Chapter 21

734 20 0
                                    

Natapos na ang pag rampa namin sa sports attire kaya agad agad akong tumakbo sa dressing room para mag palit na, sumusunod naman sakin sila Sam at Miz

"Hoy Gaga! Mag dahan dahan ka nga baka matapilok ka nyan" sigaw sakin ni Sam dahil tumatakbo na ako.

Gusto ko nang hubarin itong damit dahil sobrang uncomfortable sa akin.

Kailangan na din naman naming mag palit para sa pinaka hihintay ng marami sa pageant nato, ang evening gown.

"Gosh! Ang hirap naman tanggalin nito" reklamo ko dahil ang sikip sikip talaga nya.

Huy! Yung damit ang masikip hindi tao.

"Sana nag tennis nalang kayo" reklamo naman ni Miz

"Masyadong common kapag yon ang sinuot namin" Totoo din naman apat ata kanina ang naka suot ng tennis attire.

"Jane!" Tawag sakin ni Miz

"Why?" Sagot ko habang busy sa pag tatanggal ng sapatos ko

"I think we have a problem" seryosong sabi nito

"Huh?" Sagot naman ni Sam at bumaling sa direksyon ni Miz

"What the fudge"

"Bakit ba?" Tumingin ako sa kanila "OMG! Ano nangyari dyan?" Natatarantang tanong ko.

"Hindi naman ganyan yan kanina" dagdag ni Miz

"Paano nangyari yan?" Tanong ko ulit

Yung gown ko! It was ruined!

"Or ang tanong ay kung sino ang may gawa?" Inis na sabi ni Miz

Nag tinginan kaming tatlo para malaman kung iisa lang ba ang iniisip namin bagi bumaling sa direksyon ng nag iisang bruha dito sa loob.

Si Trixie.

"Why? Bakit ganyan kayo makatingin?"

Maangmaangan lang ang peg. Aba, pwede ka pala sa tv eh magaling kang umarte.

"Ooops! OMG! Anong nangyari dyan?" Kunware ay gulat na gulat pa ang gaga habang tinuturo ang gown ko

"Oo nga, Ano nga kaya ang nangyari dyan?" Sarkastikong sagot ni Sam

"Ikaw ba gumawa nyan?" Diretsyong tanong ni Miz

"What? Of course not"

Nakakairita talaga sya! Gosh! Ano na isusuot ko.

Patuloy lang na nakikipag talo si Sam at Miz kay Trixie, pinipilit nilang umamin ang gaga.

Muli kong tiningnan ang sira kong gown. Actually hindi naman  sya totally sirang sira gupit gupit lang ang bandang hita nito.

Ang gown ko ay off-shoulder crystal blue gown, hindi litaw ang legs nito dahil ayoko ng ganong klase ng evening gown.

May apat na gupit ito na halata namang sinadya dahil may nakita pa akong gunting sa may table na kanina lang ay ginagamit ng makeup artist ni Trixie.

Gosh! Tatanga tanga naman! Hindi man lang tinago ang ebidensya.

May 5 minutes nalang kami para mag bihis.

Nakikita ko sa internet na kapag may mga ganitong scenario sa isang pageant, pag may sumabotahe daw sa gown mo ay mas lalo mo pa daw sirain ang gown para mas lalong maging unique tingnan.

Dahil don ay agad ako nakaisip ng solusyon, si Sam ay nakikipag talo padin kay Trixie, hawak naman ni Miz ang braso ni Sam dahil baka mamaya ay bigla nalang nya itong sugurin.

Kinuha ko ang gunting na ginamit nila para sirain ang evening gown ko para isaksak sa kanya. CHAR!

Ginupit ko lang pa taas hanggang sa tingin ko ay sakto na ito sa hita ko, tinapat ko ang pag gupit sa mga sira para hindi ito mahalata.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now