Chapter 33

726 18 2
                                    

Nag patuloy ang pang liligaw ni David sa akin.

Isang linggo na din mula noong pag amin nya sakin sa timezone ay kinikilig parin ako kapag naalala ko ito.

Sa loob ng isang linggong pang liligaw sa akin ni David ay walang palya ang pag sundo at pag hatid nya sa akin araw araw.

Kapag weekends naman ay lagi din kaming magkausap dalawa.

Hindi namin sinabi kila Sam at Miz ang ganap naming dalawa pero alam kong alam na nila yon dahil nahahalata nila yon.

Nakaupo lang kami ni David dito sa may canteen.

Araw araw kaming sabay kumakain dalawa, ayaw na ngang sumabay sa amin ni Sam dahil nagiging third wheel lang daw sya kaya sila ni Miz ang magkasabay.

Ayos naman ang naging takbo ng relasyon naming dalawa.

Hinayaan lang ni Kuya ang panliligaw ni David dahil wala naman daw syang magagawa kung iyon talaga ang nararamdaman nya para sa akin.

Kung tatanungin nyo ako kung sasagutin ko ba sya.

Oo, may balak naman ako pero hindi ngayon.

Nasabi ko naman na sa kanya yon na hindi pa ako handa ngayon.

Ayos lang naman ito sa kanya ay nangakong mananatili sya sa tabi ko hanggang dumating ang araw na maging handa na ako.

*******

Dalawang araw na nga lang pala ay birthday ko na.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement dahil don.

Pumapasok palang sa akin ang idea na makakasama ko si David i celebrate yon ay masaya na ako.

Actually! Hindi talaga ako nag cecelebrate ng birthday.

I used to believe that birthday aren't special.

Yon lang ang araw na pinanganak ka at iyon lang ang palatandaan na nadadagdagan na ang iyong katandaan.

Pero iba ngayon

Gusto ko syang i-celebrate

Gusto kong maging masaya sa araw na iyon

"Anong balak mo sa birthday mo?" Tanong nya sa akin habang naka sandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Hmmmm....di ko pa alam eh" pag amin ko

Gusto ko nga syang i celebrate pero hindi ko alam kung paano.

"Gusto mo i celebrate sa bahay?" Tanong nya

"Huh? Seryoso ka ba?" Tanong ko pabalik saka itinayo ang ulo ko para maharap sya ng maayos.

"Muka ba akong nag bibiro.....syempre oo, saka na mimiss ka na ni Mama" pag sabi nya

Na miss ko na din si Tita,matagal tagal na din akong hindi nakakapunta sa kanila.

Huling punta ko ay noong pinakilala ako ni David bilang nililigawan nya.

Syempre masayang masaya si Tita dahil sa wakas daw ay tumama ang kutob nya na magiging kami din sa huli.

"Isama mo Kuya mo para masaya" dagdag nya

"Pwede ba?"

"Oo naman" sabi nito saka hinawakan ang mga kamay ko

"Invite na din natin sila Miz at Sam"

Lalo tuloy akong na excite sa darating na birthday ko dahil don.

Sa wakas, mararanasan ko ulit mag celebrate ng birthday na may ibang kasama.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now