Chapter 35

670 16 3
                                    

"Tulonggggggg" sigaw ako ng sigaw dito sa loob ng kwarto

Sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw.

"Walang makakarinig sayo" napabaling ako sa may pinto ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Trixie" tanging nasabi ko ng makita ang babaeng nasa harap ng kwarto.

"Kahit sumigaw ka ng sumigaw dyan walang makakarinig sayo"

"Ikaw....ikaw may pakana nito" sabi ko

"Hindi.....pero yung ate ko...oo" sabi nito

"Ate?" Tanong ko "Sinong ate?"

"Ako bakit" napabaling ang tingin ko ng biglang pumasok si Miz

Si Miz.

Magkapatid silang dalawa

Pero paano?

"Gulat ka" sabi nito

Iba sya.

Iba ang Miz na kaharap ko, hindi sya ang mahinhin at mahiyaing Miz na kilala ko.

Para syang ibang tao.

"Hindi ka makapaniwala noh....yan kasi ang hirap sa iyo Jane, masyado kang nag titiwala" umupo sya sa harap ko

"Bakit mo to ginagawa?" Galit na tanong ko

'Easy, wag kang magalit" tatawa tawa pa sya

"Simple lang naman, malaki ang kasalanan mo sa kapatid ko" tukoy nya kay Trixie

"Yung title na dapat sa kanya ay inagaw mo" galit na sabi nya

"Even David, inagaw mo sya sakin" sinampal nya ako

Ang bigat ng ng kamay nya, ang hapdi ng pisngi ko

Humanda talaga sila sa akin pag naka laya ako dito.

"Kaya inahas mo sya sakin"

"Oooops! Hindi ko sya inagaw sayo. Binawi ko lang ang dapat sa kapatid ko" hinawakan nya ang buhok ko ay hinila yon.

Napapa ngiwi nalang ako dahil sa sakit ng hawak nya sakin.

"Well, siguro ay hinahanap ka na ni David at ng beloved bestfriend mo....dahil alam na nila"

"Mabuti nga kung mahanap ka nila para makaganti ako kay Sam" saka nya hinawakan ang pisngi nya "Ang sakit nyang manampal" dagdag nito

"Bakit?" Tanging nasabi ko

"Okay sige! Gusto mo ng story telling....pwes i kukwento ko sayo" naupo ulit sya sa harap ko

"Unang araw palang ay gusto ko na si David"

"Pero lagi kong nakikitang mag kausap kayo, lagi kayong magkasama. Kaya sobrang galit ako sayo, lahat pa ng tao ay gusto ka"

"Pati si Sam ay tinutukso kayong dalawa kaya tinuruan ko din sya ng leksyon.....Kaiser, that guy is her boyfriend. I flirt with him, and guess what nag pa landi naman sya"

Gulat ang reaksyon ko dahil sa inamin nya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nag hiwalay sila" sabi ko

"Oo, ako nga"

"Napakasama mo" sigaw ko sa kanya

"Pero alam mo ang mas exiting, nalaman ko na family pala namin ang nag sponsor sa negosyo ng mama ng boyfreind mo" natutuwang sabi nya

"Kaya naisip ko na i black mail sya, na sisingilin namin ang Mama nya kapag hindi nya sinunod ang gusto ko"

"Limang milyon...."

"Kaya lang ay hindi din nya natagalan eh, kaya nag away kami non nung nakita mo kami sa music room...gulat ka! Nakita kita don"

"Pero hindi ko sya sinukuan, dahil mahal na mahal ko sya. At dapat ay sakin lang sya, kaya sinabi ko kay Daddy na bawiin ang sponsorship nila sa Mama ni David kaya wala na syang choice kundi sumunod sa akin"

"Pero hindi din nagtagal"

"Mahal na mahal ka daw eh, kaya gagawan nya daw ng paraan para mabayaran kami"

Nakikinig lang ako sa kanya.

"Sayang! Sasabihan ko na sana sya na tigilan ang panliligaw nya sayo pero wala eh.....nag mamasid masid na pala ang gagang Sam"

Tumayo sya saka pumunta sa may drawer sa tabi ng upuan ko.

Nag labas sya ng...

Ng baril.

Lumapit sya sa akin saka pinaikot ikot sa mukha ko ang baril.

Takot na takot ako dahil baka mai putok nya yon.

"Miz, pag usapan natin to" sabi ko

"Huh! Wala na, kung hindi lang mapapasakin si David. Pwes! Hindi ka nya aabutan pa ng buhay" sabi nya

"Pakiusap Miz, hayaan mo na kami" umiiyak na pakiusap ko.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now