Chapter 9

1K 19 0
                                    


Nanood lang ako ng mga videos sa internet tungkol sa mga pag hahanda sa pageant na ganon. Wala kasi talaga akong idea sa mga ganong bagay. Nag sabi din sa akin si Sam na sya na ang bahala sa makeup ko dahil magaling naman syang mag make up.

Hindi ko pa nasasabi kay kuya ang tungkol dito dahil nahihiya ako, panigurado ay aasarin nya ako dahil dito. Ilang oras din ako nanonood ng nga videos sa internet ng maka ramdam ako ng gutom kaya nalag desisyonan ko na bumaba na para mag luto ng pag kain dahil baka maya maya ay dumating na si kuya. Tumingin ako sa ref ng pwedeng iluto at nakakita ako ng baboy, kaya naisipan kong mag luto ng sinigang.

Nagsimula na ako mag hiwa ng mga ingredients, habang nag luluto ako ay bumukas ang pinto at pumasok na si kuya. Halatang pagod na pagod si kuya dahil sa bigat ng trabaho, naaawa ako sa kanya alam kong nahihirapan din sya sa mga nangyayari hindi sya nag sasabi sa akin dahil ayaw nya na nag aalala ako sa kanya.

"Kuya" tawag ko sa atensyon nya. Ngumiti sya at agad akong dinaluhan sa kusina.

"Hi baby, cooking?"  Pag tutuloy nya sa ginagawa ko.

"Obviously!!" Maloko kong sagot na agad ay kinairap nya sa ere.

"How's your day, kuya?" Tanong ko agad sa kanya.

"Good, how about you? Musta ang school?" Balik nya agad sa akin.

"I joined a pageant " pag amin ko sa kanya. Nabaling ang buong atensyon nya sa akin dahil sa sinabi ko.

"A what?" Natatawang tanong pa nya. Sabi na eh matatawa lang sya.

"Oo, sa intrams sa school. Eh ako yung pinili nila na maging muse eh" Pag kukuwento ko pa.

"You're beautiful naman and also smart, so why not?" Pag aamo nya dahil nakita nyang naka simangot ako.
"Bakit naka simangot ka pa?" dagdag nya.

"Kasi ikaw kuya eh, sabi na eh pag tatawanan mo lang ako" Parang batang nag ta tantrums. Natawa nalang sya at nilapitan ako, ginulo nya pa ang buhok ko.

"Come on baby girl, im just happy. You're not a baby anymore" pang aamo nya sa akin.

"Im always support you no matter what, para saan pa at mag ka patid tayo diba at tayo nalang dalawa ang mag kasama"

"Kaya go lang" dagdag nya.

"Sabihin mo lang sa akin kung ano ano yung mga kailangan mo para mabili natin". Tinapos ko lang anv niluluto ko para maka kain na kami.

Inihanda ko sa lamesa ang kanin at ulam na niluto ko, umupo na din si kuya sa harap ko para sabayan ako kumain.

"Kailan yung contest?" Tanong nya habang sumusubo ng kanin.

"Two weeks from now" sagot ko

"Pano yung preperation?May mag mamake up na sayo? Paano ba yung flow ng contest?"sunod sunod na tanong nya.

"Para kang si david" pa bulong kong sabi.

"David who?" Gulat akong napatingin sa kanya, gosh narinig nya yon. Akala ko mahina ang pag kakasabi ko, namula agad ako ng maalala ang lalaking yon.

"Uhhh may sinabi ba akong david" pag ma maang maangan ko pero mukhang hindi sya naniniwala.

"Who's that?" Seryosong tanong nya. "And don't lie"

"Classmate" simpleng sagot ko.

"Then, why you're blushing?" Huh, ako nag bablush,hindi kaya. Ano lang mainit, naiinitan lang ako.

"Mainit eh" nakayuko ako ngayon para di nya makita ang reaksyon ko.

"Naka aircon tayo, panong mainit saka umuulan sa labas" Nako! Patay na talaga.

"You're crush" lalo akong namula sa sinabi ni kuya.

"Hindi ah, di ko crush yon noh, ang daldal kaya non" pag dedepensa ko. Pinantaasan nya lang ako ng kilay.

"Pero hinahatid ka sa bahay, ng disoras ng gabi" Seryoso lang ang tingin nya sa akin. Gagi nakakatakot talaga sya pag ganyan na ang reaksyon nya.

"Ha! Wala naman nag hahatid sa akin dito" pag sisinungaling ko. "Saka sino naman mag hahatid sakin?"pag mamaang maangan ko pa.

"Nakita ko kayo, pinuntahan kita sa kwarto mo pero wala ka. Nakita kong naka bukas ang cabinet ng mga stocks sa kusina kaya inisip ko na lumabas ka para bumili" seryoso ang pag kakasabi nya

"Nakita kita hinatid ka nya sa labas, yon yung david diba?" Alam kong wala akong magagawa at hindi na ako makaka pag sinungaling sa kanya, kaya tumango nalang ako.

"May pa tap tap pa sa buhok mo, tas kumakaway kaway pa" dagdag pa nya

"See! Mag sisinungaling ka pa sakin" I know he's upset, kaya hindi na lang ako nag salita baka may masabi pa ako na lalo nyang ika galit.

Tumayo sya at nag punas ng bibig, nilagay na din nya ang pinag kainan nya sa lababo.

"Im done, aakyat na ako at mag papahinga" sabi nya habang hindi nakatingin sa akin. Anong gagawin ko, galit sya sa akin,kasalanan ko din naman dapat sinabi ko nalang agad.

Habang nag huhugas ako ng pinagkainan namin ay hindi ako mapakali, alam kong dapat ako ang unang mag approach kay kuya dahil ako ang may kasalanan. Pinaka ayaw pa naman ni kuya ay ang mga taong sinungaling, minadali ko na ang pag lilinis ng plato dahil baka hindi ko na maabutan si kuya na gising. Hindi ako makakatulog hanggat alam kong hindi kami nag kaka ayos ni kuya, lagi kasing sinasabi sa amin ni mommy na kapag nag kaka away o may tampo wag namin hahayaang matulog kami ng hindi nag kaka ayos.

Umakyat agad ako pag katapos ko, dumaretso na ako sa kwarto nya. Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok naabutan ko syang tulog na, mukhang galit nga talaga sya sa akin dahil kapag nag aaway kami ay kahit inaantok at pagod na sya ay hindi sya natutulog hanggang hindi kami nag kaka ayos. Tumuloy akong pumasok at humalik sa ulo ni kuya bago lumabas, nag linis na ako ng katawan at nag toothbrush bago matulog.

Nahirapan akong makatulog dahil na gu-guilty dahil sa nangyari.

Happy Crush Lang Ba Talaga? (Under Revision)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora