26

13 3 13
                                    

PINATULOY niya si Giovanni sa kanyang apartment nang gabing iyon. Tinanggap niya itong muli sa kanyang buhay dahil para siyang nakakita ng pag-asa sa sinabi nitong naghiwalay na ang dalawa ni Althea. Iyon na ang sagot sa pangarap nila na balang araw ay magkakasama. Para 'yong isang pangarap na handa na niyang isuko ngunit binigyan siya ng pagkakataon na tuparin.

At katulad nila, nabigyan ng katuparan ang pangarao ni Ethan. Sa wakas ay nagawa na nitong ipaalam ang totoong pagkatao nito sa pamilya nito at relasyon nila ni JV. Hindi madali dahil naroon ang pagkabigla. Hindi pa ma-proseso nang tuluyan kaya naroon pa ang pagkaayaw sa katotoohanang iyon pero sabi ng mga ito ay masaya na sila dahil sa nagawa na nila ang unang hakbang.

Kaya naman labis ang saya niya dahil para bang umaayon ang lahat sa kanila ng kaibigan.

Pero para siyang pinaasa lang sa isang pangarap na inakala niyang matutupad.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng panghapunan nila ni Giovanni nang tumunog ang cell phone niya. Dinampot niya ito sa lamesa. Nalingunan niya pa si Gio na tutok na tutok ang paningin sa pinapanood na basket ball sa telebisyon. Tiningnan niya ang cell phone. Mayroong isang text si JV.

Nagkabalikan kayo ni Sir Gio?

Agad na nagtipa siya ng reply. Hindi. Bakit? Pero hindi pa man niya iyon na-i-i-send ay muling dumating ang isang text message mula rito.

Ang tanga-tanga mo talaga, Wretchel! Binigyan ka na nga ng pagkakataong lumaya bakit bumalik ka pa?!

Natatawang napairap siya saka muling nagtipa ng panibagong reply. Hindi nga kami nagkabalikan.

Iyon ang ginusto nila at napag-usapan nila ni Giovanni. Na hangga't maaari ay huwag munang ipapaalam sa iba ang pag-uumpisa muli ng relasyon nila. Iyon ay dahil sa kapatid niya. Ang alam nito ay hiwalay na sila ni Giovanni. Ayaw niyang malaman nito mula sa iba na may relasyon sila lalo pa't nagbanta ito na pupuntahan sila sa trabaho para alamin kung nagsasabi siya ng totoo. Kaya nga humanap din si Giovanni ng apartment nito. Okupado niya pa rin ang apartment niya kahit pa halos doon na siya tumira sa apartment ni Giovanni. Iyon ay para lang kung sakaling dumating doon ang kapatid niya.

Sinungaling! Kung gano'n ano 'yong post ni Althea? Gosh!!!Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko sa 'yo.

Ramdam niya ang dumobleng bilis ng tibok ng puso niya nang mabasa ang pangalang iyon. Nangangatal ang mga kamay nang magtipa ng reply rito. Anong post?

May post siya sa FB niya.

Mabilis niyang binuksan ang Facebook account niya at si-nearch ang pangalan ng babae roon. Bumungad sa kanya ang pi-nost nito thirty-eight minutes ago na tila isang message.

We made a promise in front of our God at tutuparin ko pa rin ang pangako kong iyon. That I will always love you and support you.

Kasunod niyon ay isa muling post. Isa 'yong poem tungkol sa Infidelity.

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Dec 03, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

How Far Would You Go For Love?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum