9

18 6 13
                                    

WALANG ibang naging choice si Wretchel kung ‘di lumabas ng comfort room nang tatlong magkakasunod na nagpadala ng text message si JV. Iisa lang naman ang laman niyon at sinasabing pumunta na siya dahil naghihintay ang pagkain. Hindi niya alam kung nagloko lang ang cell phone nito o sinadya nitong tadtarin siya ng text.

Agad na siyang lumabas dahil sa hiya na baka sila na lamang ang hinihintay sa bahay ng kanilang head. Kahit pa nga hindi niya alam kung paano pakikiharapan si Giovanni. Ngunit parang tinakpan iyon ng kaginhawahan sa pakiramdam nang makita niyang naroon din sa locker room ang isa sa pioneer ng sales promodiser. Naabutan niyang nag-uusap ang dalawa ni Gio habang ang babae ay nagpapalit ng sapatos nito.

“Hi, Ate Rich,” bati niya rito.

Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Namimilog ang mga mata nang itinuro siya ng binati. “Bakit ngayon ka lang, Ma’am? ‘Di ba nauna ka pang nag-out sa ‘kin?”

Kimi siyang ngumiti at tipid na nilingon si Gio. Agad niya ring inalis ang tingin dito nang makita niyang seryoso itong nakatingala sa kanya. Dumiretso siya sa kanyang locker na nasa likuran ng lalaki habang sinasagot ang dalaga.

“Naroon pa ako sa loob, ah? Sa table ko. Baka hindi mo lang ako napansin.” Napangiwi siya at nailing na lamang sa inilabas na kasinungalingan ng bibig niya. Pwede niya namang sabihin na nasa comfort room talaga siya pero nagkusa na ang bibig niya.

“Ah, akala ko nag-out ka na after ng transaction kay Engineer Sumalinog. Sabi ko pa naman dito kay sir baka iniwan mo na,” natatawa nitong ani sa huling sinabi.

Hindi na niya ito sinagot pang muli. Saglit niya lang itong nilingon at nginitian saka niya inabala ang sarili sa pagpapalit ng kanyang black shoes sa isang flat cream sandals habang ang isip ay tumatakbo sa pakikisabay niya kay Giovanni. Nakikini-kinita na niya ang katahimikan niya hanggang makarating sila sa pupuntahan. Ang awkward atmosphere sa loob ng kotse. Okay lang sana kung hindi lang sila ang naroon ‘di ba? Baka pa kayanin niya. Bumagal ang kilos niya sa mga naisip. Parang ayaw na lamang niyang umalis doon.

“Hindi ba sa target ka sumasakay, Rich?” Naulinigan niyang tanong ni Gio kay Rich.

“Oo, sir.”

“Sumabay ka na sa amin ni Ma’am Wretchel hanggang doon sa terminal. Doon din naman ang daan namin papunta kina Ma’am Kristine.”

Nanlaki ang mga mata at mabilis na nilingon niya si Giovanni nang marinig ang alok nito sa dalaga. Umangat ang gilid ng labi niya lalo na nang tanggapin ni Rich ang alok nito.

How Far Would You Go For Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon