Chapter 26

734 20 2
                                    


6pm na nang gabi kaya nag desisyon na akong magpaalam para umuwi.

"David, i think i need to go" sabi ko sa katabi ko, nakaupo kami ngayon sa labas ng bahay nila at pinapanood ang mga bisita na kumanta sa videoke.

"Uwi ka na?" Tanong pa nya

"Oo, baka mas lalo akong gabihin"

"Tara" sabi nya saka tumayo at nakatingin sa akin habang hinihintay na tumayo ako

"What? Anong tara?" Sabi ko sa kanya

Umirap lang sya sa akin saka nag kibit balikat.

"Ihahatid kita, nakausap ko kuya mo kanina. Hindi ka daw nya papayagan kapag hindi kita inihatid pauwi" dagdag nya, ah akala ko nag bibiro lang si kuya kanina.

"Paalam muna tayo kay Mama" aya nya saka ako tumayo at nagpunta sa loob, naabutan ko si Tita na may ka chikahan sa sala.

"Ma, ihahatid ko na si Jane" paaalam nya sa ina

"O sya sige at baka nga gabihin pa kayo"

"Iha, salamat sa pagpunta" sabi sakin ni Tita

"Wala po yon, papalagpasin ko ba naman ang birthday nyo" kinindatan ko pa sya

"Naku ikaw talaga" natatawang sabi nya "Balik ka sa susunod ah"

"Opo Tita, Happy Birthday po ulit" huling sinabi ko bago kami lumabas ng bahay ni David

Nag lakad lang kami ulit papunta sa may labasan para mag jeep.

Habang nag hihintay na may huminto ay naupo muna kami sa isang waiting shed.

"Pwede ka ba sa Saturday?" Pag basag nya sa katahikikan.

"Bakit?" Tanong ko

"Ahh wala lang. Baka gusto mo lang gumala" mahinang sabi nito.

Napangiti naman ako dahil doon, Inaaya nya ba ako mag date.

"Inaaya mo ba ako sa date?" Hindi ko na napigilan na tanungin sa kanya pero natawa lang sya kaya bigla akong nahiya.

"Hindi noh! Bakit umaasa ka ba?"

"Hindi ah, naiisip ko lang. Kalimutan mo na" sabi ko saka bumaling sa mga sasakyang nag dadaan.

"Inaya ko si Sam" dagdag pa nya

Sakit! Ayan assuming ka kasi Jane eh. Bakit ka naman nya aayain sa isang date. Sino ka ba?

____________________________________________________________________

Hindi na ako nag salita pa dahil baka kung ano na naman ang masabi ko at pagsisihan ko lang.

Maya maya lang ay may dumating ng jeep kaya agad kaming sumakay, habang nasa byahe ay wala sa amin ang nag sasalita. Hindi na din ako sumubok dahil inaantok na din ako.

"Tahimik mo?" Tanong nya

"Wala" simpleng sagot ko

"Weh! Disappointed ka ata nung nalaman mong hindi kita inaaya sa date" sabi nya tapos ay nag abot ng bayad sa driver, nasa gawing harap kasi kami kaya sya na ang nag abot.

Lalo akong na hurt dahil binring up pa nya ulit yon.

"Hindi ah, inaantok lang ako" pag tanggi ko

"Sus! Sige ganito nalang. Sabihin mo kung gusto mong ayain kita sa date, para mapag planuhan ko na" nakangiti sya ngayon sa akin na parang wala lang sa kanya yon.

Pinaglalaruan ba nya ako? Bakit alam na alam nya kung paano ako kunin?

Talagang literal na pa fall.

"Ayoko ng date" simpleng sagot ko

Nang makarating kami sa babaan ay, nag lakad lakad lang kami ng kaunti para makarating sa bahay.

Pinapasok ko muna sya sa loob. Nandoon na panigurado si Kuya dahil sabi nito kanina ay sasaglit lang sya sa trabaho.

"Kuya" tawag ko sa kanya mula sa kusina

Tumingin sya sa akin at saka tumingin kay David.

"Hello, Kuya" malokong bati ng kasama ko

"Mabuti naman at inihatid mo pa ang kapatid ko akala ko ay itinanan mo na" hindi sya nakatingin sa amin ng sinabi nya iyon.

"Haluh! Anukaba Kuya, hindi ko gagawin yon" tatawa tawang sabi nya

"Hindi pa" dagdag nito

Ayan na naman sya sa mga banat nya na akala mo naman ay may kahulugan. Hindi na ako nag react don dahil ninonormalize ko na kay David ang ganoong ugali.

Pagka uwi ni David ay agad akong nag punta sa kusina para samahan si Kuya. Kumuha lang ako ng baso saka nag salin ng juice, kumakain na naman si kuya ng 'pancake'

"Jane" tawag nya sakin

"Hmmmm, bakit?" Bago uminom ng juice ko

"Kamusta kayo ni David" seryosong tanong nya

"Paanong kamusta kuya?" Naguguluhan ako sa tanong nya.

"Wag kang mag maangmaangan Jane, kilala kita" seryoso parin ang mukha nya

"Ayos naman Kuya, bakit mo naitanong"

"Halata sa kinikilos mo na unti unti na talaga kayong nagiging close sa isat isa" sabi nya saka tumingin ng diretso sa akin.

"Oo din, medyo close na nga kami"

Oo nga noh! Parang kahapon lang eh binigay nya pa sa akin ang upuan nya tapos ngayon ay kilala na ako ng Mama nya.

"Mag iingat ka" malumanay ang pagkakasabi nya non

"Mag ingat saan kuya, kay David? Don't worry harmless naman yon, mukha lang talaga lokoloko" pag bibiro ko.

"Hindi kay David, mag ingat ka dyan" sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib ko na tumutukoy sa puso ko.

"Mag ingat ka sa nararamdaman mo" dagdag nya

"Wag kang mahuhulog sa kanya" Hindi ko sya maintindihan bakit nya sinasabi sa akin ito.

"Kuya hindi ko maintindihan" nakatitig lang ako sa kanya dahil wala talaga ako maintindihan sa sinasabi nya.

Bakit ko iingatan ang nararamdaman ko para kay David?

"Basta,hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. Hindi mo sya pwedeng mahalin ng buo"

"Ingatan mo ang puso mo dahil hindi kayo pwede" dagdag nya

"Masasaktan ka lang dahil kahit kailan ay hindi ka nya kayang saluhin" huling sinabi ni Kuya saka tumayo at umakyat sa taas.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now