Chapter 8

1K 19 0
                                    

Naging maayos naman ang takbo ng unang buwan ko dito. Hindi na ako nahihiya dahil kilala ko naman na silang lahat dito nakakausap ko naman silang lahat. Mababait at mga approachable nilang lahat. Mas lalo din kaming naging close ni Sam at David, lumalabas din kami pa minsan minsan. Super bait nila sa akin lalo na si David, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pag kagusto ko sa kanya. Hindi ko ito pinapahalata dahil ayokong ma akward sya sa akin.

Pumasok na si Ms. Santos sa classroom kaya umayos na kami ng upo,may i aannounce daw muna si Maam kaya hindi agad sya nag simula ng klase.

"Okay class,listen. Alam nyo naman na malapit na ang intramurals na gaganapin in next two weeks. Kung may mga gusto kayong salihang sports ay pwede na kayong mag pa lista at mag tryouts, i check nyo lang sa bulletin board ang mga information." Announcement ni maam, rinig ko ang excitement ng mga kaklase ko dahil isa din talaga sa hinihintay namin ay ang intrams. Kaya lang ang iniisip ko kung saan ako sasali, wala akong hilig sa sports  kaya ko lang naman ito gusto dahil walang klase sa buong week ng intrams.

"At isa pa, kailangan natin ng mag rerepresnta ng section nyo sa gaganaping Mr and Ms. Intramurals 2023-2024." Nag palakpakan ang mga kaklase ko dahil sa sobrang excitement.  Maraming magaganda sa section namin kaya maraming pwedeng mag qualified as representative at isa na ako don CHAR. Marami ding may mga itsura na boys dito kaya for sure hindi naman mahihirapan pumili.

"Sa tingin nyo sino ang pwedeng ipang laban ng section nyo?" Tanong ni maam. I never joined any pageant before, wala akong experience sa ganon.

"Maam si David po" sigaw ng isa naming kaklase. Tama pwede nga sya, napaka gwapo naman kasi ayos lang din naman ang height nya kaya qualified sya.

"Wala na ba iba kayong gusto para maka pag botohan" Tanong ni Maam, walang sumagot kaya matik na si david na nga ang ilalaban ng section namin.

"Sa girls naman tayo, nako mukhang mahirap mamili dahil lahat ay magaganda" pag bibiro ni maam, totoo naman talaga hindi maipagkakaila na lahat ng may magandang mukha ay nasa section namin. Kaya halos lahat kami ay may bulaklak at chocolates noong valentines. Hindi ko nga din akalain na may mag bibigay sa akin eh, ang akala ko ay walang nakakakilala sa akin dito.

"Ma'am si Jane po kaya" sabi ni david, nagulat naman ako dahil hindi naman ako para sa mga ganyan ganyan, wala akong alam sa ganoong bagay. Well balita ko ay may q&a portion, okay naman ako sa ganon dahil kaya ko naman sumagot ng on the spot kaya lang ay hindi ako marunong mag lakad or kung ano man ang ginagawa ng mga sumasali ng pageant.

Kaya lang ay naiisip ko na kung ako ang ilalaban ay magiging escort ko si david, napapangiti na agad ako sa isip ko dahil sa ideyang iyon. Malay naman natin doon na mag start ang love story namin. Naputol ang pag papantasya ko ng mag salita si Ma'am.

"Oo nga anak, Jane pwede kang sumali. Maganda ka at matalino, matangkad din" pag kukumbinsi ni Ma'am sa akin. Sumasang ayon naman ang mga kaklase ko,pati si david ay nakatingin sa akin at tila hinihintay ang isasagot ko.

"Eh ma'am ayoko po, wala naman po ako alam sa mga ganyan, saka nakakahiya po" pag tanggi ko,pero syempre eme eme ko lang yon. Baka isipin ng mokong na nasa harap ko eh porket sya ang magiging ka partner ko kaya pumayag ako ng ganon ganon.

"Sige na, Jane. Bagay naman nga kayo ni David eh" sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki dahilan kung bakit nag sisigawan ang mga kaklase ko.

"Class quiet, wag nyo asarin si Jane baka ma fall yan sige kayo" Pang aasar naman ni ma'am. Hala maam di mo lang alam na fall na po matagal na.

"So ano Jane, gusto mo ba?" Pag uulit ni ma'am. Hayst sige na nga payag na ako, mag papa bebe pa ba. Sasagot na sana ako ng biglang sumabat yung isa naming kaklaseng babae.

"Ma'am kung ayaw po ni Jane, bat di nalang po si Sam. Maganda den naman po sya" sigaw nya. Aba aba, eto na nga eh papayag nga yung tao eh.

"Ayoko nga" walang isip isip na sabi ng katabi ko.
"May jowa ako noh"dagdag pa nya.

"Eh,sa intrams lang naman" depensa ng kaklase kong babae.

"Ayoko nga, saka dito ako papartner sa mokong na toh. No thanks nalang" walang prenong sagot nya.

"Si jane na, papayag yan, diba jane?" Pinandilatan nya ako ng mata. "Pumayag ka na, loyal ako sa bebe ko. Sya lang ang escort ng puso ko" malanding sabi nya, napangiwi nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Sige" simpleng sagot ko, pero deep inside kumakabog sng puso ko sa excite.

Si David magiging escort ko, para akong mababaliw sa kilig pero di ko maipakita dahil maraming tao. Mamaya nalang sa bahay.

"Okay so final na, i papasa ko na ang mga names nyo sa admin. Bukas nalang tayo mag klase dahil wala ng time, David ang Jane anytime this week baka ipatawag kayo for orientation" Pag papalaala nya sa amin. Pag ka alis ni ma'am ay balik na sa mga kanya kanyang mundo ang mga kaklase ko. Humarap sa akin si david na may mapag larong ngiti, gagi Jane, wag kang mag papahalata na may epekto sayo yang mga ngiti na yan hindi yan ang kahinaan mo.

"Ang swerte mo naman" biglaang sabi nya.

"Huh, swerte saan?"

"Dahil ako ang partner mo" naka ngiting sabi nya.

"Ah talaga, ikaw ang maswerte dahil pumayag ako ma maging partner ka." Balik ko sa kanya.

"Sino ba naman ang tatanggi sa akin." Kumindat pa sya. Hmmmm, simple action lang yon pero kinikilig na agad ako.

"Ewan sayo" pag tatapos ko sa usapan. Nakangiti nalang ako buong araw dahil sa sobrang kilig at saya.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Where stories live. Discover now