5

18 6 14
                                    

‘NAG sick leave ka raw?’

Namumungay pa ang mga mata ni Wretchel dahil sa antok nang mabasa niya ang text message na iyon. Nanatiling hawak niya ang cell phone pero nakaangat lang iyon, habang napapikit siyang muli. Masyado siyang nalalasing sa antok at napakabigat din ng katawan niya dahil sa trangkaso.

Ramdam niya ang pagbagsak ng braso kaya muli siyang naalimpungatan. Muli niyang tiningnan ang kanyang cell phone. May bago na muling text message roon. Galing pareho iyon sa iisang unknown number.

‘Kumusta ka? Uminom ka na ng gamot?’

Pinilit niyang bumangon. Naisubsob niya ang mukha sa parehong palad. Lambot na lambot siya at parang hinihila palagi nag talukap para sumara, natitiyak niyang dahil iyon sa gamot na ininom niya kanina bago siya makatulog.

Muli na sana siyang lalamunin ng antok ngunit muli lang din siyang naalimpungatan nang marinig ang malakas na pagtugtog ng incoming ringtone ng kanyang cell phone. Bumuga siya ng hangin at ilang ulit na ipinilig ang ulo, pilit na itinataboy ang antok. Dinampot niyang muli ang cell phone at tinapos ang pag-iingay niyon kahit pa unknown number ang naka-rehistro sa caller ID.

“Hello?” Maski boses niya ay matamlay.

“Wretch! Kumusta?”

Parang nahulasan siya nang marinig ang pamilyar na boses. “Sir Gio?”

“Oo, ako nga.”

“Number mo, Sir?” Natatawa itong um-oo.

Hindi naman kasi sila nito nagkaka-text. Madalas naman kasi sa Messenger niya nakakausap ang mga ito. ‘Oo nga, ano? Kung hindi dahil kay mama hindi ko na magagamit ang text messaging app sa cellphone ko.’ Nagawa niya pa ‘yong isipin nang mga sandaling iyon na para bang napakahalagang reyalisasyon niyon.

“May sakit ka raw. How are you?” Nababakas na niya ang pag-aalala sa boses nito na ikinangiti niya.

“Hm. Lagnat lang po.”

“Kumain ka na? Gamot?”

“Kumain na at uminom na ng gamot,” natatawa niyang sagot. Para itong ang mama niya na hindi na niya nagawang ipaalam ang pagkakaroon ng sakit dahil tiyak na hindi matatahimik ang cell phone niya sa tawag nito. At ayaw na rin niyang mag-alala pa ito. “Inaantok nga ako. Epekto yata ng gamot,” wala sa sariling aniya.

“Antihistamine? Bakit, inatake ka na naman ng allergy? Siguro maalikabok kung saan ka nag-site visit kahapon, ‘no?”

Habang nagsasalita ito, naisip niya, ganoon na ba silang kalapit sa isa’t isa na maski ang ganoong bagay katulad ng sa allergy niya ay nababanggit niya rito? Maliit na bagay lang naman iyon na tungkol sa kanya kung tutuusin, pero isang bagay rin na hindi na rin naman mahalagang ipaalam pa sa iba. Masyado na nga ba siyang nagiging kumportable?

Nang mga sandaling iyon, naalala niya ang ilang beses na pagkakahuli niya rito na nakatitig sa kanya nang mga nagdaang araw. Mga titig nito na hindi niya inaasahan at ayaw  na sana niyang bigyan pa ng pansin pero hindi niya maiwasan lalo pa kapag naalala niya ang kulay ginto sa palasinsingan nito sa kaliwang kamay.

“May pang-lunch ka riyan? Gusto mong dalhan kita?”

“Nako, huwag na, sir. Bibili na lang ako sa carenderia sa baba.”

“Bababa ka pa, eh, nasa third floor ka. Dadalhin na lang kita. Hintayin mo ako riyan, hm?”

How Far Would You Go For Love?Onde histórias criam vida. Descubra agora