18

9 6 11
                                    

NAGPATULOY ang relasyon nila ni Giovanni. Unti-unti na rin na nasasanay si JV na nakikita silang magkasama. Minsan ay naroon sa apartment niya ang mga ito, kasama nila si Ethan. Madalas na dumayo ang mga ito ng pag-iinom doon. Malapit na nga niyang isipin na ginagawang hide out ng dalawang iyon ang apartment niya. Okay lang din naman sa kanya. Wala namang kaso iyon sa kanya.

Pero sa pagpapatuloy ng relasyon nila ni Gio, hindi rin natapos si JV sa pagpapaalala sa kanya. Ika nito, hindi siya nito i-to-tolerate. Magdugo man daw ang tenga niya ay hindi ito magsasawang paalalahanan siya.

“Pagmamahal pa ba iyon kung mali na?”

Nakangiwing nilingon niya ang katabi. Nakapamangalumbaba ito. Mapula na ang mukha at mapungay na ang mga mata.

“Oo naman. Mali nga lang. Ika nga, right love at the wrong time.” Si Ethan ang sumagot sa tanong na iyon ni JV.

Nakita niya ang pag-angat ng kilay ni JV. Inirapan niya ito. Kung mag-usap ang dalawa ni Ethan, parang wala siya sa harapan ng mga ito.

“Sabagay. Nasa tao naman kasi iyon kung gagawin mong tama: ang umiwas.”

Dumiin ang pagkakasabi ni JV sa huling salita. Hindi siya nakaimik. Kanina pa naman, habang naglalabas ng hinanakit si JV kay Ethan dahil sa relasyon na mayroon sila ni Giovanni. Lasing na ito at hindi na nila mapigilan ang bibig.

“May choice ka namang kumawala kasi alam mo nga na mali, eh. Pero hindi mo itinatama.”

“Tao lang naman nagkakamali.” Hindi na niya napigilang sagot. Napakahina ng boses niya dahil maski siya ayaw sa dahilan na iyon pero gusto niyang ipagtanggol ang sarili.

Tumuwid sa pagkakaupo si JV, pinagkrus pa ang mga braso. Nakataas na ang isang kilay.  “Yes. May ganoon ngang pakiramdam. Tao lang naman tayo nagkakamali. Pero ang dami mong oras na dapat pag-isipan mo yung mali mo at itama pero pinipili mo pa ring maging mali.”

Napailing si Ethan. Sinaway nito si JV pero nanatili ito s aposisyon nito. Hindi inaalis sa kanya ang tingin. Humingi ng paumanhin si Ethan sa kanya. Nginitian niya lang ito. Sanay na siya kay JV. Sanay na sanay na.

“Dadalhin mo pa sa inyo. Paano kung malaman nila na...”

Napahinga siya ng malalim kasabay nito. Nadampot niya ang baso, mabilis ‘yong sinalinan ng beer ni Ethan. Inisang tungga niya iyon. Ni hindi man lang niya naisip ang pait ng alak dahil sa inaalala.

Nasa magkaparehong sitwasyon sila nito. Pareho sila nitong naduduwag kapag usapang pamilya na. Natatakot sa maririnig na salita at sa maaaring kahinatnan ng relasyon sa pamilya at sa karelasyon oras na malaman ng kanilang pamilya ang relasyon na mayroon sila sa lalaking mahal nila. Pero parehong hindi kayang isuko ang pagmamahal na dahilan ng takot na iyon.

“Ilang beses ko ng sinabi sa ‘yo, Wretch, iwan mo na si Sir Gio hangga’t hindi ka pa nalulubog sa kumunky. Dahil kapag malaman ni Althea ang relasyon ninyo, tiyak na may masisira kang pamilya. Nakakaawa si Dianne, Wretch. Kahit man lang bata na lang ang isipin mo.”

Alam niya ang sitwasyon. Ramdam at naranasan niya nang iwan sila ng kanyang ama pero at alam niya na hindi na iyon tama. Ayaw niyang dumating ang araw na magagawa na niyang balewalain ang katotohanang mayroong bata na masasaktan at labis na maapektuhan sa maling relasyon na pilit nilang ipinaglalaban.

Inilabas niya ang kanyang cell phone. Nagtipa ng mensahe para kay Giovanni. Desidido na siya nang sandaling iyon na tatapusin na niya ang relasyon nila. Pero nang i-se-send na niya iyon, nakaramdam siya ng pagkaduwag. Naduduwag siyang hindi na niya ito mayayakap pang muli. Kaya naman sa huli, pikit-mata niyang binura ang mga iyon.

Alam niya ang sitwasyon. Ramdam at naranasan niya nang iwan sila ng kanyang ama pero huli na yata siya. Dahil bakit tila nabibingi siya ngayon? Bakit parang sarado na ang isip niya? Bakit pakiramdam niya ginagawa na siyang manhid ng pagmamahal niya kay Giovanni.

How Far Would You Go For Love?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt