Chapter 22

784 20 2
                                    

Nang makabalik na si David sa likod ay kita ko ang pag buntong hininga nya dahil sa kaba.

Agad akong sinenyasan ng maldita naming coach na ako na ang sunod, pumwesto naman ako sa gitna at nag pose .

Feel na feel ko ang paglalakad ko dahil super comfortable ng suot ko, saka tinuro din sakin ni Sam na huwag daw akong ma pressure dahil pag napressure ako ay doon na mag sisimulang maging tabingi ang performance ko.

Kaya iniisip ko lang ay nag lalakad lang ako sa mall na parang nag wiwindow shopping pero may class, nang makadating ako sa gitna ay umikot ako ng pagka ganda ganda saka nag pose.

Rinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid ko.

Naitawid ko ang evening gown ng maayos, nang maka balik ako sa likod ay napabuntong hininga nalang din ako dahil sa kaba, akala ko talaga ay papalpak ang pag lakad ko.

Hinihiling ko pa naman na sana ay wag akong matapilok dahil nakakahiya talaga yon.

"Watch me" madiing sabi ni Trixie dahil sya na ang lalabas sa stage

Tulad ng sabi nya ay pinanood ko lang sya sa tv na nasa likod ng stage.

Swabe naman ang pag kakaikot nya at hindi maipag kakaila na maganda iyon, magaling din naman talaga sya dahil na rin siguro ay sumasali na talaga sya ng mga pageant. Kaya lang ay hindi maganda ang ugali nya, hindi ko pa nakakalimutan ang mga ginawa nya sakin simula pa kahapon, ang pag hatak nya sa damit ko at ang pag sira nya sa gown ko.

Habang nag lalakad nga si Trixie ay nagulat ako ng bigla syang nawala sa camera, napasilip agad ako sa backstage nang makitang naka salampak sya sa sahig

Nadapa! HAHAHAHAHA

Hindi pa sya bumabangon dahil na rin siguro sa hiya na naramdaman, ilang segundo pa ay umakyat na ang host at tinulungan syang tumayo.

Hindi maipinta ang mukha nya dahil sa nangyari, natahimik naman ang mga nanonood hindi sila maka palakpak, maka sigaw o makatawa dahil hindi nila malaman kung anong reaksyon ang dapat nilang bitawan.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa nangyari, pinipigilan kong ngumiti pero binibigo ako ng bibig ko. Alam kong nakaka hiya yon at talagang gugustuhin ko nalang mag laho sa pag kaka tayo kung ako ang nasa posisyon nya.

Tinatanong sya ng host kung ayos lang ba sya pero hindi sya nag sasalita at naka tayo lang talaga doon.

Alam kong mali ang maging masaya sa misfortune ng ibang tao pero hindi maiwasang mabanggit ng bibig ko ang salitang.

Deserve

Sa mga ka malditahan nya at sa mga masasamang ginawa nya sakin ay siguro nakatanda na sya sa nangyari, hindi ako yung tipo ng tao na naniniwala sa KARMA, dahil ang karma ay gawa ng devil at hindi ito dapat hinihiling sa ibang tao pero naisip kong iyon na ang balik sa kanya para sa mga ginawa nya sa akin.

Ilang minuto pa ay bigla syang tumakbo pabalik sa kinaroroonan namin, nang mag katapat kami ay sinamaan nya ako ng tingin at parang handa na nya akong sunggaban.

Gurl! Easy. Wala ako kinalaman sa nangyari.

"This is your fault,  you witch" sabi nito bago tumakbo paalis, wala ni isa sa amin ang sumunod sa kanya dahil mukang lahat ata kami ay ayaw sa ugali nya

"Aba! Nanisi pa talaga. At ako witch, duh ang ganda ko namang mangkukulam" pag sabi ko sa sarili ko

"Girl...Girl" tumatakbo sila Sam at Miz papunta sa gawi ko

"Nakita mo ba yon?" Tanong agad sakin ng gaga

"Oo" sagot ko

"Ayan! Ambilis ng balik sa kanya ah"

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now