12

10 4 13
                                    

SA buong oras ng paghahapunan, pakiramdam ni Wretchel ay para siyang isang robot. Pigil na pigil niya ang kilos ng kanyang katawan para lang hindi maituon ang kanyang paningin sa katabi. Nagagawa niyang makipagbiruan at makipagtawanan sa mga kasama niya sa hapag, nagagawa niyang sabayan ang panunukso ni Kristine sa kanila ni Ethan, ngunit kasabay niyon, nagagawa niya ring umakto na para bang hindi siya apektado sa presensya ni Giovanni at ng ginawa nito. Gustong gusto niya itong singhalan nang hawakan nito ang kamay niya. Ngunit hindi niya magawa. Natatakot siyang gawin dahil natatakot siyang malaman ng mga kasama nila roon ang bagay na iyon.

Napatuwid ang kanyang gulugod nang maramdaman ang pagdikit ng braso nito sa kanyang likuran. Hindi man niya tingnan pero naramdaman niya ang pagpatong ng braso ni Giovanni sa sandalan ng kinauupuan niya. Pigil na pigil niya ang sariling lingunin ito at irapan.

Nilingon niya ang kanang gilid niya. Napapikit siya at napabuga ng hangin nang makita ang kulay kremang dingding. Nagsisisi siya na roon pa siya sa gilid puwesto, disin sana ay magagawa niya pang kumuha ng espasyo para sa kanila ni Giovanni. Hindi. Nagsisisi siyang hindi nakipag-agawan kay JV ng upuan para man lang si Annie ang nakatabi niya. Eh, ‘di sana hindi naliligalig ang isip niya dahil sa katabi niya, dahil sa  init ng palad nito na hanggang sa mga oras na ‘yon ay nararamdaman niya pa sa kanyang balat.

“Okay ka lang, Wretch?”

Muntik na siyang mapatalon sa kinauupuan nang marinig ang baritonong boses na bumulong. Nagtatakang mukha ni Giovanni ang sumalubong sa kanya nang mabilis siyang napalingon dito. Taranta ang kalooban, nailinga niya ang paningin. Kausap ng kanilang head si Jayson na asawa nito habang abala rin sa pagpapakain sa anak nito na si Dianne, habang ang tatlo ni JV, Annie at Ethan ay magkakausap at nagtatawanan. Muli siyang napabuga ng hangin. Para siyang nilayasan ng naipong hangin sa baga nang walang makitang nakatingin sa kanila.

“Wretch—”

“Huwag mo muna akong kausapin, please?” hindi niya napigilang wika. Wala nga siyang narinig na salita mula rito. Madali naman palang kausap, isip-isip niya pa.

Nagdesisyon pa silang magpahinga saglit bago umuwi. Nagyayaya pa ngang uminom ng alak si Jayson pero agad itong sinaway ng asawa. Anito ay magda-drive pa si JV at Giovanni at may mga trabaho pa silang lahat bukas. Alas nuwebe diyes nang magkayayaan sila na umuwi. Gusto pa sana siyang ipahatid ni Kristine kay Ethan pero mabilis na niya itong tinanggan. Naroon naman si JV at pwede siyang makisabay rito.

“Bye, Papa Ethan—hala bakit nagtunog ulam?”

Pare-pareho silang natawa sa kalokohan ni JV. Malakas itong napairit nang itinulak ito ni Annie papasok sa kotse nito.

“Pumasok ka na nga! Puro ka kalokohan.”

Narinig pa nila ang pagtatalo ng dalawa sa loob ng sasakyan. Hinarap niya si Ethan na katulad niya ay may multo pa ng pagtawa sa labi.

“Mauna na kami, Ethan. Thank you.”

“Mag-iingat kayo.”

Tumango siya rito. Kumaway siya at lalampasan na sana ito ngunit natigilan siya nang tawagin siya nito.

“Pasensya na kay Ate Kristine.”

Ngumiti siya at tumango. “Wala ‘yon.”

“Huwag mo na lang sanang pansinin ‘yong pangrereto niya.” Parang hirap na hirap pa itong sabihin sa kanya iyon.

“Don’t worry, hindi ko naman iyon iniisip. Pinaunlakan ko lang din talaga siya ngayon dahil nakakahiya namang tanggihan.”

Tumango ito, hindi na umimik pero nababasa niya sa mukha nito na may nais pa itong sabihin. Marahil ay hindi nito makayanang sabihin sa kanya kaya siya na ang sumubok na magbukas niyon.

“It’s okay, Ethan. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong gawi at mahalin  ang isang bagay dahil lang gusto nila.”

Para bang may pag-asa na dumaan sa mukha nito. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti at mahinang tinapik ito sa balikat.

