kasabay ang pagbagsak ko sa sahig, may tama ako sa binti.

Napahiyaw nalang ako sa sobrang sakit.

Namimilipit ako dahil don, tawa lang ng tawa si Miz.

"Tuluyan mo na" utos ni Miz sa tauhan nya

"Yes boss"

Kita ko ang pag tutok nya sa akin.

Eto na!

Sa huling sandali ay tiningnan ko si Jane, nakaluhod sya ngayon sa sahig at umiiyak, hawak ni Miz ang buhok nya.

Wag ka ng umiyak, please.

Ayos lang ako. Magiging ayos lang ako.

Dadating na ang nga pulis, maliligtas ka na.

Patawad mahal, patawad kung hindi na ako makakahingi sayo ng sorry.

Magiging ayos lang ang lahat.

Magiging ayos ka lang.

Mahal na mahal kita, my Xavriel Jane.

Paalam

Pumikit ako para hindi masaksihan ang kalunos lunos na kalagayan ko.

Sa huling sandali ay inaalala ko ang mga masasayang alaala namin ni Jane, lahat lahat.

Naalala ko din si Mama, alam kong sa oras na ito ay sumasakit na ang ulo nya dahil sa sinisingil sa kanya.

Patawad Ma

Mahal na Mahal ko kayo

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant