Chapter 13

870 22 0
                                    

Pag katapos naming kumain ay may lumapit sa akin na isang babae na nasa 40 na sa aking estima.

"Tapos na ba kayo?" Tanong nito,  nakangiti sya sa aming dalawa ni David.

"Opo,ma" sagot nya. Nagulat ako dahil ito pala ang mama nya kaya agad akong tumayo para mag pormal na nag pakilala sa mama nya.

"Kayo po pala ang mama ni david" masayang bati ko. "Ako po si Jane, classmate po ng anak nyo" pag papakilala ko. Ngumiti sya sakin at tinangap ang kamay ko.

"Ahhh classmate lang pala akala ko girlfriend ka ng anak ko eh" mabirong saad nito na naka pag pa pula sa pisngi ko,akward akong napangiti. Mukang may pinag manahan nga si david dahil mahilig ding mang asar ang mama nya.

"Ahh, hindi po" nahihiyang sagot ko

"Nako! Doon din papunta yon" Sabay tawa ng mama nya.

"Ma!" Tawag ni david sa ina habang pinandidilatan ng mata.

"Bakit?" Patay malisyang sagot ng mama nya.

"Alam mo ba iha, ikaw lang ang nag iisang babae na dinala nyan dito" Ah so totoo nga ang sinasabi nya kanina, nakaka kilig naman kung ganon.

"Ma!" Pangalawang tawag ni david sa ina.

"Bakit? Totoo naman ah, akala ko nga ay wala kang kaibigan dahil wala ka man lang pinapakilala sa akin" Pagngatwiran ng kanyang ina.

"Classmate ka lang ba talaga nitong anak ko?" Tanong ulit nya

"Opo" nahihiyang sagot ko dahil mukhang ayaw lang nyang maging kaibigan ako ng anak nya. Tita, wait ka lang dadating din tayo dyan CHAR.

"Ah sige, maiwan ko na kayo at may aasikasuhin pa ako sa kusina. Sa susunod na mag punta ka dito iha dapat hindi ka na lang kaibigan ng anak ko ah" tinapik pa ako sa balikat ng mama nya habang naka ngisi, napapakamot nalang ng ulo si david dahil sa hiya at inis.

"Pasensya na kay mama" nahihiyang tugon nito

"Anukaba, ang sarap ngang kausap ng mama mo" pag aalo ko sa kanya

"Saka alam ko na kung saan ka nag mana ng pagiging ma daldal"

"Wag mo nalang isipin yung mga sinabi ni mama, maloko talaga yon" Dagdag pa nya

"Bakit naman?" Tanong ko

"Saka wag mong masyadong ma pressure sa sinabi ni mama, pwede naman natin wag madaliin" malokong saad nito.

"Loko" tanging nasabi ko.


Pagkabalik namin sa school ay nag patuloy lang ang practice, medyo na late na nga kami ng kaunti dahil nag lakad nalang kami pauwe. Kailangan ko na nga namang mag suot ng heels dahil rarampa na naman kami pero 1 hour lang naman dahil may mga meeting daw ang mga teacher para sa darating na intrams, kaya isang oras lang ang practice ngayon.

Nang matapos ay agad kaming pumunta sa room para doon na lang mag pahinga tutal ay wala naman kaming klase, katulad kanina ay si david ang may bitbit ng heels ko kaya pag pasok namin ay may malolokong tingin ang mga kaklase namin. Napansin kong wala si Sam doon kaya tinanong ko si Miz, ang pinaka matalino sa amin lahat. Walang maka talo sa utak nya,minsan nga ay hindi namin alam kung nahihirapan ba sya dahil kung titingnan ay parang maning mani lang sa kanya ang STEM, mabait din ito kaya lang ay medyo tahimik sya ung mga tipikal na smart student pero may angking ganda din talaga sya dahil para syang may lahing amerikano sa mga features ng mukha nya.

"Ahh Miz. Nasan si Sam? Bakit wala sya dito?" Pang aagaw ko ng atensyon nya. Agad naman nyang binaling sa akin ang atensyon nya.

"Ahhh, nasa arts club. Pinapatawag ang mga member ng arts club,dahil ata sa intrams" sagot nito.

Sumali pala ng arts club ang gaga, pero may talent nga naman sya sa arts dahil magaling talaga sya mag pinta at ang creative ng utak nya.

"Ahhh sige, salamat" pag papasalamat ko sa kanya

"Ahh, nga pala may lecture ka ba ng mga lesson kanina, hindi ko kasi naka attent sa klase" tanong ko, dahil wala nga dito si sam kaya sa kanya ako nag tanong ng lecture para masundan ko ang klase. Agad naman  nya itong kinuha sa bag at nag labas sya ng tatlong notebook.

"Here" sabay abot sa akin ng notebook at agad ko itong kinuha.

"Pst, gusto mo ng notes" tanong ko kay david na busy sa phone.

"Send mo nalang sakin mamaya" sagot naman nito

"Sige" agad kong binuklat ang mga page para makita ang mga lecture nya, pinicturan ko agad ito isa isa saka binalik ang notebook kay Miz.

"Thank You"










Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now