“Pero narito ako bilang kaibigan. You can open up to me anytime. I’ll listen.” Nilapitan niya pa ito at binulungan. “I can be your secret jar.”

Dahan-dahan ang pamimilog ng mga mata nito.  “Alam mo?”

“Ramdam ko,” tumatangong aniya.

Ikinatawa niya nang tulala ito sa kanya nang mapabuga ng hangin.

“H-Hw did you know?”

Nagkibit siya ng balikat. “Sabihin na lang natin na... malakas ang radar ko sa ganoong bagay? At hindi pa ako kailanman binigo ng ganoong pakiramdam ko. Kanina pa man ramdam ko na, Ethan. Kaya nga naisip ko na baka hindi man lang tayo umabot sa get-to-know-each-other.” Sinubukan niyang magbiro sa huling sinabi, nagtagumpay naman siya roon dahil nagawa nitong tawanan iyon.

“Bakit pakiramdam ko may nabuksan na pinto sa puso ko? Salamat, Wretchel.”

Kahit pa puno ng kuryosidad ang isip, hindi na niya ito tinanong pa kung bakit hindi nito magawang sabihin sa kapatid ang katotohanan sa pagkatao nito. O baka naman alam na ng mga ito, at tinatakpan lang ng pagrereto dito ang katotohanang iyon? Nakakaramdam siya ng lungkot para rito.

Una nilang inihatid si Annie bago siya inihatid ni JV.  Sa sasakyan, noong sila na lamang ang ni JV ang naroroon ay nabuksan ang usapan tungkol kay Ethan.

“He’s gay, Wretch.”

Hindi na siya nagtaka na alam iyon ni JV. Kung siya nga ay naramdaman iyon, ito pa kaya? Pero mukhang nagulat ito na wala man siyang naging reaksyon doon. Katulad ng sinabi niya kay Ethan, ganoon din ang sinabi niya rito. At katulad niya, nalulungkot din ito para sa binata. Hanggang sa maihatid siya nito ay dama nila ang lungkot na iyon.

Pabagsak siyang naupo sa sofa. Noon nagdatingan ang pagod para sa maghapong iyon. Napapikit na at unti-unti nang nilalamon ng antok ang diwa niya nang makarinig ng katok sa pinto ng apartment. Tamad na tamad siyang tumayo at tinungo ang pinto, ni hindi na niya nakuhang magtaka kung sino ang kakatok nang ganoong oras. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang napagbuksan.

“G-Gio—”

Nanlaki ang mga mata niya nang mabilis na lumapit ito sa kanya. Ni hindi siya nakahuma. Naramdaman na lamang niya ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya.

“A-Ano bang ginagawa mo!” Malakas niya itong itinulak. Taranta ang mga mata niyang tumitingin sa likuran nito. Kahit pa madilim na pasilyo ng apartment lamang ang nakikita niya roon. Napaatras siya nang muli sana siya nitong yayakapin. Parang may dumaang kirot sa kanyang puso nang makita ang nasasaktan nitong mga mata. “Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na, Gio, please naman, oh.”

“Gusto mo ako, ‘di ba? At hindi ang Ethan na iyon.”

“Ano bang pinagsasabi mo!”

“Huwag na tayong maglokohan, Wretch. Alam kong gusto mo rin ako.”

“Hindi kita gusto, Gio!”

“Wretch...”

“Umalis ka na, Gio. Ayoko ng gulo,” nagmamakaawang aniya.

Ngunit tila siya pinako sa kinatatayuan nang malaking hakbang na nilapitan siya nito. Malakas niya itong naitulak nang halikan siya nito ngunit nahuli nito ang mga braso niya. Patuloy siya sa impit na pagsigaw habang nagpupumiglas.

Lumayo ito at sinakop ng mga palad ang magkabilang pisngi niya. Walang wala ang lakas ng tulak niya dahil hindi man lang ito natitinag.

“Gusto mo ako, Wretch. I know. Dahil ramdam ko, nakikita ko.”

“Hindi totoo ‘yan! Hindi kita gusto, Gio, at hindi kailanman—”

Hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi dahil muli nitong sinakop ang labi niya. “It’s okay, Wretch. It’s okay,” marahang anito sa pagitan ng halik.

Parang may kung ano’ng mahika sa sinabi nitong iyon. Dahil sa pagkakataon na iyon hindi na niya alam kung saan napunta ang lakas na itaboy pa ito. Nagpupumiglas ang mga braso niya na hawak pa rin nito, ngunit kabaligtaran ang kilos ng kanyang mga labi na tumutugon na sa halik nito.

How Far Would You Go For Love?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora