25

9 3 4
                                    

KUMALAS siya sa pagkakayap ni Giovanni at ilang hakbang ang ginawa para makalayo rito. Nakita niya ang pagtataka sa itsura nito. Ibinaling niya ang tingin kay Althea na sapo ng dalawang kamay ang mukha at malakas na humahagulgol. Hindi niya akalain na naisip niya pa itong aluin. Pero sino ba siya para gawin iyon kung siya nga ang dahilan kung bakit ito nagkakaganoon.

“I’m sorry,” halos hindi niya magawang bigkasin. Nanghihina siya. Nanghihina ang kalooban niya. Pakiramdam niya wala siyang karapatan maski ang sabihin iyon.

Nag-angat ng tingin si Althea. Nakita niya ang pangangatal ng labi nito. Nakikita niya pa rin ang bahid ng galit dito ngunit hindi na kasing sidhi nang nakikita niya rito kanina. Saglit na gumaan ang pakiramdam niya dahil doon pero mas pinatindi niyon ang pagsisisi sa kanyang puso. Napatungo siya nang mag-umalpas ang maiinit na luha mula sa kanyang mga mata.

“I-I’m sorry...”

“Wretch—”

“I’m sorry, Althea.”

“Wretchel, ano ba!”

“I’m sorry.”

Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Gio. Nagpatuloy siya sa paghingi ng tawad kay Althea. Isa, dalawa, tatlo... Hindi niya alam kung ilang beses niyang sinabi ang dalawang salitang iyon. Pero kahit ilang beses yata niyang bigkasin iyon ay hindi niyon mabubura ang pagsisising nararamdaman niya.

“I’m sorry—”

“Kahit isang libong beses mo pang sabihin ‘yan hindi mo mabubura sa akin ang lahat ng sakit na idinulot ninyo. Nagsisisi ka lang, Wretchel, pero ako nasaktan at nawasak ang tiwala at pagkatao ko. Hindi mabubuo ng paghingi mo ng tawad ang tiwala kong sinira ninyo. Magsisi ka lang nang magsisi, Wretchel. Magpalamon ka sa pagsisisi bilang kabayaran sa ginawa mong pang-aahas sa amin ng anak ko.”

Tinalikuran sila nito at iniwan doon. Mararahas na pagbuga ng hangin at ilang malulutong na pagmumura ni Giovanni ang sumagasa sa hikbi niya.

“I’m sorry, Wretch. Hindi ko alam na may binabalak siyang ganito. Hindi na ito mauulit pa.”

Umatras siyang muli nang makita ang paghakbang nito palapit sa kanya. Nanlilisik ang mga matang tinitingnan niya ito.

“Umuwi ka na sa inyo, Gio“ mariing aniya.

Nagsalubong ang kilay nito. Nakita niya ang pagtutol sa itsura nito.

“Umuwi ka na,” mas mariing aniya.

“Wretchel—”

“Umuwi ka na sabi! Umuwi ka na sa asawa’t anak mo! Iwan mo na ako rito!” Hindi na niya napigilang sumigaw at itulak ito habang patuloy sa paghagulgol. Hindi alintana ang ilang nakakakita sa kanila. Mas nilakas niya ang pagtulak dito nang magpumilit itong hawakan siya. “Umuwi ka na at huwag ka ng babalik pa,” mariing aniya bago niya ito tinalikuran.

Naririnig niya ang pagtawag nito sa langalan niya pero hindi na niya ito niligon pa. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng parking lot na iyon at nang may makitang tricycle ay agad niya iyong pinara.

Sa halip na dumiretso sa apartment ay sa tinitirahang studio type apartment ni JV siya nagpahatid. Bakas ang gulat sa mukha nito nang mapagbuksan siya matapos ang ilang katok niya. Nang mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang yumakap dito habang patuloy sa pag-iyak.

“Alam na ni Althea ang tungkol sa amin,” anjya sa pagitan ng paghikbi. Narinig niya ang pagsinghap nito pero wala siyang narinig na salita rito. Tanging buntong-hininga at pag-ganti ng yakap.

Ilang minuto silang nanatiling ganoon. Narinig niya ang ilang beses pa na pagpapakawala nito ng buntong-hininga at naramdaman niya ang marahang paghagod nito sa kanyang likuran. Nang mahimasmasan siya ay kusa na siyang kumalas dito.

“Okay ka na?” mataray na pagkakatanong nito.

Tanging pagtango lang ang nagawa niyang sagot. Umismid pa ito at inirapan siya pero lumambot din naman ang ekspresyon ng mukha. Niyakag siya nito papasok sa apartment nito. Noon niya lang napansin na hindi pala ito nag-iisa roon.

“Ethan.” Nasa dining table ito may kaharap itong dalawang lata ng beer.  Base sa suot nitong puting tank top at board short natitiyak niyang hindi ito naroon lang para bumisita. Ngumiti ito at kumaway sa kanya. Nahihiyang nilingon niya naman si JV.

“Oks lang. Ito naman. Hindi mo naman kami naaabala,” sarkastiko nitong ani.

Nairapan niya ito. Sinundan niya ito palapit sa kusina. Dumiretso ito sa maliit nitong refrigerator habang siya ay sa lamesa. Bitbit nito ang isang can beer nang lumapit sa kanila at inilapag iyon sa harapan niya.

Binuksan niya iyon at halos maubos niya iyon sa isang tunga kaya naman nakakuha siya ng reaksyon kay JV. Napangiwi siya sa pait pero muling tumungga.

“Hinay-hinay lang, huy! Ani JV.

Narinig niya ang pagtatanong dito ni Ethan kung ano ba raw ang problema niya at sinagot naman nito ang nobyo. Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang panlalaki ng mga mata ni Ethan at pag-iling ni JV.

“Ano ng balak mo?”

Umiling siya. “Ayoko na.”

“Sigurado ka na riyan? Baka naman mamaya konting suyo no’ng isa...”

“Hindi na. Ayoko na talaga.”

“Siguraduhin mo lang, Wretchel. Dahil kahit ako nanawa na diyan sa sitwasyon ninyo. Aba, maawa ka naman sa sarili mo. Hindi mo ‘to deserve. Hindi mo deserve na maging kabit lang. At sa bait no’n ni Althea, mas lalong hindi niya deserve na winawalangya ninyo siya ni Sir Giovanni.”

Ang bigat-bigat ng dibdib niya na kahit ilang pagpapaalpas ng hangin ang gawin niya ay hindi iyon nawawala. Ganoon nga siguro kapag may napakalaking bagay kang dala-dala sa puao mo. Na kahit ano’ng pilit niyang lubayan siya nito, hangga’t hindi siya ang kumakawala rito ay hindi iyon mawawala.

“Ayoko na talaga. Pagod na ako.”

Desidido na siya. Buong buo na ang desisyon niya na huli na iyon. Na bibigyang wakas na niya ang lahat-lahat sa kanila ni Giovanni. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ba patuloy siyang sinusundan ng maling tadhana.

Titig na titig siya sa lalaking nakatayo sa labas ng apartment niya nang makauwi siya. Bagsak ang balikat nito nang sinubukan nitong humakbang palapit sa kanya pero natigil ito nang umatras siya.

“Ano’ng ginagawa mo dito? ‘Di ba sabi ko na huwag ka ng babalik pa?” mariin ngunit may pagmamakaawang aniya.

Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw siyang lubayan ng maling tadhana.

“Nakipaghiwalay na sa akin si Althea, Wretchel.”

How Far Would You Go For Love?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora