Chapter 27

755 19 3
                                    


Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya kanina, nakahiga ako ngayon at nakatulala sa kisame dahil hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano ang meron kay David bakit sinabi ni Kuya na hindi nya ako magagawang saluhin kapag nahulog na ako ng tuluyan.

Alam kong may mga laman ang bawat salita na binitawan kanina ni Kuya kaya lang ay hindi ko alam kung ano iyon.

Sumasakit na lang ang ulo ko kakaisip dahil hindi ko pa nga nakakalimutan ang narinig kong kausap ni Kuya tungkol sa mga magulang namin tapos ngayon naman ay tungkol kay David.

Speaking of David. Bigla ko syang naalala, naiisip ko lahat ng mga ginagawa nya sa akin, lahat ng bagay na ginawa nya para sa akin.

Naguguluhan ako!

Naguguluhan ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Masyadong magulo ang kinikilos nya, ang hirap intindihin ng kilos nya.

Hindi pa nakatulong ang pag uuspa namin ni Kuya kanina dahil dumagdag lang ito sa isipin ko.

______________________________________________________

Nagising ako dahil sa yugyog sa kama, dumilat ako at nakita ko si Kuya na nasa gilid ng kama.

"Gosh! Buti naman gumising kapa" Bungad na bungad sa akin ni Kuya

"Ano ba yan....kuya" ingit ko dahil inaantok pa talaga ako

"Late ka na" sabi nya saka ulit ako niyugyog

Gusto ko sana syang batukan dahil sa ginagawa nya pero naalala kong kuya ko nga pala sya.

"Ayokong pumasok" sagot ko saka nag talukbong ng kumot

"Anong ayaw pumasok, Gaga ka ba. Kanina ka pa hinihintay ni David sa baba"

Nang marinig ko iyon ay agad akong napabangon dahil sa gulat

Nandito si David? Ano ginagawa nya dito?

"Mamaya ka na tumulala dyan at mag pantasya tungkol sa greatest crush mo at mag madali ka na, kanina pa sya don sa baba" sabi nya saka umalis sa pag kaka upo sa kama at tumayo.

Paalis na sana sya ng kwarto ng bigla ko syang tinawag kaya napalingon ulit sya sa akin

"Kuya" tawag ko

"Bakit?"

"Sabi mo kagabi mag ingat ako sa nararamdaman ko sa kanya, pero bat hinahayaan mong sunduin nya ako" naguguluhan ang mukha ko ngayon

"Totoong pinag iingat kita sa feelings mo, lahat ng sinabi ko sayo kagabi ay totoo. Pero hindi ako ang gagawa ng paraan para hindi ka mahulog sa kanya, ikaw ang pipigil sa nararamdaman mo" seryosong ani nya saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Bakit ba kasi kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko! Hindi ba pwedeng hayaan ko nalang to.

Naiwan naman akong nakatulala sa dulo ng kama ko, pareho sila ni David na hindi ko maintindihan. Masyado silang magulo, lahat ng kinikilos nila ay nakakapag pa gulo ng isip ko.

Mga lalaki nga naman!

________________

Pagkatapos ko ay agad akong bumaba, naabutan ko si David na nakaupo sa may sala habang tahimik na palinga linga.

Wala na din si Kuya dahil umalis na rin ito.

"David" Tawag ko sa kanya

Agad syang tumayo ng makita ako.

"Oh Hi" bati nya sa akin pero wala syang ka rea reaksyon

"Ano ginagawa mo pala dito? Bakit mo ako sinundo?" Nagtatakang tanong ko pero tumingin lang sya sa akin saka lumapit.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant