Chapter 30

736 18 0
                                    

*

Maaga akong gumising dahil maaga daw kaming pupunta sa mall.

Naligo lang ako at nag bihis ng isang croptop at pants.

Croptop na naka tago ang pusod ko.

Masyado kasing malaki ang nabili ko online kaya nag muka na syang damit.

Pero okay lang naman para hindi masyado reveal yung tyan ko.

Bumaba lang ako pag katapos ko mag bihis.

Wala na si Kuya doon kaya nag text lang ako sa kanya na aalis kami ni Sam at David.

Nadoon na si David sa sala.

"Ganda mo" bati nito sa akin

Wieeeehhhh!

"Sus, ang simple nga lang ng suot ko eh"

Syempre nag mamaganda lang ako.

"Tara na" aya nya

Lumabas na kami at nag lakad muna papunta sa may sakayan ng jeep, nag text sa akin si Sam na sa mall nalang nya kami hihintayin.

Kasama din nya si Miz dahil inaya din ito ni David.

#*#**#*#*#*#**#

Nang makarating kami may mall ay agad kong tinawagan si Sam para malaman kung nasaan na sila.

"Hey! Andito na kami" sabi ko sa kabilang linya

"Oh wait nasa cr lang kami" sagot naman nya

"Okay, kami na nag pupunta sa inyo dyan" sabi ko para mas madali kaming magkita.

"Tara nasa cr daw sila" sabi ko kay David ay inaya sya papunta doon.

Nang marating namin ang women's restroom ay saktong paglabas nila Sam at Miz.

"Hey!" Bati ko sa kanila

"Hi" bati naman ni Sam saka ako niyakap ng mahigpit.

Ngumiti lang naman sa akin si Miz dahil ganon naman talaga sya, hindi sya pala salita masyado.

"So ano saan tayo?" Tanong ni Sam habang naka palupot ang kamay sa braso ko.

Ang weird ng babaeng to. Hindi naman sya clingy dati ah.

"Why?" Tanong nya ng mapansing naka tingin ako sa kanya.

"Nothing" sagot ko

"Let's eat first" biglang sabi ni Miz "Kanina pa ako gutom, ang tagal nyo dumating" reklamo nya

"Huy, nag sasalita ka pala" malokong sabi ni David saka tinapik sa ulo si Miz

Hinawi lang ni Miz ang kamay ni David saka inirapan ito.

"Hindi ako pipe" sagot naman ni Miz

"May sinabi ba akong pipe ka....hindi ka kasi nag sasalita" dagdag naman ni David

"Hindi ba pwedeng ayaw lang kitang kausap" pambabara nya

Natawa nalang kami ni Sam dahil sa pag uusap ng dalawa.

Minsan na lang talaga sila mag karoon ng conversation ay puro pilosopo pa ang mga sagot nila.

Nag hanap kami ng makakainan dahil nakaramdam na ako ng gutom.

"Tabi nga" hawi ni David sa kamay ni Sam na naka hawak padin sa braso ko.

Binatukan lang ni Sam si David  bago kumapit sa braso ni Miz, ang clingy nya ngayon.

Hindi naman sa hindi ko gusto yon pero naninibago lang ako sa kanya.

Nang may mahanap kaming kainan ay agad kaming pumasok at nag hanap ng magandang pwesto.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now