Chapter 14

991 25 0
                                    

Pagod na pagod ako ng umuwi dahil sa practice, dala dala ko nga hanggang paguwi ang heels ni Sam dahil hindi na kami nag abot sa school.

Naligo lang ako at nagbihis ng pambahay bago mahiga, nag scroll scroll lang ako sa ig dahil wala naman akong gagawin pa. Tapos ko na nga ang mga assignments ko at lectures, hindi ko pa nga pala na i sesend kay david ang mga lectures pero tinatamad ako mag send kaya mamaya nalang.

Habang nag sscroll ako sa ig ay nakita ko ang post ni Sam na nag papaint, ang ganda ng paint nya isa itong sunset detalyadong detalyado bawat pahid ng paint brush. Ang gagaling nila sa mga ganong bagay si sam sa arts at si david sa music, bakit may mga taong binibiyayaan ni lord ng mga talento, may mga tao namang grabe ang talino, may mga iba naman na biniyayaan ng sobrang ganda yung talagang hindi mo maiaalis ang mga mata mo sa kanila and mahirap man tanggapin pero ang mga taong magaganda ay may mas malaking recognition at privileged sa ibang tao kahit wala kang talent or what ay basta may mukha kang mai lalantad sa kanila ay tatanggapin ka ng lahat.

Sadly but that's the reality.

Hindi ko naman sinasabi na panget ako, confident lang ako sa meron ako pero hindi ako ganon ka sobrang ganda,  saks lang ganon.

Sabi naman nila lahat daw ng tao ay pinanganak ng may talento at lahat ay binigyan ng panginoon nito,pero. Hello? Tao din ho ako? Baka tulog ako noong nag pa ulan ng talento? Humihinga lang ako, ganon.

Tumunog ang phone ko kaya nawala lahat ng iniisip ko nakatanggap ako ng message galing kay kuya na hindi daw muna sya makaka uwi dahil nasa tagaytay sya para sa buisness matter. Sinabi ko lang sa kanya na wag muna sya umuwi at mag enjoy muna sya doon kapag tapos na ang dapat nyang asikasuhin.

Bumaba ako para mag luto ng kakainin ko pag ka tapos ay natulog lang ako.

_____________

Pag gising ko ng umaga ay sobrang sakit ng ulo ko kaya hindi ako makabangon, parang may nakadagan sa ulo ko sabayan pa ng bigat ng katawan. Nilalagnat ako. Pinilit kong bumangon pero napapabalik lang ako sa pag kaka higa kaya hindi ko na muna pinilit bumangon. Mukang hindi nga ata ako makaka pasok ngayong araw at makaka abesent din ako para sa practice pangalawang araw palang naman ng practice namin kaya ayos lang iyon. Inihiga ko na nga lang muna ang katawan ko para hindi na ma pwersa, ito ang mahirap kapag walang kasama sa bahay, kapag nag kaka sakit ka ay ikaw lang talaga ang aasahan mong mag aalaga sayo, hindi narin ako nag sabi kay kuya dahil nasa buisness trip sya at ayoko naman masayang ang pinunta nya roon para sakin, kaya ko naman konting pahinga lang ay gagaling din ako.

Natulog lang ulit ako at tanghali na nga ng magising ako, medyo masakit parin ang ulo ko at mainit parin ako kaya bumangon ako para kumain at uminom ng gamot. May mga stock naman kami dito ng noodles at can goods kaya hindi ko na kailangan mag luto pa.

Pag katapos kong kumain ay uminom agad ako ng gamot at umakyat ulit ako sa kwarto para mag pahinga pa.

Tiningnan ko lang ang phone ko kung may nag message ba sakin dahil hindi ako naka pag palaam kanina.

david.arinuevo: bat di ka pumasok? Wala tuloy ako ka partner. Nasa bahay ka ba?

samdiego_: hoy! Gaga asan ka? Bat absent ka, ung heels ko inarbor mo na.

Nag reply lang ako sa kanila na masama ang pakiramdam ko, tumunog pa ulit ang phone ko pero ibinaba dahil lalong sumasakit ang ulo ko sa liwanag ng phone.

Nagising ako dahil sa sunod sunod na doorbell, inis akong bumangon mula sa pag kakahiga. Sino ba yon? Hindi ba pwedeng wag muna ngayon? Istorbo naman.

"Sandale!" Inis na hiyaw ko mula sa taas.

Nag dadabog akong bumaba ng hagdan.

"Sino ba ya...?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko si david na nasa labas ng gate, agad agad ko syang dinaluhan doon at pinag buksan ng gate.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now