4

34 7 12
                                    

MARAHIL iisipin ng iba na “imposible” pero totoong hindi niya ginusto ang lahat sa kanila ni Giovanni. Oo, noong una at maski hanggang sa kasalukuyan, hindi niya ginusto pero iyon ang sitwasyong kinasadlakan niya ngayon dahil itinibok ng puso niya.

“Sa ganda mong ‘yan, Ma’am Wretch, wala ka pang naging boyfriend?”

Nagsimula ang lahat sa kanila sa mga simpleng pag-uusap. Katulad niya ay isa rin itong sales consultant sa hardware store kung saan siya nagta-trabaho. Newly hired siya, habang ito ay tatlong taon na roon.

“Ang sabi ko, sir, wala akong boyfriend. Hindi ko ho sinabing wala pa akong nagiging boyfriend,” natatawang aniya.

Naroon sila sa second floor. Naroon ang malaking stock room, office ng mga officers, at ang maliit pantry kung nasaan sila ng binata. Ito at ang isa pa nilang kasamahan na si JV ang kasabay niyang mag lunch dahil ang mga ito ang ka-shift niya. Nauna nga lang bumaba ang huli dahil dumating ang regular customer doon na ito ang palaging nag-a-assist.

“Maka-ho ka naman. Ilang taon ka na ba?” natatawa rin nitong ani.

“Trenta na ako, sir.”

Gamit ang kutsara niya ay kumuha siya ng baon nitong laing. Inilagay nito sa gitna ng lamesa ang tupperwear na pinaglalagyan niyon, kumuha raw siya. Luto daw nito iyon. Titikman niya lang sana kanina dahil inalok nito pero napaulit siya dahil totoong masarap iyon. Sakto ang lasa, halatang hindi tinipid sa ingredients. Totoo nga ang papuring rito ni JV na sinabi nito sa kanya, masarap nga itong magluto.

“Kasing edad mo pala si JV, eh.”

“Ikaw ba, sir?” Hindi niya alam kung bakit ba iyon ang napag-uusapan nila sa dami ng dapat pag-usapan.

“Nako ma-edad na ako. Matanda ako sa inyo ng walong taon.” Nahahaluan ng tawa na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Naitakip niya ang kamay sa bibig dahil may laman iyon, bago nagsalita, “Talaga, sir? Hindi halata.” Baby face pala ito kung ganoon. Hindi naman nalalayo ang edad nito sa kanila pero hindi niya akalain na malapit na itong magkwarenta. Hindi naman kasi halata rito. Unang hula niya kasi talaga ay kasing edad niya lang ito.

“Gusto ko ‘yang mga ganyan comment.”

Pareho sila nitong natawa sa tinuran nito.

All smiles, ganoon niya ito mailalarawan. Para bang wala man lang itong problema sa buhay. Ganoon ang awrang ibinibigay nito. At sa kilos at pananalita nito, pansin na niya ang pagiging mapagbiro at pagiging friendly nito sa lahat kaya naman hindi siya nakararamdam ng pagkailang dito.

Naging malapit sila isa’t isa, naging magkaibigan. Para sa kanya ay natural lang iyon dahil magkatrabaho sila. Maski umakbay ito sa kanya, masahihin nito ang ulo at mga balikat niya, walang malisya sa kanya ang mga ganoon. Hindi lang din naman kasi sa kanya ito ganoon kung makitungo kaya walang mag-iisip ng masama, at hindi siya nag-iisip ng masama rito. Sadya lang itong ganoon. Malambing ito sa lahat at para na rin nila itong nakatatandang kapatid. Ito ‘yong tao na maaari mong malapitan para hingan ng advice, hindi lang tungkol sa trabaho kung ‘di maging sa buhay. 

Ngunit nagsimulang maging kumplikado ang lahat sa pagitan nilang dalawa nang magsimula itong kumilos ng hindi na naaayon sa isang magkaibigan. At nang mawalan na siya ng kontrol sa sariling nararamdaman.

“Nakokonsensiya rin ako na makipagrelasyon sa same gender, ‘no. Kasi alam ko naman na bawal, masama, at kasalanan sa paningin ng iba at lalong lalo na ni Papa God. Pero ano’ng magagawa ko? Kapag napamahal ka na kasi sa tao, magiging komportable ka na, at kapag naiparamdam sa ‘yo ‘yong pagmamahal na pangarap mo lang na maramdaman, wala na. Talo ka na. Kaya kahit noong una ayaw ko talaga mag boylet dahil sa takot, pero nawawala ang takot na ‘yon dahil sa pagmamahal ko at sa ipinararamdam niyang pagmamahal.”

How Far Would You Go For Love?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang