Chapter 15

837 25 0
                                    

Kinabukasan ay maayos na ang pakiramdam ko kaya nag ayos na ako para pumasok, 4am palang kaya naisipan kong mag luto ng pancake para ibigay kay david, pasalamat ko para sa pag babantay nya sa akin kahapon.

Nilagay ko lang yung pancake sa isang tupperware at pinakatan ko ito ng sticky note na may nakatalagay na 'Thank You'. Nilagay ko lang ito sa bag ko saka lumabas na ng bahay, mag jeep na naman nga ako dahil hindi pa umuuwi si kuya pangalawang araw palang nya sa tagaytay at tatlong araw ang business trip nya roon.

Habang nakasakay ako sa jeep ay hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyari kahapon. Bawat kilos ni David ay malaki ang nagiging epekto nito sa akin, pero hindi ko maiwasang mag isip dahil sa mga sinasabi nya sa akin kung may meaning ba yon oh assuming lang talaga ako, pa fall naman kasi yon eh kaya tuloy lalo akong nahuhulog.

Natauhan lang ako ng may kumalabit sa akin na matandang babae.

"Ineng" tawag nito sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko dito.

"Kanina ka pa kasi naka ngiti dyan na parang wala ka sa ulirat" sabi ng matanda

"Ay, pasensya na po. May naalala lang ho" tugon ko pabalik.

"Siguro ay naiisip mo ang nobyo mo" dagdag pa nito

"Hala! Hindi, crush lang po" malanding sabi ko,hindi na kumibo ang matanda dahil kinakausap na sya ng batang kasama nya. Maya maya pa naman ay huminto na ang jeep sa may tapat ng school namin kaya agad agad akong bumaba.

Nakangiti ako habang nag lalakad sa hallway, pag ka pasok ko sa room ay nakita ko agad sina Sam at David na mag ka usap, naka talikod si david kaya hindi nya agad ako nakita.

"Jane"malakas na sigaw ni sam dahilan para mapatingin lahat sa akin.

"Huyyy, okay na ba pakiramdam mo?" Agad nyang tanong

"Oo, ayos na ako" sagot ko naman

"Buti naman, kamusta nga pala yung lugaw na pinadala ko kay David?" Tanong nya "Nakain mo ba?" Dagdag pa nya.

"Oo, ang sarap nga eh. San mo ba nabili yon?" Curious na tanong ko dahil gusto ko ulit matikman iyon.

"Ahh, dyan lang sa labas. Gusto mo ibili kita ulit?"

"Ahh,hindi na ako nalang bibili kaya ko naman na"

"Akala ko hindi ka pa papasok" biglang singit naman ni David

"Ayos naman na pakiramdam ko" pag kakasabi ko, pagkatapos ay kinuha ko ang tupperware sa bag ko at inabot ito sa kanya.

"Ohh,pasasalamat ko dahil simahan mo ako kahapon" abot ko sa kanya ng niluto ko.

"Naks, nag abala ka pa" kinuha nya iyon sa kamay ko pagkatapos ay binuksan ito.

"Pancake?" Mukhang dismiyado sya sa laman

"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ko "Mas masarap yan sa niluto mo kahapon may cheese yan sa ibabaw" dagdag ko

"May cheese din naman yung gawa ko kahapon ah" pangangatwiran pa nya "Nalusaw nga lang"

"Saka yon made with love kaya mas masarap" pag mamayabang na sabi nito

"Kasi nga love mo si Jane" singit naman ni Sam sa gilid ko. Akward kaming napatingin sa kanya at inismiran nya lang kami.

"As a freind, bakit ano ba kasi iniisip nyo?" Bawi naman nito.

"Wala bakit? Tapusin mo kasi yung sasabihin mo hindi yung puputulin mo pa" inis na sabi ni David.

"Nako! Di mo lang nagustuhan yung 'as a freind' thing eh"

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now