Chapter 11

916 18 0
                                    


Natapos ang orientation ng hindi kami nag uusap, pinilit kong makinig sa nag oorient sa amin para hindi malaman kung ano ang mga kailangan at kung paano ang magiging flow ng pageant.

Bukas ay mag uumpisa na ang training para dito, i eexcuse naman daw kami sa mga subject na masasagasaan ng training namin. Four hours lang naman ang practice every day, at ang general practice ay a day before the event.

Lunch time na din naman kaya hindi na kami bumalik sa room, tinanong ko naman sya kung sasabay syang kumain at tumango lang ito kaya nag chat ako kay sam na hihintayin nalang namin sa sya canteen. Habang nag hihintay kami ay hindi talaga kami nag uusap, nag cellphone lang sya gusto ko syang kausapin kaya lang ay naisip ko na papalamigin ko muna ang ulo nya at baka bukas ay hindi na sya galit sa akin. Maya maya pa ay dumating na si sam, pinandilatan nya ako ng mata kaya umiling lang ako sa kanya dahil alam ko kung ano ang tinutukoy nya.

"Hirap naman huminga" pag paparinig ng gaga

"Ang suffocating ng environment, nako nako" dag dag pa nya. Nag simula na kaming kumain dahil wala naman mangyayari kung mag tititigan lang kami dito. Pag ka tapos namin kumain ay nag pahinga muna kami ng kaunti, habang nag lalakad kami ay nasa harap namin si david. Sinisiko ako ni sam dahil gusto nya na kausapin ko si david.

"Ayaw pa nga ako kausap" bulong ko sa kanya.

"Hindi lang nag tatampo, galit na yan" dagdag ko pa.

"Nakausap mo ba?" Tanong ni sam sa akin

"Oo,eh nainis pa ako sa kanya eh kaya lalo nagalit" napabuntong hininga nalang ako

"Eh gaga ka pala eh, sinabi ko na nga sayo kanina kung bakit nag tatampo yan" tinampal pa nya ako sa balikat saka tumakbo papunta kay david, nag uusap lang ang dalawa.

Natapos ang araw na iyon na hindi kami nag uusap ni david. Pag uwi ko ay naalala ko na naman na may galit nga din pala sa akin sa bahay, hindi ko nga malaman kung sino ang uunahin ko eh.

Napag desisyunan ko na kausapin nalang si david sa chat kaya agad kong kinuha ang phone ko para kausapin sya.

david.arinuevo is now online

Nang makita ko na online sya ay agad kong pinindot ang conversation namin para makausap na sya.

_xavriel.dlpz: heyy

_xavriel.dlpz: im sorry kanina, ayaw mo ako kausapin kanina eh kaya dito nalang ako mag sosorry.

_xavriel.dlpz: please don't think na hindi ako masaya sa achievement mo, im genuinely happy na naka pasok ka sa music club. I always rooting you. Nag away kami ni kuya kaya wala ako sa mood.

seen

david.arinuevo: it's okay :)

david.arinuevo: but i won't forgive you that fast😒

Hindi ko alam kung magiging masaya ako oh maiinis dahil sa huling chat nya. Hindi na sya nag reply pa after non kaya nag isip pa ako kung ano na naman ang binabalak ng mokong na toh. Pero atleast okay na kami, isa nalang ang problema ko at iyon ay si kuya.

Bumaba ako para ipagluto si kuya ng paborito nyang menudo, agad akong nag handa ng mga kakailanganin kong ingredients. Pagkatapos ko mag hiwa ay saka ako nag simula mag luto. Napapangiti ako ng maisip na hindi ma hihindian ni kuya ang menudo dahil pinaka paborito nya ito.

Habang nag hihintay ay nanood muna ako sa sala ng Netflix kaya nawala ang antok ko. Maya maya lang din ay narinig ko na ang sasakyan ni kuya kaya agad kong pinatay ang tv. Ilang minuto lang ay pumasok na si kuya, pag pasok nya ay agad nya akong nakita. Lumambot ang ekpresyon ng mukha nya ng makita ako, hindi ko na napigilan at tumakbo ako sa kanya para mayakap sya.

Niyakap nya din ako ng mahigpit, hindi ko na napigilan ang luha ko na tumulo sa mga mata ko.

"Kuya, sorry" sabi ko habang naka dukdok sa dibdib nya, hindi pa din kami umaalis sa ganoong pwesto.

"Shhhhhhh, baby dont cry. It's okay, i understand" sinabi nya habang pinapatahan ako.

"Sorry talaga, promise hindi na ako mag sisinungaling sayo"

"Jane, look at me. Tayong dalawa na lang ang magkasama sa buhay, tayong dalawa lang ang mag dadamayan at tayo lang din ang mag tutulungan. Sana wag ka nang mag tatago sa akin.

"Natakot kasi ako, hindi mo magustuhan kapag sinabi kong may nag hatid sakin" pag amin ko pa

"Ofcourse not, i have trust with you. Sa lahat ng ginagawa mo alam kong hindi ka mag papa dalos dalos at alam kong hindi ka gagawa ng ikakapa hamak mo" pag papa lubag loob nya sa akin.

"I think i smell my favorite ulam" pag iiba nya sa usapan habang kunwari ay hinahanap ang amoy na nang gagaling sa kusina.

"Yes kuya, i prepared your favorite menudo" sabay kaming nag tungo sa kusina, kanina pa naka hain sa lamesa ang pag kain.

"Looks so delicious, by the way ano toh peace offering" pinag taasan nya ako ng kilay.

"Hindi noh,alam ko kasi na pagod ka galing trabaho kaya naisipan kong ipag luto ka" palusot ko pa sa kanya.

"Jane" tawag nya sakin.

"Hmmm"

"That david guy you mentioned, is he nice?" Biglaang tanong nya na kinagulat ko. He smiled to gave me an assurance.

"Yes, madalas nya akong inaasar but he's nice" Nakangiting sagot ko dahil naalala ko na naman ang lalaki.

"Good, i trust you with men, i know na he's good man based on your smile" Huh, smile ako nakangiti,shaks nakaka hiya.

"But Jane, be careful. Wag ka masyado mahulog baka hinahayaan mong mahulog ka pero wala naman palang sasalo sayo" pag papa alala pa nya.

"I don't want to see you cry just because of men" seryoso sya sa mga sinasabi nya.

"But im a little bit jealous and sad" dagdag nya, naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Dahil hindi na ako ang pinaka gwapong lalaki sa mata ng prinsesa ko" malokong sabi nya na ikina ngiti ko naman.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now